Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Usigin ang “tagapayong ispirtwal” ni Duterte sa mga kasong panggagahasa sa bata
November 20, 2021

Nananawagan ang Gabriela at iba pang tagapagtanggol ng mga karapatan ng kababaihan sa Mindanao at buong bansa na puspusang imbestigahan si Apollo Quiboloy, sinasabing “tagapayong ispiritwal” ni Rodrigo Duterte. Ito ay matapos isapubliko ang pagsasakdal kay Quiboloy sa mga kasong sex trafficking at iba pa sa isang korte sa US noong Nobyembre 16. Nahaharap si […]

Rehimeng Modi sa India, natulak na ibasura ang kontra-magsasakang mga batas
November 19, 2021

Matapos ang isang taon ng dambuhala at sustenidong mga protesta sa India, natulak ng mga magsasaka si Indian Prime Minister Narendra Modi na ianunsyo noong Biyernes ang kanyang planong ibasura ang tatlong neoliberal na batas sa pagsasaka na kanyang ipinatupad noong Setyembre 2020. Ang tatlong batas na ito—ang amyenda sa Essential Commodities Ordinance, Farming Produce […]

Umiigting na pag-atake ng US sa gubyernong Sandinista ng Nicaragua
November 18, 2021

Inianunsyo kahapon ni Pres. Joe Biden na hindi na pahihintulutang pumasok sa US ang lahat ng upisyal sa gubyerno ng Nicaragua. Ipinatupad ito bilang bahagi ng komprehensibong imperyalistang atake ng US sa Nicaragua kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng mamamayan nito sa kanilang pambansang eleksyon noong Nobyembre 7. Layon ng US at mga alyado nito […]

May kanser na bilanggong pulitikal, namatay sa Palawan
November 18, 2021

Namatay kahapon, Nobyembre 18, si Antonio Molina, isang magsasakang aktibista na ikinulong sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives. Kasama siya sa anim na iba pang dinakip noong Oktubre 2019. Si Molina, 67, ay may sakit na kanser sa tiyan. Makailang beses nang hiniling ng kanyang kapamilya at abugado na palayain siya sa […]

Pangatlong kaso para idiskwalipika si Marcos Jr, inihapag sa Comelec
November 17, 2021

Inihapag ngayong araw ng mga biktima ng batas militar ang pangatlong petisyon para ipadiskwalipika si Ferdinand Marcos Jr. sa pagtakbo bilang presidente at sa anupamang pusisyon sa gubyerno sa hinaharap. Ang petisyon ay inihapag ng mga kasapi ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law o CARMMA. Nakapirma rito sina Satur Ocampo, […]

#HLM17: Patuloy na panawagan para sa hustisya
November 17, 2021

Nananatiling mailap ang hustisya para sa mga biktima ng masaker ng mga manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Hanggang ngayon ay wala pang naparurusahan sa mga armadong sundalo at maton na walang habas na nagpaputok at mga upisyal na nag-utos sa kanila. Walang pa ring sariling lupa ang mga magsasaka ng asyenda. Naglunsad […]

Pambobomba at mga pagpaslang, iniulat ng BHB-Leyte
November 16, 2021

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan-Leyte (Mount Amandewin Command)  noong Nobyembre 15 ang mga paglabag sa karapatang-tao ng mga tropa ng AFP sa prubinsya noong Agosto-Setyembre. Teror sa pambobomba. Tatlong bomba ang inihulog ng FA-50 fighter jet ng AFP sa bukirin ng Sityo Quarry, Abuyog noong Septyembre 29 bandang alas-3 ng madaling araw. Nagdulot ito ng sindak […]

ILPS, tinutulan ang pag-extradite ng isang aktibista tungong Colombia
November 16, 2021

Tinutulan ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang plano ng gubyerno ng Colombia na i-extradite o iuwi ang akbistang Argentine na si Facundo Morales. Si Morales, dating kasapi ng nabuwag nang Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC), ay inaresto ng mga ahente ng International Criminal Police Organization (Interpol) noong Nobyembre 6 sa Chubut, Argentina […]

Ahente ng intelidyens, kumander ng militar, patay sa mga aksyong militar ng BHB-MAC
November 16, 2021

Matagumpay na isinagawa ng Bagong Hukbong Bayan-Leyte (Mt. Amandewin Command ) ang aksyong pagpaparusa sa isang ahente sa intelidyens ng 14th Infantry Battalion na si Jimmy Himay, residente ng Sityo Dampoy, Barangay Pancho Villa ng Sogod, Southern Leyte noong Agosto 19. Isang araw bago nito, aktibong nakapagdepensa ang isang yunit ng BHB-Leyte laban sa mga […]

Mga drayber at konduktor ng Libreng Sakay Program, di pa bayad!
November 16, 2021

Nagpiket kahapon ang mga drayber at konduktor ng bus at iba pang empleyado sa harap ng upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) upang batikusin ito sa pagkaantala ng pagbayad sa kanilang serbisyo sa ilalim ng EDSA Carousel Libreng Sakay Program. Ang mga drayber at konduktor ay mga […]