Archive of AB Dailies

3 partido sa blokeng Makabayan, ipinroklama ng Comelec
May 27, 2022

Ipinroklama kahapon, Mayo 26, ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong partido sa ilalim ng progresibong blokeng Makabayan na tumakbo sa sistemang party-list na nakakuha ng pwesto sa ika-19 na Kongreso. Nasungkit ng tatlong partido ang mga pwesto sa kabila ng lantaran at todong-atake ng rehimeng Duterte at armadong pwersa nito laban sa kanila sa […]

Mga protestang manggagawa sa Maynila at Davao sa huling mga araw ni Duterte
May 25, 2022

Sa nalalabing araw ng rehimeng Duterte, magkakasunod na inilunsad ng mga grupong manggagawa ang mga pagkilos para igiit ang makatarungang dagdag-sahod at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Nagprotesta sa harap ng Kongreso ang mga myembro ng Kilusang Mayo Uno noong Mayo 23 para para igiit ang ₱750 na pambansang minimun na sahod at pagkontrol sa […]

Protesta kontra-gera, inilunsad sa harap ng US embassy
May 25, 2022

Nagprotesta noong Mayo 21 malapit sa embahada ng US ang mga manggagawa at kabataan laban sa mga imperyalistang gera. Kinundena rin nila ang napipintong papasok na rehimeng Marcos na inaasahan nilang magiging sunud-sunuran sa imperyalistang US. Marahas na binuwag ng mga pulis ng Maynila ang pagkilos. Inaresto si Lloyd Manango, bise-presidente ng League of Filipino […]

Supertubo ng mga monopolyo ng langis, lumaki nang 300% dulot ng gera sa Ukraine
May 24, 2022

Tatlong beses na lumaki ang tubo ng limang pinakamalalaking kumpanya ng langis sa mundo para sa unang kwarto ng 2022, ayon sa isang ulat na inilabas ng Center for American Progress (CAP) noong Mayo 18. Ito ay matapos sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng ispekulasyon sa merkado dulot ng imperyalistang gera na […]

Tunay na halaga ng sahod, bagsak sa panahon ni Duterte
May 23, 2022

Bumagsak ang tunay na halaga ng sahod sa ilalim ng rehimeng Duterte dahil sa makupad at maliliit na dagdag-sahod at pagsirit ng mga presyo. Ayon sa Ibon Foundation, grupo sa pananaliksik sa mga usaping sosyo-ekonomiko, “bumagsak nang 4% ang tunay na sahod dahil tatatlong beses lamang na taas-sahod ang ipinatupad sa nakaraang anim na taon […]

Ang Bayan interview with Turkey guerrilla forces
May 22, 2022

The TKP-ML (Communist Party of Turkey/Marxist–Leninist) reported last week that its armed unit, the TİKKO (Workers and Peasants Liberation Army of Turkey) attacked a camp of the Turkish Republic fascist forces in the Mennax region, Til Temir on the morning of May 17. According to their report, the attack hit a radar inside the camp. […]

Kasong diskwalipikasyon laban kay Marcos Jr., iniakyat sa Supreme Court
May 21, 2022

Iniakyat sa pinakamataas na hukuman ng bansa ng grupo ng mga biktima ng batas militar noong panahon ng diktadurang Marcos Sr. ang kanilang apela kaugnay sa kasong diskwalipikasyon laban kay Ferdinand Marcos Jr. Tatlong araw makaraan isampa ang apela, inatasan ng Supreme Court (SC) na magbigay ng kanyang komentaryo sa loob ng 15 araw na matanggap ang […]

Unyon sa PLDT, pumalag sa planong tanggalan
May 21, 2022

Nanawagan ang Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor (GUTS)-PLDT Inc. sa kapwa nila mga manggagawa na magkaisa at ipaglaban ang katiyakan sa trabaho at tutulan ang napipintong tanggalan sa kanilang hanay. Sa isang pahayag noong Huwebes (Mayo 19), iginiit ng grupo na dapat labanan ng mga manggagawa ang naging desisyong ng PLDT Inc. na isara […]

57IB na gwardya ng DMCI, pinarusahan ng BHB-Sultan Kudarat
May 20, 2022

Ikinatuwa ng mga Lumad at Moro ang pagpaparusa ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa mga pwersa ng 57th IB na dumepedensa sa mga negosyo ng D.M. Consunji Inc. Ayon kay Gary Angeles, tagapagsalita ng BHB-FSMR (Valentin Palamine Command), bandang alas 2:00 ng hapon ng Mayo 14 ay tinambangan ng mga operatiba ng BHB-Sultan […]

Prime minister ng Sri Lanka, napatalsik
May 19, 2022

Napilitang magbitiw sa pwesto ang punong ministro ng Sri Lanka na si Mahinda Rajapaksa noong Mayo 9, matapos ang mahigit isang buwan ng sustenidong mga kilos protesta ng mamamayang Sri Lankan. Nagsimula noong Marso at umarangkada ang kilusang pagpapatalsik noong Abril. Naging sentro ng protesta ang Galle Park kung saan itinayo ang isang kampuhang tinawag […]