Archive of AB Dailies

Peligro sa pagawaan ng Universal Robina, inilantad
June 14, 2022

Naglunsad ng protesta at nagtirik ng kandila ang ilang mga manggagawa at kanilang tagasuporta sa pamumuno ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) noong Sabado, Hunyo 11, para manawagan ng hustisya sa pagkamatay ni Stephen Corilla sa pabrika ng Universal Robina Corporation (URC) sa Tabok, Mandaue City, Cebu. […]

1.3 milyong manggagawa, nawalan ng trabaho noong Abril
June 14, 2022

Bumaba nang 1.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang may trabaho noong Abril, kasabay ang pagkabawas ng 1.5 milyon sa bilang ng nasa labor force, kung ibabatay sa huling estadistika ng Phiippine Statistics Authority. Hindi mapagtakpan ang katotohanan na malayo pa ang Pilipinas sa ipinangangalandakan ng mga upisyal ng rehimeng Duterte na “full recovery,” ayon […]

Mano-manong pagbibilang ng mga boto sa eleksyong 2022, itinutulak
June 14, 2022

Itinutulak ng tatlong kritiko ng nagdaang eleksyon ang mano-manong pagbibilang ng mga boto para sagutin ang maraming kwestyon sa bilangan at transmisyon ng mga resulta ng botohan. Sa isinagawang press conference noong Hunyo 2, kinwestyon ng mga ekspertong teknikal na sina Franklin Ysaac, isang dating upisyal ng isang bangko at software developer; Gus Lagman, dating […]

Di kailangan ng permit para magprotesta laban sa di lehitimong rehimeng Marcos II
June 14, 2022

Kahit sa ilalim ng konstitusyon 1987, protektado ang karapatan sa pagrarali at ang batas sa paghingi ng permit ay para lamang mabigyan ng abiso ang lokal na gubyerno sa panahon at lugar ng pagdadausan ng rali. Ito ang ligal na upinyon ng mga abugado ng National Union of People’s Lawyers kaugnay sa sunud-sunod na pagbuwag […]

Presyo ng mga bilihin at yutilidad, tumaas dulot ng abot-langit na presyo ng langis
June 12, 2022

Sumirit nang 5.4% ang presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Mayo, pinakamabilis sa nakaraang tatlong taon. Pangunahing dahilan nito ang walang awat na pagtaas ng presyo langis na nagpataas sa gastos sa produksyon. Tumaas ang presyo ng pagkain (karne, isda at gulay) dahil sa mga pagbabago sa panahon. Pero imbes na palakasin ang lokal […]

Bungkalan sa Tarlac, marahas na binuwag; 92 inisyal na inaresto
June 10, 2022

Marahas na binuwag ng Philippine National Police (PNP) ang bungkalan o sama-samang pagsasaka ng lupa sa Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac kahapon, Hunyo 9. Inaresto nito ang 92 magsasaka, kabataan at artista. Ang bungkalan ay pinamunuan ng Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka ng Tinang (MAKISAMA-Tinang.) Inihahanda ng mga magsasaka ang dalawang ektarya ng lupa sa Hacienda […]

Kontra-atake laban sa 34th IB, inilunsad ng BHB sa Lanao del Sur
June 10, 2022

Sinalakay ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Lanao ang nag-ooperasyong mga sundalo ng 34th IB noong Mayo 25 sa magubat na bahagi ng bayan ng Maguing, Lanao del Sur. Hindi bababa sa dalawa ang napatay at tatlo ang nasagutang sundalo sa 10-minutong armadong aksyon. Ang pagsalakay ay kontra-atake ng BHB laban […]

Protesta sa panahon ng ECQ, makatwiran
June 08, 2022

Dalawang taon na matapos marahas na binuwag, inaresto at iligal na idinitine ng mga pulis ang 21 maralita na naggigiit ng kanilang karapatan sa pagkain at ayuda. Noong Hunyo 7, ipinawalangsala sila sa kasong paglabag sa mga alituntunin ng “enhanced community quarantine” o ECQ, ang pinakamahigpit at pinakamilitarisadong antas ng lockdown na ipinataw ng rehimeng […]

Araw ng Kalayaan, maagang ginunita sa New York
June 08, 2022

Bilang maagang paggunita sa ika-124 taon ng kalayaan ng Pilipinas, nagmartsa ang mga myembro ng Malaya Movement at Makibaka Coalition kasama ang 1Sambayan US sa Madison Avenue, New York City sa US. Daan-daan ang nakiisa sa protesta na may panawagang “Never Forget!” Para sa Makibaka Coalition, ang laban para sa demokrasya ay nagpapatuloy laluna sa […]

Trahedyang Marcopper, pamana ng diktadurang Marcos Sr.
June 07, 2022

Maituturing na tagumpay ang desisyon ng Regional Trial Court sa Marinduque noong Mayo 16 na nag-utos sa Marcopper Mining Corporation na magbayad ng danyos nang hanggang ₱10 milyon para sa insidente ng mine spill noong 1993. Gayunpaman, hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang paulit-ulit at matagalang mga pinsalang idinulot ng pagmimina ng kumpanya sa […]