Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Naghain noong Nobyembre 7 ang mga aktibistang sina Jhed Tamano at Jonila Castro ng counter-affidavit o pagsalungat sa kasong perjury (pagsisinungaling) na naunang isinampa laban sa kanila ng 70th IB sa Department of Justice (DoJ) sa Maynila. Kasabay nito, naglunsad ng protesta ang mga grupong anti-reklamasyon kung saan kabilang ang dalawang aktibista para batikusin ang […]
Dinukot ng mga pwersa ng 15th IB ang magsasakang si Waren Cadarin sa Sityo Indangawan, Barangay Manlucahoc, Sipalay noong Nobyembre 4 bago pinalabas na napatay sa isang engkwentro sa Barangay Yaoyao, Cauayan noong Nobyembre 7. Ito ay ayon sa ulat ng grupo sa karapatang-tao na September 21 Movement South Negros. Kinumpirma ng grupo ang pagkakilanlan […]
Naglunsad ng iba’t ibang aktibidad noong nakaraang linggo ang mga biktima ng superbagyong Yolanda, mga grupong makakalikasan at taong simbahan para patuloy na igiit ang hustisya sa mga biktima ng superbagyo noong 2013. Isinagawa ang mga pagkilos sa Metro Manila at Leyte. Hindi bababa sa 8,000 katao ang namatay sa hagupit ng bagyo sa unang […]
Dinakip at ikinulong ng mga sundalo ng 94th IB at lokal na pulis ang dalawang sibilyan noong Nobyembre 8 sa Sityo Pisok, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental. Pinalalabas ng militar na ang naturang mga sibilyan ay mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na nadakip diumano matapos ang isang engkwentro sa lugar. Sa pahayag […]
Mariing kinundena ng mga mamamahayag sa Palestine ang “di prinsipyadong pagbabalita” ng mga mamamahayag ng Western midya (mga monopolyo kumpanya sa midya na pag-aaari ng malalaking kapitalista sa US at Europe) kaugnay sa pambobomba ng Israel sa Gaza. Sa isang pahayag noong nakaraang linggo, sinabi ng Palestinian Journalists’ Syndicate na ilan sa mga pagbabalitang ito […]
Nagprotesta noong Nobyembre 9 ang mga kabataan sa harap ng embahada ng US sa Maynila para batikusin ang pagsisimula ng Kamandag war games na lalahukan ng mga pwersang militar ng US, Japan, South Korea, at Pilipinas. Pinamunuan ang naturang pagkilos ng Anakbayan at League of Filipino Students (LFS). Marahas na binuwag ng mga pulis ang […]
Nagsagawa ng tinawag nitong “oplan-sabog” o pagsabwag ng mga polyeto ang rebolusyonaryong kilusan sa Camarines Norte noong Nobyembre 2 sa dalawang mayor na bayan sa prubinsya. Ayon sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Camarines Norte, isinagawa ang pagpapalaganap ng mga polyeto sa Jose Panganiban at Paracale para isiwalat ang mga krimen ng 9th IB laban sa mamamayan […]
Hinarang ng mga manggagawa at aktibistang Amerikano ang pagdaong noong Nobyembre 3 ng isang barko sa Oakland, Oregon sa US matapos nilang mapag-alamang papunta ito sa Tacoma, New Washington para magkarga ng mga armas patungong Israel. Ang pagkilos ay tugon sa panawagan ng mga manggagawa ng Palestine sa kapwa nila manggagawa sa buong mundo na […]
Walang kaabog-abog na tinanggal sa pwesto bilang deputy speaker ng Kongreso si Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 7 matapos na tumanggi siyang magpahayag ng katapatan kay House Speaker Martin Romualdez. Kasabay niyang tinanggal ang kapwa niya deputy speaker na si Rep. Isidro Ungab, kinatawan ng ikatlong distrito ng Davao City. Pareho hindi pumirma si Arroyo at […]
Bumaba ang tantos ng implasyon tungong 4.9% noong Oktubre, kumpara sa 6.1% noong Setyembre. Gayunpaman, wala itong epekto sa sahod ng mga manggagawa na nananatiling mas mababa sa pamantayan ng kahirapan (poverty line) dulot pambabarat ng kapitalista at pagtanggi ng reaksyunaryong estado na dagdagan ito ng makabuluhang halaga. Nananatiling mataas ang presyo ng pagkain, sa […]