Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga tindahan ng libro sa Metro Manila, tinarget ng red-tagging
March 24, 2022

Dalawang tindahan ng libro sa Metro Manila ang pinakabagong target ng red-tagging ng pinaniniwalaang mga ahente ng estado. Gamit ang pulang pintura, isinulat ang katagang ‘NPA terorita’ sa Popular Bookstore sa Quezon City at ang Solidaridad sa Manila noong Martes, Marso 22. Ang dalawang tindahan ng libro ay nagbebenta ng mga librong kadalasan ay mahirap […]

CPP denounces defacement, red-tagging of bookstores
March 24, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today slammed the defacement of two bookstores in Metro Manila as an affront to academic freedom. On Tuesday, the Popular Bookstore located in Quezon City and the Solidaridad Bookstore in Manila were vandalized with the words ‘NPA terorista’ sprayed on its walls. The Popular Bookstore’s owner was an […]

Mga magsasaka ng sibuyas, luging-lugi sa baba ng presyo ng bilihan
March 22, 2022

Naiiyak na lamang sa hirap ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa laki ng kanilang lugi ngayong anihan. Nabubulok na sa kanilang mga sakahan o sa mga tabing daan ang kanilang mga produkto dahil sa sobrang baba ng presyo ng pagbili ng mga ito. Sa ngayon, nasa ₱30 lamang ang bilihan ng sibuyas sa mga […]

Lider-Lumad sa North Cotabato, iligal na inaresto
March 22, 2022

Iligal na naresto ng magkasanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at 72nd IB si Edwin Oribawan Sr., lider-Lumad sa Sityo Aguila, Kabalantian, Arakan, North Cotabato noong Marso 18. Alas-kwatro ng madaling-araw nang sinalakay ng mga sundalo at pulis ang kanyang tahanan. Tinutukan ng baril ang kanyang dalawang anak. Ayon sa ulat ng Save […]

Petisyon para itaas ang sahod, inihain sa Central Visayas
March 22, 2022

Naghain ng petisyon kahapon, Marso 21, ang mga manggagawa sa ilalim ng Alyansa sa mga Mamumuong Kontraktwal sa Sugbo (Alsa Kontraktwal-Cebu) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Central Visayas (RTWPB-7) para itaas ang sahod sa rehiyon at suportahan ang pagsusulong ng pambansang minimum na sahod sa bansa. Dagdag na ₱346 sa minimum na […]

Hilabihan ka init ang pagdawat sa masa sa ilang hukbo
March 22, 2022

“MGA IGSOON UG KAUBAN, KAON MO KUTOB SA INYONG MAKITA.” Mao kini ang nisugat nga pahibalo sa mga Pulang manggubat sa dihang nangita sila og masa nga pwedeng maistorya. Gisulat kini sa usa ka tabla nga kahoy gamit ang uling ug makita kini nga gisab-it gawas sa payag nga napalibutan og daghang saging. Sa wala […]

Napakainit ang pagtanggap ng masa sa kanilang hukbo
March 22, 2022

“MGA KAPATID AT KASAMA, KAIN LANG KAYO NG MAKITA NINYO DIYAN.” Ito ang paskil na tumambad sa mga Pulang mandirigma nang naghahanap sila ng masa na pwedeng makausap. Nakasulat ito sa isang tablang kahoy gamit ang uling at makikita ito na nakasabit sa labas ng kubong napapaligiran ng maraming saging. Bago nito ay dinanas ng […]

Nararapat na benepisyo at dagdag sahod sa mga health worker, patuloy na ipinagkakait
March 22, 2022

Hindi pa rin naibibigay ang pangakong mga benepisyo sa mga manggagawang pangkalusugan. Noong Marso 21, nagpiket ang mga myembro ng Lung Center of the Philippines Employees Association-Alliance of Health Workers (LCPEA-AHW) para kagyat nang ipamahagi ang mga benepisyong noon pang nakaraang taon naipamigay na. Nanawagan din silang itaas ang kanilang mga sweldo. Panawagan din ng […]

9 na magsasaka, idinetine ng 72nd IB sa Bukidnon
March 22, 2022

Siyam na sibilyan ang iligal na idinetine ng mga pwersa ng 72nd IB mula pa unang linggo ng Marso sa White Kulaman, Kitaotao, Bukidnon. Ang mga sibilyan ay mga magsasakang ipinatawag ng militar sa kanilang kampo para sapilitang pasukuin bilang mga “myembro” ng hukbong bayan sa tabing ng “paglilinis” ng kanilang mga pangalan. Iniulat ng […]

Magniniyog, lider ng grupong Claim, ginigipit ng militar
March 21, 2022

Magkasunod na insidente ng panggigipit at iligal na pag-aresto ng isang magniniyog at isang organisador ng grupong Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (Claim)-Quezon ang naiulat nitong Marso. Dinakip ng pinagsamang elemento ng Philippine National Police at 18th IB si Carlo Reduta, organisador ng Claim noong gabi ng Marso 18 sa Barangay Cawayan, Gumaca. Sinampahan […]