Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Umabot sa 28 indibidwal, kabilang ang 9 bata, ang namatay sa pambobomba ng huntang militar ng Myanmar sa Mung Lai Hkyet sa Kachin State noong Oktubre 9. Tinamaan ng pambobomba ang lugar na nagsisilbing sentro ng ebakwasyon ng mga pamilya na napalikas sa kani-kanilang mga lugar. Liban sa mga napatay, 60 ang nasugatan at malawakan […]
Nagtipun-tipon ang iba’t ibang grupo at personahe mula sa iba’t ibang sektor kahapon, Oktubre 25, sa University of the Philippines (UP)-Diliman para buuin ang #AbolishConfidentialFunds Network. Ang network ay magbubuklod sa mga pagsisikap na itulak ang pagtatanggal ng confidential at intelligence funds (CIF) sa pambansang badyet sa 2024, upang ilaan ito sa serbisyong panlipunan. Sa […]
Ginahasa ng mga sundalo ng 94th IB ang dalawang babae, kung saan isa ay menor-de-edad, sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental noong huling linggo ng Agosto ayon sa reklamo na natanggap ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros. Kabilang sa mga biktima ang isang 15-anyos na dalagita. Naganap ang panggagahasa nang magdaos ng bayle […]
Nagdulot ng labis na takot at perwisyo sa mga residente ang isang linggong pambobomba at panganganyon ng 87th IB sa mga sakahan sa mga barangay ng San Nicolas at Aguingayan sa San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 23 hanggang Setyembre 29. Araw-gabi ang pambobomba ng militar gamit ang 105mm at 155mm howitzer nito. […]
Nagsagawa ng koordinadong protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip, kasama ang mga manggagawa at maralitang tagalunsod kahapon, Oktubre 24, para batikusin ang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-13 pagkakataon mula noong Hulyo. Sa huling pagtataas, tinatayang umabot na sa ₱19/litro ang idinagdag sa diesel habang halos ₱14/liter ang nadagdag […]
Kabi-kabilang pagbatikos ang kinaharap ng administrasyon ng Leyte Normal University (LNU) sa Tacloban City matapos gipitin nito ang pahayagan ng mga estudyante na An Lantawan. Noong Oktubre 23, nakatanggap ang pahayagan ng atas mula sa administrasyon na nagbabawal sa paggamit ng logo at pangalan ng kanilang publikasyon dahil hindi sila diumano “accredited.” Ayon sa mga […]
Muling kumakaharap sa panggigipit ang mamamahayag na si Lady Ann Salem, patnugot ng Manila Today, matapos maghain ng apela ang Office of Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema noong Setyembre para baligtarin ang desisyong palayain si Salem at kasama niyang hinuli na si Rodrigo Esparago, isang organisador ng manggagawa. Inaresto ang dalawa sa mga kasong […]
Mahigpit na kinundena ni Kasamang Coni Ledesma, pinuno ng espesyal na tanggapan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa proteksyon ng mga bata, ang pagpatay sa mahigit nang 2,000 batang Palestinian sa kampanyang henosidyo ng Zionistang rehimeng Israel sa Gaza. “Ang mga ito ay mga krimen sa digma at dapat lamang kundenahin […]
Nagsampa ngayong araw, Oktubre 24, ng kaso ng malalang pambabanta si House Minority Deputy Leader at ACT Teachers Rep. France Castro laban kay dating presidente Rodrigo Duterte sa isang korte sa Quezon City. Kaugnay ito sa pahayag ni Duterte na “gusto niyang patayin” si Castro at mga katulad niya na inere sa Sonshine Media Network […]
Pinaralisa ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Central Mindanao ang dalawang backhoe ng Ulticon Builders Incorporated (UBI) noong Oktubre 16 ng alas-10:40 ng umaga sa Sityo Mahagwa, Barangay Hagpa, Impasug-ong, Bukidnon. Ang UBI ay kroning kumpanya sa konstruksyon ng mga Duterte na kumopo ng malalaking pampublikong kontrata. Ang UBI ay isa sa mga […]