Hadlangan ang pakanang palawigin ang tiraniyang Duterte
June 07, 2021

Ang pagkakapit-tuko ni Rodrigo Duterte sa poder ay tanda ng walang kalutasang krisis ng naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal. Iniluluwal nito ang pinakamasasamang anyo ng paghaharing reaksyunaryo na naglalantad sa bulok nitong kaibuturan. Lalong tumitingkad ang kawastuhan ng pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka upang wakasan ang paghahari ng mga reaksyunaryong uri at itaguyod ang demokratikong paghahari […]

AUDIO | Editoryal: Hadlangan ang pakanang palawigin ang tiraniyang Duterte
June 07, 2021

Download: Audio

9 na opensiba ng BHB sa 9 na araw
June 07, 2021

Siyam na taktikal na opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga prubinsya ng Davao Oriental, Quezon, Occidental Mindoro, Camarines Sur, Northern Samar at Samar sa loob ng siyam na araw. Labing-anim ang napaslang at 18 ang nasugatang tropa ng kaaway sa mga opensibang ito. Sa Davao Oriental, inambus ng […]

Mga sundalo sa Quezon, pinalayas ng taumbaryo
June 07, 2021

Pinuri ng National Democratic Front-Southern Tagalog (NDF-ST) sa isang pahayag noong Hunyo 2 ang ipinamalas na katapangan at pagkakaisa ng mamamayan ng Quezon para patalsikin ang apat na kampo militar sa kani-kanilang mga baryo. Sa pamamagitan ng sama-samang paninindigan sa anyo ng mga petisyon at iba pa, napalayas ng mga residente ng barangay Sta. Elena […]

Sa madaling salita
June 07, 2021
Imperyalistang kampanya ng kontra-terorismo
June 07, 2021

Natapos na ang pagdinig ng Korte Suprema sa mga argumento laban sa Anti-Terrorism Law (ATL) noong Mayo 17. Ito ay matapos ang apat na buwan mula nang unang idulog ng mga abugado ng mga petisyuner ang kanilang mga argumento laban sa mapaniil na batas. Lalong tumingkad ang pagiging anti-demokratiko ng ATL nang paratangan ng Anti-Terrorism […]

Pagbili ni Dennis Uy sa Malampaya Gas Project, ipinarerepaso ng Senado
June 07, 2021

Ipinarerepaso ng Senado sa Department of Energy ang magkasunod na pagbili ng kumpanya ni Dennis Uy na Udenna Corporation sa Malampaya Deep Water Gas-To-Power Project mula sa Royal Dutch Shell nitong taon at sa Chevron Corporation noong 2019. Ang naturang proyekto ang kaisa-isang operasyon ng pagmina ng natural gas sa bansa. Matatagpuan ito sa karagatan […]

Mga protesta
June 07, 2021

DUTERTE WAKASAN NA. Inilunsad sa pamamagitan ng online press conference noong Hunyo 3 ang kilusang “Duterte Wakasan Na,” isang pormasyong magbubuklod sa lahat ng pwersang naghahangad na wakasan ang paghahari ng rehimeng Duterte at ang serye ng mga bigo at mapaminsalang mga patakaran nito. Tinuligsa ng mga koordineytor nito ang planong pagtatambal ng mag-amang Rodrigo […]

2 konsultant ng NDFP, pinaslang
June 07, 2021

Dalawang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at lima pang sibilyan ang pinaslang ng armadong mga pwersa ng estado nitong nakaraang dalawang linggo. Sa panahong ito, lima pa ang inaresto at tatlo ang dinukot, kabilang ang isang bata. Pamamaslang. Magkasabay na pinatay ng mga ahente ng reaksyunaryong estado sina Fr. Rustico Tan […]

Wala pa ring hustisya ang mga taga-Marawi
June 07, 2021

Kasinungalingan ang sinasabi ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na 65% na ng rekonstruksyon ng Marawi City ang “tapos na.” Ito ang pahayag ni Drieza Lininding ng Moro Consensus Group sa ikaapat na anibersaryo ng pagpulbos ng rehimeng Duterte sa syudad noong Mayo 23. Sa araw na iyon, isang karaban ng mga residente ang nagtungo […]