Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pilipinas, magiging katulad din sa Myanmar?
November 30, 2021

Hindi malayong sasapitin ng ating bansa ang kalagayang nararanasan ngayon ng bansang Myanmar kung hayaang mangingibabaw ang kapangyarihan ng militar sa kapangyarihan ng sibilyan sa pamamalakad ng ating bansa. Ito ang komentaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pinakahuling pahayag ni Vice President Leni Robredo na lubusang baligtad sa nauna niyang deklarasyong buwagin ang […]

Mga magbubukid ng Cagayan Valley, nagprotesta sa pambansang kabisera
November 29, 2021

Isang serye ng mga pagkilos ang inilunsad ng mga magsasaka mula sa Cagayan Valley para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at igiit na palayain ang kapwa nilang mga magsasaka na ikinulong ng rehimeng Duterte. Inilunsad nila ang 2-araw na pangangalampag noong Nobyembre 23 at 24 para ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa mga magsasakang taga-Cagayan […]

“Kampanyang tsinelas,” inilunsad sa US
November 29, 2021

Tatlong libong tsinelas ang inihanay ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at aktibista sa US sa harap ng White House sa Washington D. C. noong Nobyembre 20. Anila, ang mga ito ay simbolo ng mga pinatay ni Rodrigo Duterte sa kanyang huwad na gera kontra-droga. Ginawa ang pagkilos matapos pinaunlakan ng International Criminal Court ang hiling […]

Mga tropa ng PNP-SAF, inambus ng BHB-Northern Samar
November 29, 2021

Tinambangan ng Bagong Hukbong Bayan-Northern Samar (Rodante Urtal Command o BHB-RUC) an mga nag-ooperasyong elemento ng PNP-Special Action Force sa Brgy. San Jose, Mapanas noong Nobyembre 20 ng umaga. Kinumpirma ni Ka Amado Pesante, tagapagsalita ng BHB-RUC, ang naunang naiulat na dalawang tropa ng PNP-SAF ang namatay sa ambus ng BHB. Sugatan din ang apat […]

Importasyon ng galunggong, di nagpababa sa presyo
November 28, 2021

Hindi bumababa ang presyo ng galunggong sa merkado kahit pa labis-labis ang inangkat sa nagdaang mga buwan. Ayon sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council at Navotas Fishing Operators, nasa 30,000 metriko tonelada lamang ang tinatayang kulang sa suplay ng galunggong sa huling kwarto ng taon. Sa gayon, doble-doble ang pinayagan ng DA na […]

Leni, yumuko nga ba sa militar?
November 28, 2021

Ikinadismaya ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at iba pang grupo ang pagbawi ni Vice President Leni Robredo sa nauna niyang pahayag na sang-ayon siyang buwagin ang National Task Force (NTF)-Elcac. Nagdeklara ng suporta si Robredo sa “mandato at tungkulin” ng NTF-Elcac matapos makipagpulong sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Nobyembre […]

#IDEVAW2021: Basagin ang katahimikan at tumindig laban karahasan sa kababaihan at bata!
November 28, 2021

Pinangunahan ng Gabriela Women’s Party ang paggunita sa Pilipinas ng International Day for the Elimination of Violence Against Women 2021 (Internasyunal na Araw para Wakasan ang Karahasan Laban sa mga Kababaihan o #IDEVAW2021) noong Nobyembre 25. Ipinagdiwang ang okasyon sa pamamagitan ng isang pagtitipon sa Commission on Human Rights, Quezon City, alas-3 ng hapon. Tampok […]

Pagsanib ng pangkating Estrada sa alyansang Marcos-Arroyo-Duterte, inihalintulad sa rekrutment ni Satanas
November 27, 2021

“Parang nagparekutment si Satanas,” ang paglalarawan ng Kilusang Mayo Uno sa pagsanib ng pangkating Estrada sa alyansang Marcos-Arroyo Duterte. Inianunsyo ang pagsanib ang Partido ng Masang Pilipino, partido ni Joseph Estrada, sa alyansang MAD at pagsuporta nito sa tambalang Marcos Jr-Duterte-Carpio noong Nobyembre 25. Pormal itong pumaloob sa diumano’y “UniTeam Alliance” kung saan makakasama nito […]

Prayer rally ng mga bakwit sa Marawi, dinahas ng pulis
November 26, 2021

Hindi pinayagan ng mga pulis ang mga bakwit ng Marawi na magtipon sa sentro ng syudad noong Nobyembre 25. Nagmartsa ang mga bakwit mula sa tinaguriang Kilometer Zero sa Barangay Saber tungong Barangay Bangon para maglunsad sana ng prayer rally. Ayon kay Drieza Lininding ng Moro Consensus Group, hindi naituloy ng 500 bakwit ang kanilang […]

Detatsment ng militar, pinaputukan ng BHB-Negros
November 26, 2021

Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-Negros ang detatsment ng miliar sa Moises Padilla noong Nobyembre 21. Ang mga sundalo sa detatsment na ito sa Sityo Mamballo, Barangay Quintin ay kilala sa mga paglabag sa karapatang-tao sa kanilang pagtatangkang pahinain ang sinasabi nilang suportang masa sa BHB. Ang operasyong haras ay bahagi sa […]