Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Umaabot sa 2.3 milyong trabaho ang naitalang nawala noong Setyembre, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon, Nobyembre 8. Pinakamarami ang nalagas sa sektor ng pagmamanupaktura (888,000) kasunod sa wholesale at retail trade (722,000) at agrikultura at pangisda (649,000). Dagdag sa mga nawalang trabaho ang 358,000 na inilaglag sa pwersa […]
Sa gitna ng halos lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, tumabo ang kumpanyang Petron Philippines ng ₱9.5 bilyon sa unang siyam na buwan pa lamang ng taon. Mas mataas ito nang 16% kumpara sa kita ng kumpanya noong nakaraang taon. Sinusuplay ng Petron ang sangkatlo ng pangkabuuang pangangailangan ng produktong petrolyo ng bansa at 78% […]
Tutol ang mga residente sa planong demolisyon at pagpapalayas sa mga residente ng Area H, Sityo San Roque sa Quezon City na sumasaklaw sa kahabaan ng Agham Road. Sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-San Roque, sumulat ang mga residente sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), National Housing Authority (NHA), lokal na […]
“Sa inyo ang ginto, sa amin ang guho!” Ito ang sigaw ng pagtutol ng mamamayan ng bayan ng Lobo, Batangas sa proyektong minang isasagawa ng Bluebird Merchant Ventures Inc., katuwang ang Mindoro Resources Limited Inc. na siyang nagsasagawa ng eksplorasyon at lokal na kumpanyang Alpha Diggers Inc. Noong Setyembre 2022 ay inianunsyo ng kumpanya ang pagpayag ng Department […]
Winasak at sinilaban ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon ang dalawang dump truck na gamit ng kumpanyang kwari sa bayan ng Unisan kaninang ala-una nang madaling araw. Pag-aari ang mga ito ni Ronald Agoncillo, kontraktor ng mga proyektong pang-imprastruktura sa Quezon. Naghahakot ang naturang mga trak ng buhangin, bato, graba at lupa na nagmumula sa mga […]
Ilandaang Pilipino ang lumahok sa inilunsd na pambansang martsa na tinawag na National March on Washington for a Free Palestine na isinagawa sa Washington DC sa US noong Nobyembre 4. Tinatayang 300,000 ang lumahok sa naturang martsa mula sa mahigit 300 organisasyon para ipanawagan ang paglaya ng Palestine, pagpapatigil sa henosidyo ng Israel sa Gaza […]
Pinasinungalingan ngayong araw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros ang pinalalabas na engkwentro ng 15th IB sa isang yunit ng hukbong bayan sa Barangay Yaoyao, Cauayan, Negros Occidental noong Nobyembre 7. Kinumpirma ng grupo sa karapatang-tao na September 21 Movement-South Negros na parehong sibilyan ang pinaslang ng 15th IB. “Walang engkwentrong naganap,”ayon sa September 21 […]
Matagumpay na naisagawa ng mga pwersa ng National Democratic Front-Rizal ang mabilisang pagsasabit ng balatengga sa Antipolo City noong Nobyembre 5. Nakasulat sa balatengga o istrimer ang pangalan ng mga martir na mandirigma ng Narciso Antazo Aramil Command ng Bagong Hukbong Bayan-Rizal. Pinarangalan ng NDF-Rizal sina Ermin Bellen (Ka Romano), Lucio Simporoso (Ka Bisaya) at […]
Pinatay ng mga bayarang ahente ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magsasakang si Arnel Halum noong Nobyembre 5 sa Sityo Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran, Sorsogon. Tumutulong siya sa kanyang bayaw sa pagbubunot ng niyog sa panahong iyon. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual at […]
Sa darating na Nobyembre 9, ilulunsad ng US, sa pamumuno ng Marine Rotational Force—Southeast Asia (MRF-SEA) nito, ang war game na Kamandag. Lalahukan ito ng 1,800 tropa mula sa Pilipinas, US, South Korea at Japan. Isasagawa ang mga pagsasanay sa Palawan, Batanes, Zamboanga at Tawi-Tawi. Huli lamang ito sa daan-daang aktibidad at operasyong militar na […]