Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagsunog sa bangkay ng diumano'y Pulang mandirigma sa Bukidnon, labag sa batas ng digma—PKP
April 09, 2022

Binatikos ni Marco Valbuena, hepe sa impormasyon ng PKP, ang 1st Special Forces Battalion sa agarang pag-cremate (pagsunog hanggang maabo) noong Abril 7 sa apat na bangkay ng umano’y mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napatay sa sinasabing engkwentro sa Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon. Ang apat ay pinangalanan ng militar na sina sina […]

Retiradong Pulang mandirigma sa Northern Samar, tinortyur, pinaslang ng AFP
April 09, 2022

Isang dating Pulang mandirigmang hindi armado at ilang taon nang nagpahinga sa serbisyo ang dinakip, pinahirap at walang awang pinaslang ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines sa Northern Samar. Pinagbabaril ng mga sundalo ng 20th Infantry Battalion si Bryan “Ka Tanel” Obin sa sakahang saklaw ng Barangay Sag-od, Las Navas, noong […]

Mga opensiba sa Northern Samar, salubong sa ika-53 na anibersaryo ng BHB
April 09, 2022

Sunud-sunod na mga taktikal na opensiba ang salubong ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northern Samar para sa paparating na ika-53 na anibersaryo ng hukbong bayan sa Marso 29. Hindi bababa sa limang pasistang tropa ang natamong kaswalti ng mga armadong pwersa ng rehimeng Duterte. Marso 25. Pinasabugan ng command-detonated explosive ng […]

Facebook/Meta, ipokrito sa pag-censor sa BHB—PKP
April 08, 2022

Ipokrito ang kumpanyang Meta ni Mark Zuckerberg, sa pagtatanggal nito kamakailan sa Facebook sa di bababa sa 30 akawnt na daluyan ng mga balita at impormasyon mula sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ngalan ng pagtanggal ng “harmful content” o nakasasamang nilalaman. Ito ang naging reaksyon ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista […]

Upisyal ng Kadamay-Negros, na-“missing”
April 08, 2022

Pormal na ipina-blotter ng kanyang mga kaanak ang pagkawala ni Iver Larit, organisador ng Kadamay-Negros, noong Abril 6. Huling nakita si Larit noong Abril 5, alas-9 ng umaga, nang umalis siya sa kanilang bahay sa Barangay Mansilingan sa Bacolod City. Nagsimulang mangamba ang kanyang pamilya at mga kasama sa Kadamay nang hindi siya dumating sa […]

Mga katutubo at tambalang Leni-Kiko, pumirma sa kasunduan para sa karapatan ng mga minorya
April 07, 2022

Mahigit 500 katutubo mula sa iba’t ibang grupong minorya ang sumaksi sa pagpirma nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa “election agenda” na naglalaman ng kasunduan para sa pagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo. Iniharap ng 1Sambubungan, kalipunan ng mahigit 20 grupong katutubo, ang isang manipesto sa tambalang Leni-Kiko sa raling pangkampanya noong […]

Badoy is delusional over claims of 24,000 "NPA surrenderees"—CPP
April 06, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today dismissed claims made yesterday by National Task Force-Elcac spokesperson Lorraine Badoy of 24,000 “NPA surrenderees” since 2016, which is supposedly a 6,000 “increase” since June last year. “Ms. Badoy is delusional in announcing these fantastic and bloated numbers of the NTF-Elcac,” remarked CPP Chief Information Officer Marco […]

Unyon ng mga manggagawa sa electrical wiring, nahalal
April 04, 2022

Bumoto ang mga manggawa ng Hypervolt Contractor Corporation kahapon, Abril 3, sa isinagawang certification election para piliin ang unyon na kakatawan sa kanila. Pinili ng mga manggagawa ang Hypervolt Workers Union (HWU) bilang lehitimong unyon na kakatawan sa kanila sa pakikipagnegosasyon sa maneydsment. Ang Hypervolt ay kumpanya na naglalatag ng mga electrical wiring at mga […]

Kampanya laban sa “Dirty Dozen,” inilunsad
April 03, 2022

Inilunsad noong Marso 29 ng International Coaliton of Human Rights in the Philippines ang kampanya laban sa tinagurian nilang “Dirty Dozen” upang papanagutin ang pinakamalalalang lumalabag sa karapatang-tao sa Pilipinas. Layunin ng naturang kampanya na patawan ng kaparusahan ang 11 matataas ng upisyal ng rehimeng Duterte at isang husgado sa ilalim ng Magnitsky Law ng […]

Unang unyon sa loob ng dambuhalang kumpanyag Amazon, naitayo na
April 02, 2022

Naitayo na ang kauna-unahang unyon sa loob ng dambuhalang kumpanyang Amazon sa kabila ng pagmamaniobra ng may-ari ng kumpanyang si Jeff Bezos na pigilan ito. Noong Abril 1, bumoto ang 2,654 pabor sa pag-uunyon, kontra sa 2,131 na hindi pumabor na manggagawa ng Amazon sa Staten Island, New York, na nag-eempleyo ng mahigit 8,000 manggagawa. […]