Archive of NDF-Bicol

Paparaming Bilang ng Sibilyan ang Biktima ng Pasismo ng 9th IDPA sa Bisa ng MO 32 ng Rehimeng US-Duterte
February 13, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mga magsasaka at hindi kasapi ng BHB ang apat na residente ng Sityo Pulang Daga, Brgy. Baya, Ragay, Camarines Sur na dinukot at iligal na dinetine ng mga elemento ng 9th IBPA noong ika-9 ng Pebrero. Sina Christian Rañon, Romel ‘Boboy’ Esmero, Ricky Bendaña at Rico Bendaña ay tinortyur sa loob ng dalawang araw. Matapos […]

Pulang pagpupugay sa mga martir ng mamamayang Bikolano
February 11, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Ika-30 ng Enero, ganap na 6:00 ng umaga, sinalakay ng mga tropa ng 83rd Infantry Battalion ang komunidad ng Brgy. Lupi, bayan ng Tinambac sa Camarines Sur at doon ay inatake ang isang yunit ng Tomas Pilapil Command (BHB-East Camarines Sur). Limang kasama at isang sibilyan ang napaslang sa nasabing pangyayari. Isa sa mga […]

GRP-NDFP backchannel talks sinagkaan ng militar
January 23, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ilang araw matapos palutangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng backchannel talks para sa usapang pangkapayapaan, kagyat na kumilos ang militar para sagkaan ito. Tahasang sinalungat at pinabulaanan ni DND Sec. Delfin Lorenzana ang pahayag ni MTRCB Board Member Avelino Andal na inatasan siya ni Duterte na pangunahan ang backchannel talks kay NDFP Chief […]

Response to Ms. Naag's January 16 Article Bicolanos mourn Rep. Rodel Batocabe
January 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

The NDF Information Office Bicol would like to provide the public with clarifications with regard to an article by Ms. Melanie Naag, a public school teacher from Daraga, Albay, published by the Manila Times last January 16. First of all, the CPP-NPA-NDF Bicol, once again, categorically denies any hand in the assassination of Rep. Batocabe. […]

Crackdown sa Hanay ng Kabataan at Paggamit sa mga Ahensya ng Gubyerno Bilang Ahente ng Panunupil, Bahagi ng Pasistang Whole-of-Nation Approach ni Duterte
January 17, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Kabataang Makabayan-Bicol |

Kataksilan sa makasaysayang papel ng kabataan sa pagbabago ng lipunan ang pahayag ni Ronald Cardema, Tagapangulo ng National Youth Commission (NYC), na dapat isailalim sa profiling ang lahat ng mga progresibo at makabayang kabataang mapaghihinalaang may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Ayon sa kanya, marapat na gamiting makinarya ng gubyerno ang Sangguniang Kabataan (SK) upang masinsing […]

Pananalasa ng mga Duterte Death Squads (DDS) at Peace and Development Teams (PDT), Pag-iral ng Batas Militar sa Kabikulan
January 14, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Katarungan ang ipinapanawagan ng NDF-Bikol para sa mga biktima ng sunud-sunod na pamamaslang ng mga Duterte Death Squads (DDS) ng teroristang AFP-PNP-CAFGU sa pagpasok ng taon. Sang-ayon sa mapang-udyok na deklarasyon ni Duterte na bubuuhin ang DDS at papatayin ang sinumang pinaghihinalaang bahagi o sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan, lantaran nang naghahasik ng takot at terorismo […]

Henry Yuson, suspect who voluntarily surrendered in Rep. Rodel Batocabe’s slay case, not a red fighter; Albayalde, Ano and Duterte, criminal masterminds!
January 07, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albalyalde’s latest statement is nothing but a malicious and persistent effort to treacherously implicate the revolutionary movement and the NPA in the high profile murder of Rep. Rodel Batocabe.   His claims that one of the suspects who surrendered, Henry Yuson, for the killing of Rep. Batocabe was […]

Engkwentro sa Labo, Walang Katotohanan Nagdadamayan sa Kalamidad ang Masa at Rebolusyonaryong Pwersa
January 02, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Pinapabulaanan ng NDF-Bikol ang pahayag ng 9th IDPA hinggil sa engkwentro sa Sityo Malapat, Baay, Labo, Camarines Norte noong Disyembre 30. Hinugot sa hangin ang ipinakakalat ng 96th IBPA na pekeng balita ng labinglimang-minutong putukan sa pagitan ng kanilang hanay at ng NPA-Bikol. Walang naganap na labanan at walang presensya ng mga kasama sa naturang […]

Limampung taon ng walang pag-iimbot na paglilingkod sa sambayanan
December 27, 2018 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Christians for National Liberation-Bicol |

Ipinagbubunyi ng mga taong-simbahan sa ilalim ng Christians for National Liberation-Bikol (CNL-Bikol) ang ika-50 anibersaryo ng PKP-MLM. Nagsisilbing tanglaw sa mga taong-simbahan ang makauring gabay ng PKP sa pagsusulong ng rebolusyon para sa tunay na pagbabagong panlipunan, kalayaan at kapayapaang nakabatay sa katarungan. Hindi lingid sa mga taong-simbahan ang bigat ng krus na pinapasan ng […]

KM-Bikol: Limampung taon ng mapangahas na pagtatakda ng kasaysayan
December 26, 2018 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Kabataang Makabayan-Bicol |

Nakikiisa ang Kabataang Makabayan ñ Bikol (KM-Bikol) sa ika-50 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-MLM). Muling itinatag ang PKP bunga ng kapasyahan ng mga makabayang kabataan na panghawakan ang gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Mula sa iilang nagtaguyod, umaabot na sa puu-puong libo ang kasapian nito ngayon. Nagdiriwang ang KM-Bikol, kasama ng iba pang rebolusyonaryong […]