Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Tagong yaman nina Tugade at Dennis Uy, nabunyag
October 04, 2021

Dalawang Pilipino na ang nabunyag na may itinatagong yaman sa isinapublikong milyun-milyong dokumento na naglalaman ng impormasyon tungkol sa tagong mga kumpanya at ari-arian ng pinakamayayamang negosyante at pulitiko sa buong mundo na tinawag na Pandora Papers. Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, lumitaw ang pangalan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade […]

Wyeth, iligal at tusong nagtanggal ng 21 manggagawa
October 04, 2021

Galit ang mga manggagawa sa iligal na pagtanggal ng Nestle-Wyeth sa 21 unyonista at regular na manggagawa noong Setyembre 30. Ayon sa mga manggagawa, pinatawag sila sa isang diumanong “team building activity.” Sa pulong na iyon ibinigay sa kanila ng maneydsment ang “notice of redundancy” o pabatid ng pagsisisante sa 21 manggagawa at unyonista. Nakasaad […]

Pilipinas, pinakakulelat na naman!
October 04, 2021

Sa 53 bansa, pinakamahina ang Pilipinas sa paglaban sa pandemyang Covid-19 ayon sa Bloomberg Covid Resilience Ranking na inilabas noong Setyembre 28. Numero uno ang bansa bilang pinakamasamang mapaglalagiang bansa sa panahon ng pandemya. Ito ay matapos ang “tuluy-tuloy na pagsama ng tugon nito sa buong taon ng 2021.” Ang pagraranggo ay isinasagawa ng Bloomberg, […]

Badyet pandigma ng US, lalong pinalaki ng gubyernong Biden
October 03, 2021

Ipinasa noong Setyembre 23 sa Kongreso ng US ang panukalang dambuhalang badyet para sa Pentagon (Department of Defense) para sa 2022. Sa botong 315-113, iginawad ng mga kongresista ang $768 bilyong pondo sa militar nito — mas mataas ng $25 bilyon sa aktwal na hiningi ng presidente ng US na si Joseph Biden. Mayorya o […]

Mga magbababoy, nalulunod sa baha ng imported baboy
October 03, 2021

Patuloy na bumabagsak ang kita ng mga magbababoy dulot ng todong pag-aangkat ng karneng baboy ng rehimeng Duterte. Ayon sa isang grupo ng mga magbababoy, bumagsak nang 25% hanggang 35% ang presyo sa pagbili mula sa mga magbababoy sa nakalipas na apat na linggo. Ito ay habang patuloy na tumataas ang gastos sa pag-aalaga. Ayon […]

Maysakit at natutulog ang mga Pulang mandirigmang pinatay ng 303rd IBde
October 02, 2021

Wala sa katayuang lumaban ang mga Pulang mandirigma nang sila’y paslangin ng mga pasistang sundalo ng 303rd IBde sa Hacienda Builders, Barangay San Pablo, Manapla, Negros Occiental noong Setyembre 30. Tahasang nilapastangan ng mga tauhan ng AFP ang internasyunal na makataong batas at mga batas sa digma. Iniulat ni Ka Juanito Magbanua, tagapagsalita ng Panrehiyong […]

Mga Haitian, parang hayop na itinaboy ng US
October 02, 2021

Sinimulan na ng administrasyong Biden ang maramihang deportasyon o pagtapon pabalik sa kanilang bansa ng mga migrante mula sa bansang Haiti noong Setyembre 19. Itinuloy ang planong ito sa kabila ng pagprotesta ng mga nagtataguyod sa kagalingan ng mga migrante at ilang lider ng Democrats sa kongreso ng US. Binabatikos nila ang gubyernong Biden sa […]

“No vaccine, no entry” patakarang perwisyo sa mamamayan
October 02, 2021

Anim na toneladang kamatis ang nabulok noong nakaraang linggo dulot ng pagpatutupad ng lokal na gubyerno ng Ifugao ng patakarang “no vaccine, no entry” sa mga tsekpoynt papasok sa prubinsya. Dahil sa patakaran, hindi makapasok sa prubinsya ang mga mamimili mula sa National Capital Region kaya natengga ang bentang kamatis. Itinapon o paluging ibinenta na […]

Mga guro, handa na sabayang lumiban kapag di sila binayaran ng overtime pay
October 02, 2021

Kinalampag kahapon ng mga guro ang upisina ng Civil Service Commission (CSC) sa Quezon City para manawagan ng direkta at naangkop na hakbang para tiyakin na wastong mababayaran ang labis na 87 araw na pagtatrabaho nila noong nakaraang pasukan. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), iginugol ng mga guro ang labis na mga araw […]

Robredo, pinili ng 1Sambayan bilang kandidato sa pagkapangulo
October 01, 2021

Isang araw bago magsimula ang buong linggong pagsusumite ng mga papeles bilang kandidator sa eleksyong 2022, pinili ng koalisyong 1Sambayan bilang kandidato pagkapresidente ang kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo. Inanunsyo ito sa midya ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, isa sa mga convenor o tagapulong ng 1Sambayan, noong Setyembre 30. […]