Archive of Armando Cienfuego | Spokesperson

Ilehitimong rehimen at reaksyunaryong korte, tagapagtanggol ng mga berdugo
October 15, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nakagagalit ang desisyon ng Malolos Regional Trial Court nitong Oktubre 6 na ipawalang-sala ang berdugong heneral na si Jovito Palparan sa kasong isinampa sa kanya ng magkapatid at magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo. Noong 2006, dinukot, tinortyur at iligal na ikinulong ni Palparan at kanyang pasistang tropa ang magkapatid na Manalo alinsunod sa mabalasik […]

Tutulan, huwag pahintulutan ang dagdag na base militar ng US! Imperyalismong US at China, layas!
September 22, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Napakatigas ng mukha ng imperyalismong US na maghangad ng dagdag pang mga base militar sa bansa sa harap ng paglabag nito sa soberanya at karapatan ng mamamayang Pilipino. Kasabay nito, kasuklam-suklam ang malugod at kakawag-kawag ang buntot na pag-aakomoda ng mga tutang sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa kahilingan ng US. Wala pa […]

Pulang saludo kay Ka Ringo, rebolusyonaryong martir ng sambayanan
September 07, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog kay Isagani “Ka Ringo” Isita, kadreng pamprobinsya, Pulang kumander at rebolusyonaryong martir ng sambayanan. Si Ka Ringo ay namartir sa Barangay Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon noong Hulyo 30. Dakila siyang kasama at mapagmahal na ama’t asawa sa kanyang pamilya. Mariing kinukundena ng MGC ang […]

Hinggil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)
September 02, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Naghahasik na naman ng disimpormasyon at teror ang AFP sa pag-aabiso nito sa publiko na huwag umanong iboto ang mga kandidato na sumusuporta sa CPP-NPA sa paparating na barangay at sangguniang kabataan elections (BSKE) ngayong Oktubre. Kasabay nito ang paninira ng AFP sa NPA bilang “peace spoiler”. Purong kalokohan ang buladas na ito ng AFP […]

Matagumpay na ambus ng NPA-Quezon sa 85th IBPA: 5 kaaway, patay! 5 armas, nasamsam!
September 01, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nagpupugay at taas kamaong pagbati ang ipinapaabot ng Melito Glor Command(MGC)-NPA Southern Tagalog sa mga Pulang mandirigma ng Apolonio Mendoza Command-NPA Quezon. Tinambangan ng isang yunit ng NPA Quezon ang pinagsanib na pwersa ng 85th IBPA at CAFGU sa Sityo Pag-asa, Brgy. Mapulot, Tagkawayan ngayong Setyembre 1, bandang 7:11 ng umaga. Sa ulat ng yunit, […]

Igiit ang pambansang soberanya! China at US, palayasin!
August 13, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang panghaharas ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS). Pinakahuli rito ang panganganyon ng tubig ng Chinese Coast Guard sa bangka ng Philippine Coast Guard na magsusuplay ng rekurso sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa WPS, saklaw ng exclusive economic zone […]

Pakinggan ang samo ng mga Batangueño: 59th IB, palayasin!
August 09, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nakikiisa ang Melito Glor Command-NPA ST sa panawagan ng mamamayan ng Batangas na paalisin ang berdugo’t kriminal na 59th IB mula sa kanilang probinsya. Sobra-sobra na ang perwisyo at teror na dinala ng pasistang batalyon na pamoso bilang salarin sa pagpatay sa 9-taong gulang na batang si Kyllene Casao at magsasakang may kapansanan sa pag-iisip […]

Walang NPA sa TK na tatanggap sa amnestiyang alok ni Marcos Jr
July 28, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nangangarap nang gising ang ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte na papatulan ng mga yunit ng NPA ang alok nitong amnestiya. Binanggit ito ni Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24. Walang kasapi ng NPA-ST na tatanggap sa alok na amnestiya at titigil sa pagrerebolusyon. Mahigpit ang hawak ng mga […]

Paghahasik ng teror ng 203rd Brigade, pasakalye ng papasidhing pandarambong at pangangamkam ng lupa sa Mindoro
July 24, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Dapat pagbayarin nang mahal ang mga pasistang tropa at mga opisyal ng 203rd Brigade sa mga kaso ng brutalidad at paglabag sa karapatang-tao na naganap kamakailan sa Mansalay, Oriental Mindoro at noong Mayo sa Rizal, Occidental Mindoro. Nagmula sa pambansang minorya ang mga biktima na pawang iniuugnay ng mga militar sa rebolusyonaryong kilusan. Bahagi ang […]

Ligalig sa loob ng AFP-PNP sa unang taon ni Marcos Jr.
July 02, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sa unang taon ni Marcos Jr., pangita ang kawalan ng “unity” sa reaksyunaryong sandatahang pwersa na palatandaan ng mabuway na pundasyon ng kanyang rehimen. Patuloy ang hidwaan ng mga naghaharing-uri at kaguluhan sa loob ng militar habang dumaranas ng walang kaparis na krisis ang sambayanang Pilipino. Hilong talilong na si Marcos Jr. kung sino at […]