Archive of NDF-Bicol

Bukas na Liham sa mga Magulang mula sa mga Anak ng Bayan
November 29, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Kabataang Makabayan-Bicol |

Sa ating mga Minamahal at Dinadakilang mga Ama at Ina, Isang rebolusyonaryong pagbati! Sa diwa ng ika-55 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at paggunita sa Araw ni Gat Andres Bonifacio, pinagpupugayan naming mga anak ng bayan ang inyong hindi matatawaran at dakilang gampanin bilang mga ama at ina. Kayo ang nagsilbing ilaw, haligi, tagapagluwal at gabay […]

KM-Sorsogon: Mabuhay ang ika-55 anibersaryo ng KM!
November 29, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Sorsogon | Kabataang Makabayan-Sorsogon |

Isa ang kabataan sa pinakamaingay na pwersa ng ating lipunan at pinakamabilis magtambol ng mga isyung pambayan. Sa araw-araw nilang pagpasok sa eskwelahan, pakikisalamuha sa komunidad at pagpasok sa trabaho bilang manggagawa, samu’tsari din ang kanilang kinakaharap at nakikitang sistema at tagibang na kaayusan sa lipunan. Sa eskwelahan, kung wala ang mga kabataang hindi lamang […]

Palayain si Ka Diego Padilla!
November 29, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDF-Bikol sa mariing pagkundena sa walang katarungang pag-aresto kay  Jaime “Ka Diego” Padilla ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis sa Cardinal Santos Medical Center noong ika-25 ng Nobyembre 2019. Ang iligal na pag-aresto kay Ka Diego ay mukha ng pasismo ng rehimeng US-Duterte. Sa desperasyon nitong gapiin ang rebolusyonaryong kilusan, wala […]

Tunay na panlipunang pagbabago, hindi huwad na ECLIP program ang panawagan ng mamamayan
November 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kung ipagmayabang ni Maj. Ricky Aguilar, tagapagsalita ng 9th IDPA, ang limpak-limpak na pondong ginagastos nila para sa kampanyang pagpapasurender ay tila ba tuwang-tuwa pa siyang nawawaldas ang kabang-bayan para sa walang katuturang pang-aatake nila sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Paano man bihisan, sadyang lumilitaw ang babaw at labnaw ng pagsusuri ng mersenaryong hukbo sa […]

Disimpormasyon at Saywar ng 9th IDPA, Gatong na Nagpapaliyab sa Paglaban ng Masang Bikolano
November 21, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sadyang nagpapakadalubhasa ang 9th IDPA sa pagpapahusay ng kanilang kampanyang disimpormasyon at saywar laban sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos ang sunud-sunod na pagpaparada ng mga pekeng sumurender ay pinapatambol naman nila ngayon ang testimonya umano ng isang sumuko. Ang naturang Ka Daniel umano ang magbibigay-boses at magpapatunay ng mga tagumpay ng kanilang kampanyang kontrainsurhensya sa rehiyon. […]

Iligal na pag-aresto sa 62 sibilyan sa Negros: Larawan ng pangingibabaw ng militar sa sibilyang batas at burukrasya
November 01, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Lupon ng Manananggol para sa Bayan-Bicol |

Kaisa ang malawak na hanay ng mamamayan, kinukundena ng LUMABAN-BIKOL ang panibagong serye ng pasistang operasyong Sauron sa Negros bilang bahagi ng ganap na pagpapatupad ng crackdown laban sa mga progresibo at makabayang mga organisasyon at indibidwal. Nitong Oktubre 31, iligal na inaresto ang 62 sibilyan ng pinagsamang tropa ng CIDG-6, 3rd IDPA, Joint Task […]

Summit para sa mga pambansang minorya, pakitang-tao ng JTFB
October 20, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kasuklam-suklam ang mapanlinlang, mapang-abuso at mapagsamantalang paggamit ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) sa mga katutubo upang ipalaganap ang saywar laban sa CPP-NPA-NDFP at pahinain ang kanilang rebolusyonaryong diwa. Nagpoposturang mga santong tagapagligtas ng mamamayan, ilinunsad ng JTFB ang Regional Indigenous Peoples Empowerment Summit (RIPES) upang di umano’y ituro sa mga Manide at Agta ang […]

Sa Harap ng Pasistang Paghahari ni Duterte, Tungkulin ng Mamamayan ang Alalahanin ang Bangungot ng Batas Militar
September 19, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa panahong namamayani ang pasismo, kagutuman at kahirapan, isang krimen ang lumimot. Sa okasyon ng paggunita ng ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa panahon ng diktador na si Marcos, ipinapaabot ng NDF-Bikol ang mahigpit na pakikiisa sa mamamayang patuloy na naninindigan para sa karapatan at kalayaan at nagtatakwil sa muling paglukob ng bangungot […]

Joselito Naag, Militar Hindi NPA! P100,000 Nakurakot ng Pulis at Militar sa Pagpaparada ng Kanilang Kabaro Bilang Lider ng NPA
September 17, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Wala nang kasing-desperado ang pinakabagong pakulo ng PNP at AFP na pasukuin at iparadang NPA ang kanilang kabaro upang palabasing mayroong inaabot ang kanilang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan habang malayang kinukurakot ang pabuya para sa pag-aresto ng mga kasapi diumano ng CPP-NPA-NDFP at ang pondo para sa hungkag na ECLIP (Enhanced Comprehensive Local […]

Duterte: Traydor sa sambayanan, tuta ng Tsina at iba pang imperyalista
September 17, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Malaking pagtatraydor sa sambayanan ang pagbubukas ni Duterte sa dayuhang panghihimasok sa West Philippine Sea. Maliban sa paglabag sa mga batas ng bansa at mga internasyunal na kasunduan at desisyon ng hukuman, kusang ipinagkaloob ni Duterte ang soberanya ng Pilipinas kapalit ng suporta ng mga imperyalista sa kanyang diktaduryang ambisyon. Noong Setyembre 10, 2019, idineklara […]