Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Tinatayang umabot sa 200,000 ang nagrali kahapon sa iba’t ibang bahagi ng London, United Kingdom, para ipanawagan ang kagyat ng pagdedeklara ng tigil-putukan sa Gaza at pagpasok ng kinakailangang ayuda, sa gitna ng walang awat na pambobomba dito ng Israel. Bahagi ang pagkilos na ito sa tuluy-tuloy at walang awat na mga protesta na inilulunsad […]
Ginunita ng mga magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Buwan ng Magsasaka sa pamamagitan ng mga pagkilos at protesta mula sa simula ng Oktubre. Lumundo ang paggunita sa isang martsa tungo sa Mendiola sa harap ng Malacañang noong Oktubre 20 ng daan-daang mga magsasaka mula sa Bicol, Southern Tagalog, Central Luzon at Negros. […]
Sa ika-5 anibersaryo ng Masaker sa Sagay, muling ipinanawagan ng mga grupong magsasaka ang hustisya para sa siyam na magsasaka at manggagawang bukid na pinaslang ng mga sundalo at paramilitar sa Hacienda Nene, Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental noong Oktubre 20, 2018. Kasama sa mga pinaslang sa Sagay ang apat na babae at dalawang […]
Dinukot at iligal na idinetine ng mga sundalo ng 1st IB ang organisador ng mga magsasaka at pambansang minorya na si Reymart Moneda sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon. Inilitaw siya sa sumunod na araw ng mga sundalo at ipinailalim sa kustodiya ng mga pulis na hindi pa malinaw na mga kaso. Sa isinagawang fact-finding mission […]
Pinaslang sa pamamaril ng mga sundalo ng 63rd IB si Ronie Obiado at ang kanyang 2-taong gulang na apo na si Intoy sa Sityo Salvacion, San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 25. Nakatakbo papalayo sa bahay na pinagbabaril ang asawa ni Obiado ngunit hindi pa ito nakikita hanggang ngayon. Nakaligtas din sa pamamaril […]
Higit 600 katao ang lumahok sa “human chain” sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City noong Oktubre 18 para ipanawagan ang kagyat na pagpapatigil sa mapanirang reklamasyon sa Manila Bay at maging sa buong bansa. Nagsama-sama sa pagkilos ang mga kabataan, mangingisda, taong-simbahan, at mga tagapagtanggol ng kalikasan sa programang “Save our Sunset, Save […]
Pinasubalian ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang pahayag ng 24th IB na nakapatay ito ng isang myembro ng hukbong bayan noong Oktubre 3 sa isang engkwentro sa hangganan ng Sityo Lamunan, Barangay Gacab, Malibcong at Barangay Ableg, Daguioman sa Abra. Sibilyan, at hindi Pulang mandirigma ang pinatay ng mga sundalo, anito. “Walang nangyaring ‘engkwentro,’” ayon […]
Kumakaharap ngayon sa panggigipit ang ilang mga kandidato sa eleksyong pambarangay sa Tondo, Manila dahil sa kanilang paninindign laban sa demolisyon at mapangwasak na mga proyektong “kaunlaran” tulad ng proyektong Skyway ni Ramon Ang at “Tondominium” ni Reghis Romero. Sinisindak sila ng mga pwersang militar, sa pangunguna ng National Task Force-Elcac, sa pamamagitan ng pagbabansag […]
Brutal na pinaslang ng mga sundalo ng 79th IB ang mag-asawang magsasaka na sina Christian Job Vargas at Mailyn Salgado noong Oktubre 17 sa Sityo Nabalas 1, Barangay Canlusong, E.B. Magalona, Negros Occidental. Pinasubalian ng ina ni Vargas na si Jocelyn ang paratang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay ang dalawa sa […]
Iginiit ngayong araw, Oktubre 18, ng mga pambansa-demokratikong organisasyon at progresibong partido sa Kongreso ang kagyat na pagbabasura sa Maharlika Investment Fund (MIF), matapos ianunsyo ng Malacañang na ipinag-utos ni Marcos ang suspensyon sa pagpapatupad nito para diumano “repasuhin” ang mga alituntunin sa pagbubuo nito. Inilabas ni Marcos ang kautusan ilang araw matapos magpahayag ang […]