Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Tagapagtanggol ng kalikasan, inaresto sa Laguna
June 18, 2022

Arbitraryong inaresto noong Hunyo 11 si Daisy Macapanpan, 68, sa Pakil, Laguna ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Special Action Force (SAF). Makikita sa isang bidyo sa Facebook ang ginawang pagdakip kay Macapanpan matapos magbigay ng pahayag sa isang kilos-protestang dinaluhan niya kontra sa pagtatayo ng Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project. Isang kilalang […]

Dirty war, military corruption to worsen under new defense chief, says CPP
June 18, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today scoffed at Ferdinand Marcos Jr’s appointment yesterday of retired general Jose Faustino Jr as new secretary of the Department of National Defense (DND). The CPP said that the newly-installed secretary will only further cultivate military corruption and bring his dirty war in Mindanao to the national scale. […]

Failure of war vs. NPA to continue under new defense chief—CPP
June 18, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today remarked that the appointment of a new defense secretary will not change its losing posture and failing war against the New People’s Army (NPA). The comment came after Ferdinand Marcos Jr announced yesterday his appointment of retired general Jose Faustino Jr as new secretary of the Department […]

Kasong "child abuse" laban sa mga kumupkop sa mga Lumad sa UCCP Haran, ibinasura
June 17, 2022

Tuluyan nang ibinasura ng isang korte sa Davao ang dalawang kasong pag-aabuso sa bata (child abuse) laban sa anim na administrador ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Haran Center sa Davao City. Isinampa ang gawa-gawang mga kaso noong Abril 2021 matapos ang pagkamatay ng dalawang batang Lumad sa naturang sangtwaryo. Kinatigan ng […]

Pambansang welga sa Ecuador, nasa ika-3 araw na
June 16, 2022

Tatlong araw na ang Paro Nacional o pambansang welga ng mamamayang Ecuadorian laban sa neoliberal na mga patakarang ipinatutupad sa kanilang bansa. Sa pangunguna ng Confederación de Nacionalidades Indígenas (Conaie), isang pederasyon ng mga grupong katutubong Ecuadorian, libu-libo ang humugos sa iba’t ibang lansangan para pigilan ang pagdaan ng mga sasakyan at tao. Pinaralisa nila […]

Bakit hindi terorista si Louie Jalandoni at ibang nasa listahan ng ATC?
June 16, 2022

Walang batayan ang resolusyong nagtukoy kay Louie Jalandoni at 10 pang indibiwal bilang mga terorista. Si Ka Louie ay kilalang negosyador ng National Democratic Front of the Philippines at itinuturing na “kapita-pitagang rebolusyonaryo at tagapagtaguyod ng pambansa-demokratikong kilusan.” Ang pagtaguri sa kanya at sa iba pa bilang terorista ay “napakalaking pagsalaula sa katotohanan,” ayon kay Marco […]

Sibilyan, dinakip ng AFP sa militarisadong Ifugao
June 15, 2022

Pinabulaanan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Ifugao (Nona del Rosario Command) ang ipinakakalat ng 7th ID ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na Pulang manidirigma ang dinakip ng mga sundalo sa Asipulo, Ifugao noong Mayo 30 na si Emmanuel Tan. Ayon sa yunit, si Tan ay isang organisador sa komunidad na nagsasagawa ng gawaing pangkultura […]

Pagpapabango sa mga simbolo ng diktadura
June 15, 2022

Sa darating na Hunyo 30, manunumpa bilang presidente ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. Gagawin ang kanyang inagurasyon sa ngayo’y National Museum, dating bulwagan ng Kongreso ng Pilipinas. Pinili ni Marcos Jr ang gusali dulot diumano ng makasaysayang halaga nito bilang benyu ng panunumpa ng naunang mga presidente. Ang hindi nababanggit ng kanyang […]

Peligro sa pagawaan ng Universal Robina, inilantad
June 14, 2022

Naglunsad ng protesta at nagtirik ng kandila ang ilang mga manggagawa at kanilang tagasuporta sa pamumuno ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) noong Sabado, Hunyo 11, para manawagan ng hustisya sa pagkamatay ni Stephen Corilla sa pabrika ng Universal Robina Corporation (URC) sa Tabok, Mandaue City, Cebu. […]

1.3 milyong manggagawa, nawalan ng trabaho noong Abril
June 14, 2022

Bumaba nang 1.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang may trabaho noong Abril, kasabay ang pagkabawas ng 1.5 milyon sa bilang ng nasa labor force, kung ibabatay sa huling estadistika ng Phiippine Statistics Authority. Hindi mapagtakpan ang katotohanan na malayo pa ang Pilipinas sa ipinangangalandakan ng mga upisyal ng rehimeng Duterte na “full recovery,” ayon […]