Inaresto ng pulisya ang paraligal ng Anakpawis Partylist na si Paolo Colabres habang binabantayan ang labi ni Randall Echanis sa isang punerarya sa Barangay Paang Bundok, La Loma, Quezon City noong Agosto 11. Sinampahan si Colabres ng kasong obstruction of justice at idinetine nang isang linggo sa Camp Karingal. Isang araw bago ang pang-aaresto, sapilitang […]
Resulta ng matagal at mapangwasak na lockdown ni Rodrigo Duterte ang naitalang pinakamalalang pagbagsak ng lokal na produksyon sa unang hati ng taong 2020. Ramdam ito sa mga prubinsya sa Mindanao at Visayas na sumabay sa lockdown ng Luzon at Metro Manila noong Marso. Ora-orada at walang planong pinatigil ng mga lokal na gubyerno ang […]
Magkakasunod na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) bilang tugon sa nagpapatuloy na paghahasik ng pasistang teror ng mga batalyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Negros, Bukidnon at Masbate. Pinaputukan ng BHB-Central Negros ang pwersa ng 62nd IB sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental noong Agosto 14. Dalawa […]
Sa kabila ng tuluy-tuloy na operasyong militar sa isla ng Samar, 22 kasapi ng batayang organisasyon ng Partido sa baryo at komite ng Partido sa seksyon ang matagumpay na nakapagtapos ng Batayang Kurso ng Partido (BKP) noong Hunyo. Pinangunahan ng komite sa larangan ang paghahanda para sa pag-aaral. Dahil hindi kakayanin ang konsentradong aktibidad dulot […]
Inianunsyo ng rehimeng Duterte noong Agosto 6 ang plano nitong mangutang ng karagdagang ₱3 trilyon sa susunod na taon. Gagamitin ng rehimen ang mga pautang para tapalan ang pamalagiang depisito sa badyet ng bansa. Gaya sa nagdaang mga taon, lubhang kulang ang pondo para sa mga plano nitong gastusin at nakatakdang bayarang utang. Ang uutangin […]
Walang epekto ang pandemya sa pagbebenta ng US ng mga armas at gamit militar. Mula Enero hanggang Hulyo, inaprubahan nito ang 43 kontrata na halos 70% na kumpara sa benta sa buong taon ng 2019. Labinglima ang inaprubahan sa Hulyo, kabilang ang kontrata sa Pilipinas para sa iba’t ibang sasakyang pandagat, mga masinggan, bomba at […]
Pinalayas ng 88th at 8th IB ang may 2,000 Lumad at magsasaka sa 15 komunidad ng Cabanglasan, Bukidnon noong Hunyo 21. Tinatakan ng mga berdugo bilang “no man’s land” ang mga komunidad matapos ang kumprontasyon at dayalogo ng mga datu sa mga sundalo at lokal na gubyerno (Basahin ang kaugnay na artikulo: 88th IB, pinalalayas […]
Parang mga asong ulol ang mga tropa ng 12th IB na naghasik ng teror sa Janiuay, Iloilo mula Agosto 5 hanggang ikalawang linggo ng buwan. Ayon kay Jurie Guerrero, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay, pitong magsasaka ang binugbog ng mga sundalo sa Atimonan, Janiuay. Dalawa ang idinetine at pinaggiya sa mga operasyong kombat. […]
Itinalaga noong Agosto 19 ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang pansamantalang pinuno ng negotiating panel nito si Julieta de Lima bilang panghalili sa yumao nitong pinuno na si Fidel Agcaoili. Ayon kay NDFP chief political consultant Jose Ma. Sison, si de Lima ang pinaka-nakatatanda sa mga tauhan nito sa labas ng bansa […]