Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Sistema ng tren sa Britain, pinaralisa ng welga
June 24, 2022

Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng isang linggo, naparalisa ng welga ng mga manggagawa noong Hunyo 23 ang sistema ng tren sa Britain. Kasunod ito ng naunang 24-oras na welgang inilunsad noong Lunes. Ikinasa ang welga ng National Union of Rail, Maritime and Transport Workers na saklaw ang 14 network ng riles. Nilahukan ito ng […]

Pagharang sa mga rebolusyonaryo at progresibong website, malawakang kinundena
June 24, 2022

Kabi-kabila ang pagkundena ang sumalubong sa kautusang pag-“block” o pagbabawal ng mga kumpanyang telekomunikasyon sa 28 website kabilang ang website ng Partido Komunista ng Pilipinas, ng National Democratic Front of the Philippines, pati na ng mga alternatibong midya at mga internasyunal na organisasyon. Ang kautusan ay ginawa ng National Telecommunications Commission noong Hunyo 8 alinsunod […]

Alyansa laban sa mga imperyalistang gera, nanawagan ng mga pagkilos laban sa NATO
June 23, 2022

Sa isang porum noong Hunyo 22 sa Paris, France, nanawagan ang International Coordinating Network ng Resist US-led War Movement para sa paglulunsad ng mga protesta laban sa gaganaping pagtitipon ng mga bansa sa ilalim ng North Atlantic Treaty Organization sa Madrid, Spain sa darating na Hunyo 28 hangggang 30. “Nananawagan kami para sa paglalansag sa […]

3 taktikal na opensiba, inilunsad ng BHB-Sultan Kudarat sa loob ng 5 araw
June 22, 2022

Magkakasunod na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat laban sa nag-ooperasyong mga yunit ng Philippine Army sa bayan ng Palimbang noong Hunyo 15-20. Ayon sa ulat ng BHB sa lugar, pumapasok pa lamang ang mga sundalo para mag-operasyon nang atakehin sila ng mga Pulang mandirigma. Naganap ang unang opensiba sa Sityo […]

Mga botante ng Makabayan, tinatarget ng PNP
June 21, 2022

Isinawalat noong Hunyo 20 ni Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party (GWP), ang kautusan ng Philippine National Police sa Navotas City na isailalim sa pag-uulat at imbestigasyon ang mga komunidad kung saan nakakuha ng mataas na bilang ng boto ng progresibong blokeng Makabayan. Ang naturang kautusan ay nakapaloob sa isang sulat ng isang upisyal […]

Sapilitang paglilipat sa tagapagtatag ng WikiLeaks tungo sa US, inaprubahan ng UK
June 20, 2022

Pinirmahan na ng gubyerno ng United Kingdom noong Hunyo 17 ang utos para sa extradition o sapilitang paglilipat sa US kay Julian Assange, isang mamamahayag at kilalang tagatapagtatag ng Wikileaks. Ito ang resulta ng ilang taon nang pambabraso ng US para isuko ng UK si Assange para ikulong sa US. Bago nito, tumanggi ang isang […]

Sapilitang pagrerekrut ng kabataan sa militar, kinundena ng mga komunista sa India
June 20, 2022

Mahigpit na kinundena ng Communist Party of India (CPI)-Maoist ang pakana ng reaksyunaryong estado sa India ng sapilitang pagrerekrut sa kabataan. Tinawag na Agnipath, layunin nitong palakasin ang pasistang makinarya ng estado laban sa mamamayan. Kinundena rin nito ang mararahas na pambubuwag ng pulis sa mga protesta laban sa pakana na kumalat na sa 14 […]

Anti-neoliberal na presidente, nahalal sa Colombia
June 20, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon, nahalal sa Colombia ang isang presidente na tinaguriang maka-Kaliwa dulot ng kanyang progresibong paninindigan laban sa neoliberalismo at para sa kalikasan, kababaihan at LGBT. Nanalo sa eleksyon noong Hunyo 19 si Gustavo Petro, kasama ng kanyang bise-presidente na si Francia Marquez, laban sa karibal na pulitikong bilyunaryo. Si Petro ang pinakahuli sa […]

Sara Duterte, a wannabee dictator in waiting—CPP
June 19, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today said Sara Duterte “is a wannabee dictator in waiting” as she is set to take her oath today as vice-president of the reactionary government. Duterte run in tandem with Ferdinand Marcos Jr and won an impossible landslide victory in the May 9 rigged elections. “Sara Duterte is […]

Katutubong Dulangan, pinatay ng mga sundalo sa Sultan Kudarat
June 18, 2022

Isang kagawad ng barangay ang pinaslang ng nag-ooperasyong yunit ng 7th IB sa isang gubat sa Sultan Kudarat noong Hunyo 6. Ang biktima ng pamamaslang ay kinilalang si Calisa Langgaw, 57, may asawa at isang Dulangan na residente ng Sityo Matingaw, Brgy. Tacuhin, Palimbang. Pinaslang si Langgaw habang nangangaso sa burol ng Oh Luson, sakop […]