Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Talaingod at Pantaron patuloy na niraratrat ng AFP
October 21, 2021

Hindi bababa sa 69 na bomba at misayl ang pinakawalan ng apat na batalyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabundukan ng Talaingod sa Davao del Norte at sa paligid ng Pantaron na nagdudulot ng labis na ligalig sa mamamayang Manobo sa lugar. Mula Setyembre 15, 51 beses na kinanyon, 18 beses na […]

Desisyon na gawing regular ang 50 manggagawa ng Uni-Pak, ipatupad na
October 21, 2021

Nitong linggo, napag-alaman ng mga manggagawa sa Uni-pak na pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Hulyo ang resolusyong unang inaprubahan ng ahensya noong 2019 na nagsasaad na dapat nang gawing regular ang 50 manggagawa ng SLORD Development Corportation, may-ari ng Uni-Pak. Ayon sa Samahang Manggagawa sa Slord Development Corporation (SMSDC), susubaybayan nila […]

Presyo ng langis, abot langit ang pagsirit
October 20, 2021

Sa nakaraang walong linggo, walong beses ding itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo. Kung ibabatay sa pagsisimula ng taon, P19.70 kada litro na ang nadagdag sa presyo ng gasolina, at P18 kada litro naman ang nadagdag sa diesel. Tiyak nang abot-langit na pagsirit ng mga presyo ng pagkain at […]

DILG using red-tagging as election tool—CPP
October 19, 2021

The Communist Party of the Philippines (CPP) today slammed the Department of the Interior and Local Government (DILG) for threatening politicians it is accusing of “supporting the NPA” with prosecution under the terror law saying this shows how red-tagging is being used as a political tool against candidates in the 2022 elections who are critical […]

Red-tagging, gamit ng DILG sa pamumulitika—PKP
October 19, 2021

Binatikos ngayong araw ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbabanta nito sa mga pulitiko na inaakusahang “sumusuporta sa BHB” na isasakdal sila sa ilalim ng terror law, bagay na nagpapakita paanong ginagamit sa pamumulitika ang red-tagging laban sa mga kandidato sa eleksyong 2022 na […]

Lider-kabataan sa Bicol, nakalaya na
October 19, 2021

Matapos ang limang buwan, dalawang linggo at dalawang araw na detensyon sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives, nakalaya na kahapon ang kabataang aktibistang si Sasah Sta. Rosa, tagapagsalita ng Jovenes Anakbayan. Ibinasura ng korte ang gawa-gawang kasong isinampa sa kanya. Inaresto si Sta. Rosa noong Mayo 2 sa kanyang bahay sa Naga […]

Iniluluklok na tuta ni Duterte, tinututulan ng kooperatiba sa Benguet
October 19, 2021

Tinutulan ng mga upisyal ng Benguet Electric Cooperative (Beneco) ang sapilitang pagluluklok ng National Electrification Authority (NEA) sa tuta ng Malacañang bilang pangkalahatang manedyer para makontrol ang kooperatiba. Binabatikos ng mga empleyado ng Beneco ang pagtatalaga ng NEA kay Ana Marie Rafael, isang upisyal sa Presidential Communications Operations Office. Kahapon nang madaling araw ay sinugod […]

World Food Day pero maraming walang makain
October 18, 2021

Nagprotesta ang mga magsasaka sa pangunguna ng Amihan National Federation of Peasant Women, Pamalakaya at Bantay Bigas noong Oktubre 16 sa harap ng Mega Q-Mart sa Quezon City bilang paggunita sa World Food Day na kanilang binansagang World Hunger Day (Araw ng Kagutuman). Ang naturang pagkilos ay bahagi ng “World Hunger Day Global Action,” isang […]

Pagbagsak ng “pag-iral ng batas” sa Pilipinas, ikinababahala ng mga abugado
October 17, 2021

Tinawag ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na “nakababahala at nakahihiya” ang pagbagsak ng “rule of law” o pag-iral ng batas sa Pilipinas. Alinsunod ito sa inilabas na listahan noong Oktubre 14 ng World Justice Project, isang grupong nagtatasa sa pag-iral ng batas sa 139 bansa o hurisdiksyon. Sa listahan ng grupo, nasa ika-102 […]

Kalsadang pang-mina, pinigilan ng BHB, 8 armas nasamsam
October 16, 2021

Nireyd ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang detatsment ng mga sundalong nagsisilbing gwardya sa pagtatayo ng kalsadang pangminahan sa Barangay Maraiging, Jabonga, Agusan del Norte noong umaga ng Setyembre 28. Ayon sa ulat ng Lingkawas, walong armas ang nakumpiska ng mga Pulang mandirigma sa mga sundalo ng 29th IB. Ang 29th IB […]