Mapagpasyang hinarap ng Armado Catapia Command-BHB Camarines Norte ang malakihan at tuloy-tuloy na operasyong militar ng 9IB, 92nd DRC Philippine Army bandang ika-siyam ng umaga ngayong ika-23 ng Disyembre sa Barangay Ba’ay , Labo Camarines Norte. Isa ang napatay at anim ang sugatan sa pwersa ng AFP habang ligtas na naipagtanggol ng BHB ang kanilang […]
Mahigpit na pinapabulaanan ng Romulo Jallores Command-NPA Bikol ang pahayag ng 9th IDPA na lumabag ang NPA sa reciprocal at unilateral na deklarasyon ng tigil-putukan ng CPP-NPA-NDFP na sumasaklaw mula Nobyembre 23 hanggang Enero 7. Ang napabalitang aksyon ng Pulang Hukbo laban sa nag-ooperasyong yunit ng militar sa Baay, Labo, Camarines Norte ay bahagi ng […]
Kinukundena ng RJC-BHB-Bikol ang sinkronisadong atake ng AFP, ilang oras matapos magsimula ang epektibidad ng unilateral and reciprocal ceasefire ng GRP at NDFP. Nasa posturang aktibong depensa ang BHB. Sa pang-aatake ng militar, tungkulin ng BHB na ipagtanggol at ilayo ang sarili mula sa tiyak na kapahamakan. Ngayong araw, binigo ng mga pulang mandirigma ng […]
PINARARANGALAN ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon ang apat na Pulang mandirigma na nagbuwis ng buhay sa nangyaring sagupaan sa Gabod, Bulan, Sorsogon nitong Disyembre 15. Magiting nilang hinarap ang magkasanib na pwersa ng 31st IBPA at PNP Mobile Force Company na sumalakay sa kanila upang tiyakin ang ligtas na pag-atras ng kanilang kasamahan. Sina Robert […]
Patraydor na inatake ng magkakumbinang pwersa ng 31st IB at Provincial Mobile Force Company ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan ng Celso Minguez Command, 6:05 ng umaga sa Bgy. Gabud, Bulan, Sorsogon noong Disyembre 15. Nag-alay ng buhay sina Robert “Ka Mio” Estiller, Gaspar “Ka Gabby” Gracela, Eddison “Ka Lito” Omrog at Ka Poy. […]
Nakikiisa at sumusuporta ang Armando Catapia Command- NPA Camarines Norte (ACC-BHB) sa pagkundena ng NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) sa AFP at PNP sa malubhang paglabag sa karapatang-tao . Hindi kaiba ang dinaranas ng mga Sorsoganon sa mga taga Camarines Norte sa ilalim ng Focused Military Operations at Community Support Program Operations (CSPO). Isinailalim sa nasabing […]
Ngayong Disyembre 10, muli nating gugunitain ang ika-71 taon ng International Human Rights Day, kabilang ang mga Sorsoganon sa maglulunsad nito bahagi ng kanilang karapatang magpahayag ng kanilang hinaing laluna ngayong nananalanta ang Executive Order 70 at Memorandum Order 32 ng rehimeng US-Duterte. Malaki ang pinsalang idinulot ng bagyong Tisoy, subalit mas matindi ang epekto […]
Tiyak na magkukumahog na naman ang hanay ng AFP-PNP-CAFGU sa pagbabawal sa mga progresibo at makabayang organisasyon, taong-simbahan, kagawad ng midya at iba pang indibidwal na magbigay ng tulong at magsagawa ng kani-kanilang relief missions sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Tisoy. Litaw na litaw ang pagiging utak-pulbura ng mersenaryong hukbo – wala […]
Mahigpit ang pangangailangan para sa pagkakapit-bisig ng mamamayang Bikolano upang bigyang suporta at tulong ang daang libong napinsala sa pagdaan ng bagyong Tisoy sa rehiyon. Upang bigyan-daan ang pagpapaabot ng iba’t ibang porma ng ayuda sa mga bayan sa mga ilang prubinsya sa Bikol , idinideklara ng Romulo Jallores Command Bagong Hukbong Bayan – Bikol […]
Mariing kinukundena ng RJC-NPA Bikol ang tahasang pagpaslang at panggigipit ng rehimeng US-Duterte sa mga upisyal ng lokal na yunit ng gubyerno. Wala itong ibang layunin kung hindi maghasik ng takot at lumikha ng klima ng karahasan at kaguluhang magbibigay-katwiran sa militaristang administrasyon. Pinipilit nito ang mga lingkod-bayan na talikuran ang kanilang katapatan sa mamamayang […]