Archive of AB Dailies

Pang-ekonomyang panggigipit ng US kontra Russia, nagpapalala sa pandaigdigang krisis sa pagkain
July 17, 2022

Bago pa man sumiklab ang gera sa Ukraine, nasa bingit na ng krisis sa pagkain ang mundo. Pinalala ito ng mga sangsyon sa ekonomya ng Russia, na makaisang panig na ipinataw ng US. Lumalakas ang panawagan mula sa iba’t ibang internasyunal na ahensya at mga sibikong organisasyon na iatras ng US ang mga sangsyon para […]

Maliliit na tindahan sa Carbon Public Market, dinemolis
July 17, 2022

Sinugod sa Unit II ng Carbon Public Market at giniba ng mga tauhan ng lokal na gubyerno ang mga tindahan sa Carbon Public Market sa Cebu City noong Hulyo 15. Kaugnay ito ng isasagawang pribatisasyon sa naturang palengke na pinangangasiwaan ng Megawide Construction Corporation katuwang ang lokal na gubyerno. Hindi bababa sa 80 pwesto ang […]

Pananalasa ng open-pit mining sa Davao Oriental, kinundena ng NDF-SMR
July 16, 2022

Kinundena ng National Democratic Front-Southern Mindanao ang mga kumpanya ng open-pit at malawakang pagmimina, at ang pakikipagsabwatan ng lokal na mga gubyerno sa Davao Oriental sa mga ito, sa isang pahayag na inilabas nito noong Hulyo 12. Ang mga minahang ito ay matatagpuan sa Banaybanay at Mati City. “Sa gitna ng serye ng mga natural […]

Pamilyang Mangyan sa Mindoro, niratrat ng 4th IB at SAF, bata patay
July 15, 2022

Pinaulanan ng bala ng mga elemento ng 4th IB at Special Action Force ng PNP ang isang bahay ng katutubong Mangyan Buhid na si Ginoong Inyab sa Sityo Tauga Daka, Barangay San Vicente, Roxas, Oriental Mindoro noong Hulyo 3 matapos silang nakaapak sa patibong para sa baboy. Napatay sa pamamaril ang isang bata. Nagalit ang […]

Walang engkwentrong naganap sa Palimbang noong Linggo—BHB-Sultan Kudarat
July 14, 2022

Pinasinungalinan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ngayong araw ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na engkwentro ng 57th IB sa Barangay Tibuhol, Palimbang noong Linggo, Hulyo 10. Sa ulat ng 57th IB, nakasagupa umano nito ang “limang komunistang rebelde” sa naturang barangay bandang hapon noong Linggo. Inilinaw ng pamprubinsyang kumand ng […]

4 na aktibista at organisador, dinukot ng militar
July 13, 2022

Nanawagan ngayong araw ang grupong Gabriela, Kilusang Mayo Uno (KMU), Desaparecidos, mga kaanak ng apat na aktibista na dinukot noong Mayo at Hunyo na kagyat silang ilitaw ng armadong pwersa ng estado. Iginigiit nila sa rehimeng Marcos II na iharap sa korte ang apat kung mayroong mga kasong nakasampa laban sa kanila. Nanawagan din sila […]

Ika-6 taong anibersaryo ng ruling kaugnay sa West Philippine Sea, ginunita sa protesta
July 12, 2022

Naglunsad ng koordinadong protesta ang mga mangingisdang kasapi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) bilang paggunita sa ikaanim na taon ng pagkatig ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Pilipinas laban sa China sa usapin ng pagmamay-ari sa West Philippine Sea. Inilabas ng PCA ang desisyong ito noong Hulyo 12, 2016 na […]

Palyadong mga airstrike sa Cagayan, perwisyo sa mga sibilyan
July 12, 2022

Tanda ng kawalang pakundangan (indiscriminate) ng mga pambobomba ng AFP, tatlo sa apat nitong mga airstrike na isinagawa sa Cagayan mula Setyembre 2021 hanggang Pebrero ngayong taon ay palyado at bigong tumama sa sinasabi nitong mga target na yunit ng Bagong Hukbong Bayan at sa halip ay nagdala ng perwisyo sa taumbayan. Sa isang kaso, […]

₱5-6 rolbak sa presyo ng petrolyo, katiting kumpara sa ₱30-42 netong pagtaas mula Enero
July 12, 2022

Kinastigo ng samahan sa transportasyon na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang ₱5-6 na rolbak sa presyo petrolyo ngayong linggo at sinabing hindi ito sapat para makaagapay sa napakababang kita ng mga tsuper sa araw-araw. “Patuloy na nahihirapan ang mga drayber ng dyip sa higit kumulang ₱350 arawang kita lamang […]

Shinzo Abe, rebisyunista ng kasaysayan ng imperyalistang Japan
July 12, 2022

Insulto sa mamamayang Pilipino ang papuri ng mga upisyal ng reaksyunaryong estado sa pinaslang na si Shinzo Abe, dating prime minister ng Japan, nang walang pag-aalala sa lahat ng mga biktima ng imperyalistang Japan noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig. Binaril at napatay si Abe noong Hunyo 9 habang nangangampanya sa prefecture (prubinsya) ng Nara […]