Palabas na engkwentro ng AFP sa Nueva Vizcaya, inilantad

Ang artikulong ito ay may salin sa English

Pinasinungalingan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pinalalabas ng 7th ID ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na engkwentro ng yunit nito sa hukbong bayan kaninang madaling araw sa Barangay Abuyo, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya. Sa ulat ng BHB, hindi engkwentro kundi pambobomba at istraping sa mga sibilyang komunidad ang ginawa ng mga helikopter ng AFP.

Walong beses o higit pa ang ginawang pagbobomba habang sunud-sunod ang pagpapaputok ng dalawang attack helicopter. Gumamit din ang mga sundalo ng mga drone.

Anang BHB, ginawa ito ng AFP para bigyang katwiran ang militarisasyon at malawakang operasyong kombat na isasagawa nito sa naturang bayan at katabing mga bayan sa prubisnya ng Aurora.

Pagbibigay-daan ito sa mas mabilis na pagpapatupad ng mapangwasak na proyekto ng estado kabilang ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), pagtatayo ng military industrial hub, at paghuthot sa mga natural na rekurso ng Benham Rise sa katabing prubinsya ng Aurora.

Sa pahayag ng BHB-Aurora, sinabi nitong tiyak silang “palilitawin na naman ito ng AFP na bahagi ng kanilang operasyong pagtugis sa BHB at resulta ng “pagsusuplong ng mga sibilyan.”

AB: Palabas na engkwentro ng AFP sa Nueva Vizcaya, inilantad