Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Libu-libong tropang US, namamalagi sa Pilipinas sa tabing ng mga war game
November 07, 2023

Sa darating na Nobyembre 9, ilulunsad ng US, sa pamumuno ng Marine Rotational Force—Southeast Asia (MRF-SEA) nito, ang war game na Kamandag. Lalahukan ito ng 1,800 tropa mula sa Pilipinas, US, South Korea at Japan. Isasagawa ang mga pagsasanay sa Palawan, Batanes, Zamboanga at Tawi-Tawi. Huli lamang ito sa daan-daang aktibidad at operasyong militar na […]

Hustisya, giit ng mga grupo sa pagpatay sa brodkaster sa Misamis Occidental
November 06, 2023

Sama-samang nagprotesta at nagtirik ng kandila ang mga grupo ng mamamahayag at estudyante sa harap ng Commission on Human Rights sa Quezon City kahapon, Nobyembre 5, para manawagan ng hustisya sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon. Si Jumalon, batikang brodkaster sa radyo sa Misamis Occidental, ay binaril at napatay sa kanyang bahay sa […]

Pag-uwi ng mga Pilipino na nasa Gaza, naudlot dahil sa pambobomba ng Israel
November 06, 2023

Naudlot ang pag-uwi ng 20 Pilipino na nasa Gaza nang bombahin ng Zionistang Israel ang ilang ambulansya sa Rafa Crossing, sa hangganan ng Gaza at Egypt, noong Nobyembre 5. Nasa hangganang iyon ang ilang Pilipino nang bigla itong isara. Kasama rito ang dalawang buntis at ilang menor-de-edad at isang buwang sanggol. Nakatakda sana silang lumabas […]

Mga manggagawa sa Nexperia, muling nagprotesta
November 05, 2023

Muling nagprotesta ang daan-daang manggagawa sa pangunguna ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union noong Nobyembre 4 para tutulan ang mga paglabag sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) at kundenahin ang tanggalan na isinagawa ng kumpanya noong Oktubre 2023. Nagmartsa sila sa loob ng Light Industry and Science Park, Cabuyao, Laguna kung saan matatagpuan ang kanilang […]

Dagdag na pasaning mga buwis, itinutulak ng rehimeng Marcos
November 05, 2023

Walong panukala ang itinutulak ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Marcos para makalikom ang reaksyunaryong estado ng dagdag na kita sa susunod na limang taon. Anim dito ay dagdag na buwis, kung saan apat ay direktang tatama sa mamamayan. Dalawa ang ipapataw sa pagkain at inumin—sa matamis na inumin at junk food (tsitsirya), at […]

Pagtatalaga ng kroni ni Marcos Jr sa Department of Agriculture, binatikos
November 04, 2023

Binatikos ng mga grupong magsasaka, manggagawang-bukid at mangingisda ang pagtatalaga ni Marcos Jr kay Francisco Tiu-Laurel Jr bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Anang mga grupo, ang ipinalit ni Marcos sa poder ay katulad niyang walang alam sa agrikultura at walang rekord ng pagsisilbi sa bayan. Malinaw din umanong pabor ito ng pangulo kay […]

Dagdag na kumpensasyon at bayad sa obertaym, giit ng mga guro
November 04, 2023

Muling ipinanawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagtatanggal sa ipinapataw na 20% buwis sa honorarium o bayad na tinatanggap ng mga guro sa pagsisilbi tuwing eleksyon. Anito, napakaliit na ng ibinigay na honorarium at alawans sa mga Board of Election Inspector (BEI). Nanawagan din ang grupo na bayaran ang obertaym na trabaho ng […]

Protesta kontra sa pagbisita ng punong ministro ng Japan sa Pilipinas, inilunsad
November 04, 2023

Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa House of Representatives kahapon, Nobyembre 4, para batikusin ang pagharap ni Japan Prime Minister Kishida sa pinagsanib na sesyon ng Senado at Kamara. Binatikos ng mga grupo ang nilulutong “visiting forces agreement” sa pagitan ng Pilipinas at Japan at iba pang kasunduang […]

Paniningil ng multa ng Globe Telecom, binatikos
November 03, 2023

Pinuna ng tagapangulo ng Bayan Muna na si Neri Colmenares ang Globe Telecom sa planong magpataw ng multa sa mga post paid na subscriber na maaantala sa pagbabayad. Ito ay sa kabila ng pagkamal ng kumpanya ng bilyun-bilyong kita noong nakaraang taon. Inianunsyo ng kumpanya na simula Disyembre, maniningil na ito ng ₱50 multa sa […]

Daan-daang pabrika ng damit sa Bangladesh, isinara ng mga protesta ng mga manggagawa
November 03, 2023

Nagsara ang mahigit 250 pabrika ng damit sa distrito ng Gazipur sa Bangladesh mula nagdaang linggo sa harap ng pagprotesta ng libu-libong manggagawa rito. Pumutok ang galit ng mga manggagawa matapos ang alok ng Bangladesh Garment Manufacturers and Exporters Association (BGMEA), samahan ng mga may-ari ng pabrika, na kakarampot na 25% pagtaas sa buwanang minimum […]