Archive of Kabataang Makabayan-Laguna

Sa ika-59 anibersaryo ng Kabataang Makabayan, palagablabin ang apoy ng digmang bayan sa puso ng mga kabataan at mamamayan!
November 30, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Mataas ang diwang bumabati ang balangay ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna sa ika-59 na anibersaryo ng ating pinakamamahal na organisasyon ng Kabataang Makabayan. Mahaba na ang liko-likong landas na tinahak ng ating dakilang organisasyon. Ang KM ang isa sa mga unang organisasyon ng mga kabataan na bumasag sa katahimikan noong 1960s laban […]

Ipagpunyagi ang ginintuang taon ng Pambansang Nagkakaisang Prente! Kabataan, isulong ang digmang bayan!
April 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Binabati ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-50 na taong anibersaryo nito. Patunay ang nagniningning na limang dekadang pakikibaka ng mamamayang Pilipino at ang pagyabong ng mga makabagong rebolusyonaryo sa antas ng ideolohiya, pulitika, at organisasyon na pundasyon ng ating pakikidigma. Bilang isa sa […]

Walang hanggang pagpupugay at pagdakila! Hustisya para kina Ka Laan at Ka Bagong-tao!
April 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Nagpupuyos sa galit ang Kabataang Makabayan sa probinsya ng Laguna sa natanggap na ulat ng brutal na pagkapaslang sa Tagapangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na si Benito “Ka Laan” Tiamzon, at sa Pangkalahatang Kalihim nito na si Wilma “Ka Bagong-tao” Austria-Tiamzon. Sina Ka Laan, Ka Bagong-tao, at […]

Magpunyagi at i-angat ang militansya tungong armadong pakikibaka! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
March 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Pinakamataas na pagpupugay at pagkilala ang iginagawad ng kabataang Lagunense sa armadong pakikibaka ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) bilang tagapagtanggol ng masang-api sa kanayunan. Kasama ang malawak na hanay ng mamamayang Lagunense, susulong ang Kabataang Makabayan sa probinsya ng Laguna tungong sosyalistang tagumpay sa pamamagitan ng pangmatagalang digmang bayan. Mataas na pagpupugay din ang ipinahahatid […]

Ikalawang taong kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Bloody Sunday Massacre! Duterte, panagutin!
March 07, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Dalawang taon na ang nakalipas nang maganap ang madugong Bloody Sunday Massacre at kumitil sa siyam na buhay ng mga aktibista sa Timog Katagalugan. Kinaumagahan ng Marso 7, 2021 nang sugurin ng elemento ng estado ang mga kabahayan ng aktibista at pinagbabaril ito. Dagdag pa ang panghuhuli sa anim na mga lider-unyonista at aktibista na […]

Sumulong at palaparin ang hanay ng kabataan sa paggapi sa rehimeng US-Marcos II!
November 30, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Isang rebolusyonaryong pagbati ang ipinaaabot ng Kabataang Makabayan Laguna sa lahat ng mamamayang Pilipinong nagtataguyod ng proletaryong bukas sa pamamagitan ng pambansang demokratikong rebolusyon na may sosyalistang hangarin. Sa loob ng limampu’t walong taong patuloy na pakikibaka ng mga kabataan-estudyante, patuloy ang pagpupunyagi ng kilusang lihim mula sa kalunsuran hanggang sa kanayunan sa gabay ng […]

I-angat ang katatagan at lakas ng masa’t rebolusyonaryong mandirigma! Mabuhay ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
March 30, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Sa harap ng matinding desperasyon ng estado na supilin ang armadong paglaban ng mamamayan, buhay at nananatili ang Pulang mandirigma upang ipagtanggol ang mamamayan mula sa mga mapanamantalang uri. Mahigpit na yinayakap ng mamamayan ang rebolusyon bilang tanging landas tungo sa malayang lipunan at isulong ang sosyalistang layunin. Puspos na sinasaluduhan at taas-kamaong nag-aalab ang […]

Pag-alala at pagpupugay sa kariktan ni Ka Ash: Martir ng Rebolusyon, Bayani ng Sambayanan!
March 07, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Laguna |

Limang taon na ang nakalilipas, noong ika-7 nang Marso sa taong 2017, nang tuluyang bitawan ni Ka Ash ang kanyang tangan na armas sa kamay ng mga berdugong opensiba ng estado. Sa kabila ng paghihinagpos, kuyom ang kamao niyang inialay ang kanyang buhay sa komunidad ng masang magsasaka sa bayan ng San Andres, sa probinsya […]

Magpunyagi at makibaka, gapiin si Duterte at ang terorismo ng estado!
December 28, 2021 | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

TAAS-KAMAONG PAGPUPUNYAGI AT PAKIKIISA ANG IPINAAABOT NG KABATAAN MAKABAYAN LAGUNA SA PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS SA KANILANG IKA-LIMANGPU’T TATLONG TAONG ANIBERSARYO! Ang sambayanan at ang Kabataang Makabayan (KM) mula sa Laguna ay nagbubunyi sa walang tigil na pakikibaka ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ng mga balangay nito sa iba’t ibang panig ng bansa. […]

Patatagin ang papel ng kabataan sa pambansa-demokratikong rebolusyon! Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
September 17, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Nalalapit na ang ika-49 na anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas. Mula 1972 hanggang 1981, pumasok sa malubhang krisis ang sambayanang Pilipino dulot ng pasistang rehimen ni Ferdinand Marcos at ng dayuhang amo nito sa Estados Unidos. Naghari si Marcos bilang pangunahing ahente ng dayuhang imperyalismo sa Pilipinas mula 1965 hanggang sa pinatalsik […]