VIDEO | Editoryal: Korapsyon sa gitna ng krisis at pandemya
August 21, 2021
AUDIO | Editoryal: Korapsyon sa gitna ng krisis at pandemya
August 21, 2021
Mga anomalya sa pondong pampandemya
August 21, 2021

Inulan ng batikos si Rodrigo Duterte matapos niyang batikusin at sindakin ang Commission on Audit (COA) noong Agosto 16 na itigil ang pagsasapubliko ng mga ulat kaugnay sa mga anomalya sa pondong pampandemya ng iba’t ibang ahensya ng reaksyunaryong gubyerno. Sa sumunod na araw, idinaing ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na […]

VIDEO | Ang Bayan August 21, 2021 Headlines
August 21, 2021
Gutom at hirap sa ilalim ng ECQ
August 21, 2021

Ibinababa na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang antas ng lockdown sa National Capital Region (NCR), Bataan at Laguna mula Agosto 21 hanggang 31, matapos ipailalim sa dalawang-linggong enhanced community quarantine (ECQ), ang pinakamahigpit na kwarantina. . Naabot ang desisyon sa pamamagitan ng “sikretong botohan” ng mga myembro ng Inter-Agency Task Force at walang […]

Bulok na paninira ng AFP sa BHB sa usaping kababaihan
August 21, 2021

Sa nagdaang ilang taon, sinimulan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang baluktot na kasinungalingang ipinalalaganap nitong “pang-aabuso” sa kababaihan sa loob ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ginagamit nitong “ebidensya” ang nakukumpiskang mga birth control pill, condom at pregnancy test mula sa mga kampo ng BHB bilang patunay ng “pang-aalipin at pang-aabusong sekswal” ng […]

Tangkang pagtatayo ng kampo sa Quezon, muling binigo ng mamamayan
August 21, 2021

Pinangunahan ng mga kagawad at tanod ng barangay ang pagharang sa planong pagtatayo ng mga kampo militar sa Barangay San Francisco-B, Lopez, Quezon noong Agosto 7. Sama-samang pinalayas ng mga residente ang mga tropa na magtatayo ng detatsment. Ayon sa mga upisyal, agad na nagpaabot ng reklamo ang mga residente dito nang mabalitaan nila ang […]

Ka Parts Bagani, Pulang mandirigma at artista ng bayan
August 21, 2021

Walang kalaban-labang pinatay ng pinagsanib na pwersa ng 5th Special Forces Battalion at lokal na pulis si Jhon Niebres Peñaranda, mas kilala bilang Parts Bagani, 54, upisyal ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Southern Mindanao Region, at bantog na rebolusyonaryong artista, sa Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato noong Agosto 16. Hindi armado at wala […]

8 armadong aksyon sa 6 na prubinsya
August 21, 2021

Walong armadong aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros Oriental, Northern Samar, Oriental Mindoro, Surigao del Sur, Capiz at Agusan del Norte mula Hulyo 25 hanggang Agosto 14. Hindi bababa sa walong sundalo ang napatay sa mga ito. Isang elemento ng 62nd IB ang napatay sa mga operasyong haras […]

Mga protesta
August 21, 2021

Pagkakwari sa Negros, ipinatitigil. Noong Agosto 12, umapela ang mga magsasaka ng Silay City para ipatigil ang mga operasyon ng pagkakwari sa Silay City, Negros Occidental. Kinundena nila ang walang tigil na paghahawan sa kagubatan na nagdudulot ng pagbaha at pagkasira ng kanilang mga pananim. Sa limang operasyon ng pagkakwari sa lugar, isa ay pagmamay-ari […]