Archive of AB Dailies

Samahan ng mamamahayag sa Asia-Pacific, itinatag
June 04, 2022

Binuo noong Mayo 31 ng mga grupo ng mamamahayag sa rehiyong Asia-Pacific ang isang pederasyon na magtataguyod ng laban para sa kalayaan sa pamamahayag, pagpapalakas ng ekpresyon sa mga platapormang digital at paglaban sa panggigipit sa midya sa rehiyon. Itinatag ang Federation of Asia-Pacific Journalists (FAPaJ) ng mga organisasyong kasapi ng pandaigdigang organisasyong International Federation […]

Mga estudyante sa US, nagwalk-out para ipanawagan ang gun control
June 02, 2022

Libu-libong estudyante sa elementarya at hayskul sa US ang nagwalk-out noong Mayo 27 para ipanawagan ang kagyat na mga reporma laban sa karahasang idinudulot ng walang regulasyong paglipana ng mga baril sa kanilang bansa. Ginawa nila ang pagkilos matapos ang insidente ng pamamaril na pumatay sa 19 sa isang paaralan sa Uvalde, Texas. Noong Mayo […]

Mahal na gasolina at kawalang suporta ng estado, nagpabagsak sa huli ng mga mangingisda
June 02, 2022

Tinukoy na dahilan ng mga mangingisda at grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang napakataas na presyo ng petrolyo at kawalang suporta ng gubyerno sa kanilang sektor bilang salarin sa pagbaba ng bolyum ng huli ng mga mangingisda sa nagdaang unang kwarto ng 2022. Nabawasan ng 2,000 tonelada (0.2%) ang kabuuang produksyon […]

Pahirap na mga buwis, nakaambang ipataw ni Marcos Jr. sa mamamayan
June 01, 2022

Nakaambang ipataw ng papasok na rehimen ni Ferdinand Marcos Jr. ang pahirap na mga buwis sa susunod na taon. Ito ay para makalikom ng sapat na pondo ang estado para ipambayad sa trilyong utang na iniwan ng rehimeng Duterte. Kabilang sa mga hakbang ang pagpapaliban sa pagpapababa sa buwis sa personal na kita na ipinangako […]

Mga katotohanan ng martial law, hindi “up for debate”
June 01, 2022

Binweltahan ng kinatawan ng ACT Teachers sa kongreso ang pahayag kahapon, Mayo 31, ni Trixie Cruz-Angeles na dapat “isalang sa debate” ang mga pangyayari sa ilalim ng batas militar ng diktadurang US-Marcos Sr. Ayon kay Rep. Frances Castro, hindi “up for debate” ang mga katotohanang nakabatay sa ebidensya at salaysay ng mamamayang nakaranas nito. Si […]

Samahan sa Gubat tutol sa pagbabawal sa paghuli ng crablet
May 31, 2022

Mariing tinutulan ng Cota na Daco Crablet Workers Association (COTAW) ang Fisheries Administrative Order No. 264-2020 na nagbabawal sa sinumang manghuhuli ng alimango at kanilang mga asosasyon, kooperatiba, o korporasyon na manghuli, mag-ari, maglipat o magpadala at magbenta ng mga mangrove crablet na mas maliit sa 12 sentimetro. Ayon sa COTAW, hindi nararapat at pabigat […]

Dalawang lider magsasaka, inaresto sa Sorsogon
May 31, 2022

Dinakip sina Percival Dellomas at Darwin Guelas, mga lider magsasaka sa Sorsogon, sa isang tsekpoynt ng Philippine National Police sa hangganan ng prubinsya ng Sorsogon at Albay noong Mayo 28. Si Dellomas ay lider ng Samahang Magbubukid sa Sorsogon (SAMASOR) haban si Guelas ay bahagi ng rehiyunal na konseho ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas – […]

Drone ng AFP, bumagsak sa Bukidnon
May 29, 2022

Bumagsak ang isang Hermes 900 na drone ng Philippine Airforce (PAF) kahapon, Mayo 28, sa bayan ng Baungon sa Bukidnon. Ang Hermes 900 ang pinakaabanteng unmanned aerial vehicle (UAV) o drone sa armada ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagkakahalaga ng tinatayang $25 milyon (₱1.25 bilyon) kada yunit. Sa paunang ulat ng PAF, […]

Iselda si Imelda, giit ng mga detenidong pulitikal noong batas militar
May 29, 2022

Muling iginiit ng grupong SELDA (Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto) sa Korte Suprema na dapat nang ikulong si Imelda Marcos sa mga kaso ng pandarambong na nahatulan siya. Noong 2018, ibinaba ng korte ang desisyong nagkasala si Imelda ng pitong bilang ng pandarambong ng Sandiganbayan ngunit pinahintulutang magpyansa dahil umano sa “katandaan” […]

Daan-daang pamilya lumikas sa pambobomba sa Maguindanao
May 29, 2022

Mahigit anim na daang pamilya sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao ang napilitang lumikas kasunod ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Mayo 23, 2022. Pinuntirya ng nasabing operasyon ang Barangay Ganta sa nasabing bayan. Ayon sa AFP, target diumano ng pambobomba ang isang “grupo ng terorista.” Dahil sa pambobomba sa Datu […]