Nagmarka ang Labanan sa Isla ng Mactan noong Abril 27, 1521 bilang unang organisadong paglaban ng mga Pilipino kontra sa dayuhang mananakop. Buong giting na hinarap at tinalo nina Datu Lapulapu at mga katutubong mandirigma ang superyor na mga sandata ng mga Espanyol na pinamunuan ni Ferdinand Magellan. Noong ika-16 na siglo sa panahon ng […]
Bigo ang higit isang taong walang tigil na operasyong Retooled Community Support Program (RCSP) ng Armed Forces of the Philippines sa isang bayan sa Western Samar sa layunin nitong buwagin ang matatag na pagkakaisa ng masang magsasaka at kanilang pagsuporta sa rebolusyon. Saklaw ang naturang bayan ng larangang gerilyang ipinagmamayabang ng 8th ID na “nabuwag […]
Nakiisa ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Lanao sa paggunita ng mamamayang Moro sa Ramadan, ang sagradong panahon para sa mga Muslim sa buong mundo. Bilang pakikiisa, sumabay sa pag-aayuno ang mga Pulang mandirigma noong Abril 12, ang unang araw ng Ramadan. Ikaapat na Ramadan na ito mula nang wasakin ng rehimeng Duterte ang Marawi at pinalayas […]
Dalawang ahenteng paniktik ng 15th IB ang napaslang sa ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr. Command) noong Abril 3 sa Sityo Cambaga, Yaoyao, Cauayan, Negros Occidental. Nakuha sa kanila ang isang .45 kalibreng pistola, isang 9mm Glock at mga dokumento ng pagkakakilanlan. Pagkahapon, apat na sundalo ng 15th IB ang napaslang […]
Pinagpupugayan ng rebolusyonaryong kilusan ng Kalinga sina Rudy Daguitan (Ka Pinpin) at Nora Miguel (Ka Lanie), kapwa mga beteranong Pulang mandirigma ng prubinsya. Napaslang ang dalawa sa isang labanan noong Marso 15 sa Barangay Gawaan, Balbalan. Si Ka Pinpin ay isang kadre militar habang si Ka Lanie ay isang mahusay na medik. Pinanday silang dalawa […]
Sinimulan noong Abril 16 ng Kilusang Mayo Uno, katuwang ang mga unyon at iba pang organisasyon ng manggagawa, ang serye ng mga protesta para itambol ang panawagan para sa ₱10,000 ayuda para sa lahat ng nawalan ng trabaho at ₱100 kada araw na subsidyo para sa mga manggagawa at manggagawang bukid. Sa araw na iyon, […]
Malaking bagay para sa mga manggagawa ang ₱100 subsidyong pandagdag sa arawang sahod, laluna sa mga industriya at serbisyong “esensyal” sa panahon ng pandemya. Marami sa kanila ang walang katiyakan sa trabaho, tumatanggap ng wala pa sa arawang minimum, at nakapailalim sa kaayusang “no work, no pay.” Kabilang dito si Andrea, manggagawa sa isang restawran […]
Muling naghasik ng teror ang pinagsanib na pwersa ng pulis at militar sa tatlong sityo ng Barangay Nagbinlod, Sta. Catalina, Negros Oriental noong Marso 29. Anim na sibilyan ang inaresto, kabilang ang 2-taong gulang na bata, at dalawa ang pinatay. Tulad sa naunang mga kaso ng pang-aatake sa mga sibilyan, tinaniman ng baril at armas […]
Sa gitna ng malawakang disempleyo at pagbagsak ng kita at negosyo, milyun-milyong piso ang iginawad ng matataas na upisyal ng pribadong mga kumpanya sa kanilang mga sarili sa anyo ng mga bonus at dagdag na sweldo noong 2020. Kabilang sa kanila ang anim ng matataas na upisyal ng GMA 7 na kinabibilangan nina Felipe Gozon at […]