Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Anti-neoliberal na kandidato, nanalong pangulo sa Honduras
December 16, 2021

Nanalo ang deklaradong sosyalista at anti-neoliberal na si Xiomara Castro ng partidong Liberty and Refoundation bilang pangulo ng Honduras sa pambansang eleksyon na idinaos noong Nobyembre 28. Sa kanilang kampanya, puspusang tinutulan ni Casto at kanyang partido ang “palpak na neoliberal na modelo” sa ekonomya ng bansa. Tinalo ni Castro ang tuta ng US at […]

Pang-uudyok at panggigipit ng militar sa dinakip na Pulang mandirigma, labag sa alituntunin ng digma
December 16, 2021

Nagpahayag ng pagkabahala ang Karapatan-Southern Tagalog (ST) sa kalagayan ni Kate Raca, isang bihag ng digma ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dahil sa ilang araw na niyang pagkakakulong sa kampo militar ng 3rd Marine Brigade sa Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan. Nadakip si Raca matapos ang isang labanan noong Disyembre 10 sa […]

Misang bayan at protesta para sa Guinobatan 2
December 16, 2021

Higit 500 Bicolano ang nagtipon sa Guinobatan Plaza, Albay kahapon, Disyembre 15, para sa isang misang bayan at parangal sa dalawang aktibistang ekstrahudisyal na pinatay ng mga pulis noong Hulyo 25 sa bayan ng Guinobatan. Pinatay sina Jaymar Palero at Marlon Napire ng mga pulis matapos mahuling nagpipinta ng panawagang ‘Duterte ibagsak’ sa isang tulay. […]

Hawak ng 1% ang 40% yaman ng Pilipinas
December 15, 2021

Hawak ng 1% ng populasyon sa Pilipinas ang 40% kabuuang yaman ng bansa. Ito ang naging resulta ng pananaliksik ng Ibon Foundation kaugnay sa malawak na di pagkakapantay-pantay sa lipunang Pilipino. Sa bilang na ito, 2,919 ay mga bilyunaryo na may pinagsamang yaman na ₱8 trilyon. Ang 50 pinakamayayamang bilyunaryo ay may yamang ₱10 bilyon […]

Duterte, magreretiro na nga ba sa pulitika?
December 15, 2021

Sa pang-ilang ulit na, muling ipinahayag ni Rodrigo Duterte na “magreretiro na” siya sa pulitika. Sinabi ito ng Malacañang pagkaraang upisyal niyang iniatras ang kanyang kandidatura sa pagkasenador noong Disyembre 14. Ilang oras bago nito, upisyal na ring umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa eleksyong 2022 ang kanyang pinakamatapat na alagad na si Sen. […]

Kasamang Tony: Alagad ng sambayanan, huwaran ng katatagan at kababaang-loob
December 14, 2021

Ika-28 ng Mayo, pasado alas-otso ng gabi, sa lambong ng dilim ay patraydor na sinalakay ng mga berdugong galamay ng pasistang estado si Kasamang Tony, 80 taong gulang, habang natutulog sa kanyang duyan. Binulabog ng sunud-sunod na putok ang tahimik at payapang baryo ng Upper Poblacion, bayan ng Pilar, Camotes Island, Cebu. Isa na namang […]

Ismagling ng mga produktong agrikultural, iniimbestigahan sa Senado
December 14, 2021

Umaabot sa ₱1 bilyong halaga ng mga produktong agrikultural ang iligal na ipinuslit sa bansa mula Mayo hanggang Nobyembre ngayong taon. Ito ang taya ng pananaliksik ng upisina ni Sen. Francis Pangilinan. Ngayong araw, Disyembre 14, sinimulan na sa Senado ang imbestigayon kaugnay nito. Nakapagtala ang pananaliksik ng upisina ng senador ng 25 operasyon ng ismagling […]

Pamilya, tinamaan sa pambobomba ng US sa Syria
December 14, 2021

Isang pamilya ang tinamaan sa walang patumanggang drone strike (pambobomba gamit ang drone) ng US sa prubinsya ng Idlib sa Syria noong Biyernes. Anim ang nasugatan — ang padre de pamilyang si Ahmad Qassum, kanyang asawa at apat nilang anak na edad 10 hanggang 16. Ani Qassum, nagmistulang “palanguyan ng dugo” ang kanilang sasakyan matapos […]

Kapitalistang di pagkakapantay-pantay, palala nang palala
December 13, 2021

Walang nagbago sa di pagkakapantay-pantay sa mundo sa usapin ng kita at yaman ngayon kumpara noong unang umusbong ang kapitalismo, dalawang siglo na ang nakararaan. Sa aktwal, lalupang lumaki ang agwat ng yaman sa pagitan ng mamamayan sa loob ng mga bansa, at sa pagitan ng mga gubyerno at pribadong sektor. Sa pananaliksik na pinamagatang […]

Mga manggagawang Amerikano sa Starbucks at Amazon, naggigiit sa kanilang karapatang mag-unyon
December 13, 2021

Naitayo sa kauna-unahang pagkakataon ang isang unyon ng kumpanyang Starbucks sa US noong Disyembre 10. Ito ay matapos nagdesisyon ang mga barista (tawag sa mga manggagawang naghahanda at naghahain ng kape) sa isang sanga nito sa Buffalo, New York, na bubuuin nila ang kanilang unyon sa botong 19-8. Isinagawa ang sertipikasyon sa eleksyon noong Disyembre […]