Archive of NDF-Bicol

Bigo ang rehimeng US-Duterte na durugin ang digmang magsasaka sa Kabikulan at sa buong bansa
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bicol |

Walang kaparis na kagutuman at kahirapan ang idinulot ng rehimeng US-Duterte sa paghambalos nito ng isa sa pinakamatitinding neoliberal at pasistang atake laban sa masang magsasaka. Kinatangian ang limang taong panunungkulan ni Duterte ng pagkukumpleto sa mga neoliberal na dikta ng General Agreement on Trade and Tariffs -World Trade Organization (GATT-WTO) sa lupa at agrikultura. […]

MAKIBAKA-Bicol hinggil sa palpak na blended learning ng DepEd
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Bicol |

Ang husga ng mga nanay at magulang – palpak ang blended learning ng Deped! Hindi na nga magkadaugaga sa pasa-todong pagtatrabaho sa loob ng bahay at sa paghahanapbuhay sa gitna ng kalula-lulang krisis, ipapapasan pa sa mga magulang ang pagtuturo sa kanilang mga anak? Saang palad pa sila kukuha ng panggastos at panahon para tugunan […]

NDF-Bicol on Duterte’s plan to run as vice president in order to gain immunity
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

There is no immunity from the people’s justice! Duterte can twist the interpretation of the law all he wants, but no fascist, corrupt and puppet regime can ever evade the people’s justice. Not even the most cunning of dictators can escape accountability for all the lives and livelihood he or she destroyed. Likewise, victims and […]

Hinggil sa napakababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at palyadong blended learning sa panahon ng pandemya
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Katipunan ng mga Gurong Makabayan-Bicol |

Nangangamba ang mga guro sa kinabukasan ng mga bata at kabataan sa bansa. Ano na lang ang maiaambag nila sa lipunan kung napakababa ng kalidad ng edukasyong kanilang natatanggap? Lalo pa itong sumahol ngayong panahon ng pandemya. Sa pagtatapos ng modular, blended at online learning ngayong taon, ayon sa mga magulang na tuwirang nakasama ng […]

Garapalang Katiwalian sa AFP at PNP para sa paghaharing Duterte-Duterte
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa desperasyong makapagpalawig sa kapangyarihan, kasuklam-suklam na pinalalakas ni Duterte ang AFP at PNP sa pamamagitan ng pagbusog sa mga upisyal sa militar at pulis ng kurakot mula sa hungkag na modernisasyon ng AFP, kontra-insurhensyang NTF-ELCAC at madugong gera kontra droga. Gamit ang pasismo at terorismo ng estado, walang habas na dinambong ng rehimen ang […]

Pagbabayarin ng mamamayan si Bacarro at ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen sa timog Luzon at buong bansa
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Walang kagitingang maipagmamayabang si Maj. Gen. Bartolome Vincent Bacarro, ang bagong itinalagang Southern Luzon Command (SOLCOM) kumander. Tulad ng kanyang hinalinhinang si Lt. Gen. Antonio Parlade at iba pang upisyal militar, kinakatawan ni Bacarro ang madugo, korap at bulok na kultura ng AFP-PNP-CAFGU. Tigmak ng dugo ang kanyang kasaysayan bilang kumander ng iba’t ibang yunit […]

Do not use children as pawns in a dirty, brutal war
July 26, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

How vile and desperate of 2nd IBPA to use children as pawns in their corrupt and malicious surrender campaign! What did these children ever do to deserve being objectivized as trophies in this regime’s all-out war? Parading one batch of fake surrenderees after another, the 2nd IBPA has already probably made use of the entire […]

Magkakasunod na kasinungalingan ng 9th IDPA at RTF-ELCAC sa Camarines Sur at Masbate
July 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Iwinawasiwas ng 9th IDPA at Regional Task Force End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa mga balita ng Bombo Radyo ang kainutilan ng rehimeng US-Duterte sa pagharap sa armadong pag-aaklas ng mamamayan. Nitong mga nagdaang araw, walang pag-aatubiling ilinabas ng 9th IDPA ang mga pekeng balita ng engkwentro sa Bongalon, Sagñay, Camarines Sur at pagsurender […]

Hamon para sa Midya: Ibagsak ang Press Freedom Predator na Rehimeng US-Duterte!
July 14, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Bicol |

Tumpak ang ulat ng internasyunal na organisasyon na Reporters without Borders. Ang limang taon ng rehimeng US-Duterte ang isa sa mga pinakamalalagim na yugto sa kasaysayan ng pakikibaka para sa malayang pamamahayag sa bansa. Sa ilalim niya, naging krimen ang magpahayag ng taliwas o kritikal sa rehimen. Tulad ng batas militar ni Marcos, walang singhigpit […]

Bigo ang ATA at ang buong pasistang makinarya ni Duterte na gapiin ang sambayanang lumalaban
July 14, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nauubos na ang bala ni Duterte. Ginawa na niya lahat mapaluhod lamang ang mamamayan sa harap ng kanyang pasistang dambana. Sinubukan na niyang magpataw ng batas militar, ipailalim ang sibilyang burukrasya sa militar, ipag-utos ang madudugo at brutal na operasyong militar at pulis hanggang sa magpasa ng mga batas na tahasang umaatake sa mga demokratikong […]