Archive of NDF-Bicol

Engkwentro sa Tuaca, Walang Katotohanan!
March 06, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

ekeng balita ang ipinagkakalat ng PNP Mobile Force-Camarines Norte hinggil sa engkwentro sa Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte noong Marso 3. Walang katotohanan ang pahayag ni PSupt. Godofredo Tul-o na nagkaroon ng limang minutong labanan sa pagitan ng pwersa ng pulis at ng Armando Catapia Command (ACC)-BHB-Camarines Norte na nagresulta umano sa pagkakapaslang sa isang […]

Di-umanong P9 Bilyong Suporta ng Masa sa CPP-NDF-NPA, Hindi Lalayo sa Kitang Buwis ng Reaksyunaryong Gubyerno sa Kabikulan noong 2017
February 26, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sana ay magdilang-anghel si Col. Paul Regencia at ang 9th IDPA sa pagpapahayag na umabot sa siyam na bilyong piso ang natanggap na suporta ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon para sa taong 2017 hanggang 2018. Ayon mismo sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Bicol1, P10.7 bilyong piso ang nakolekta ng kanilang ahensya para sa […]

Pagbawi sa Iskolarship ng mga Mapanuring Kabataan, Bahagi ng Pagpapatupad ng EO 70
February 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Malinaw na bahagi ng pagpapatupad ng estratehiyang militar na Whole-of-Nation Approach (WoNA) sa pamamagitan ng EO 70 ang panukalang bawian ng iskolarship ang sinumang estudyanteng lumahok sa mga kilos-protesta at sa mga organisasyong nagtataguyod sa demokratikong interes ng kabataan. Sa katunayan, mariing inaatasan sa EO 70 ang mga state universities and colleges (SUCs) at ang […]

Bukas na Liham Para sa mga Kagawad ng Midya
February 15, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Una sa lahat, pinagpupugayan ng NDF-Bikol ang lahat ng masa at makabayang upisyal ng lokal na gubyerno na naging bahagi sa mabilis na pagbawi at pagtitiyak ng kaligtasan nina Christian Rañon, Romel “Boboy” Esmero, Ricky Bendaña at Rico Bendaña. Noong ika-9 ng Pebrero, dinukot at iligal na dinetine ng mga elemento ng 9th IBPA ang […]

Paparaming Bilang ng Sibilyan ang Biktima ng Pasismo ng 9th IDPA sa Bisa ng MO 32 ng Rehimeng US-Duterte
February 13, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mga magsasaka at hindi kasapi ng BHB ang apat na residente ng Sityo Pulang Daga, Brgy. Baya, Ragay, Camarines Sur na dinukot at iligal na dinetine ng mga elemento ng 9th IBPA noong ika-9 ng Pebrero. Sina Christian Rañon, Romel ‘Boboy’ Esmero, Ricky Bendaña at Rico Bendaña ay tinortyur sa loob ng dalawang araw. Matapos […]

Pulang pagpupugay sa mga martir ng mamamayang Bikolano
February 11, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Ika-30 ng Enero, ganap na 6:00 ng umaga, sinalakay ng mga tropa ng 83rd Infantry Battalion ang komunidad ng Brgy. Lupi, bayan ng Tinambac sa Camarines Sur at doon ay inatake ang isang yunit ng Tomas Pilapil Command (BHB-East Camarines Sur). Limang kasama at isang sibilyan ang napaslang sa nasabing pangyayari. Isa sa mga […]

GRP-NDFP backchannel talks sinagkaan ng militar
January 23, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ilang araw matapos palutangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng backchannel talks para sa usapang pangkapayapaan, kagyat na kumilos ang militar para sagkaan ito. Tahasang sinalungat at pinabulaanan ni DND Sec. Delfin Lorenzana ang pahayag ni MTRCB Board Member Avelino Andal na inatasan siya ni Duterte na pangunahan ang backchannel talks kay NDFP Chief […]

Response to Ms. Naag's January 16 Article Bicolanos mourn Rep. Rodel Batocabe
January 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

The NDF Information Office Bicol would like to provide the public with clarifications with regard to an article by Ms. Melanie Naag, a public school teacher from Daraga, Albay, published by the Manila Times last January 16. First of all, the CPP-NPA-NDF Bicol, once again, categorically denies any hand in the assassination of Rep. Batocabe. […]

Crackdown sa Hanay ng Kabataan at Paggamit sa mga Ahensya ng Gubyerno Bilang Ahente ng Panunupil, Bahagi ng Pasistang Whole-of-Nation Approach ni Duterte
January 17, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Kabataang Makabayan-Bicol |

Kataksilan sa makasaysayang papel ng kabataan sa pagbabago ng lipunan ang pahayag ni Ronald Cardema, Tagapangulo ng National Youth Commission (NYC), na dapat isailalim sa profiling ang lahat ng mga progresibo at makabayang kabataang mapaghihinalaang may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Ayon sa kanya, marapat na gamiting makinarya ng gubyerno ang Sangguniang Kabataan (SK) upang masinsing […]

Pananalasa ng mga Duterte Death Squads (DDS) at Peace and Development Teams (PDT), Pag-iral ng Batas Militar sa Kabikulan
January 14, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Katarungan ang ipinapanawagan ng NDF-Bikol para sa mga biktima ng sunud-sunod na pamamaslang ng mga Duterte Death Squads (DDS) ng teroristang AFP-PNP-CAFGU sa pagpasok ng taon. Sang-ayon sa mapang-udyok na deklarasyon ni Duterte na bubuuhin ang DDS at papatayin ang sinumang pinaghihinalaang bahagi o sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan, lantaran nang naghahasik ng takot at terorismo […]