Nananawagan ang National Democratic Front-Rizal sa lahat ng mamamayang Pilipino na nagmamahal sa ating bansa na patuloy na sumuporta at lumahok sa isinusulong na bagong-tipo na demokratikong rebolusyong bayan ng CPP-NPA-NDF. Ito lamang ang tanging paraan upang makamit ang ganap na kalayaan mula sa di-tuwirang paghahari ng imperyalismong US sa pamamagitan ng kanilang mga lokal […]
Mula Enero hanggang sa buwan na ito, todong pagpupumilit ng 80th IBPA na likhain ang ” makataong” imahe, sa pamamagitan ng kanilang aktibidad sa Retooled Community Support Program Operations (RCSPO) nito. Nais nitong pagmumukhaing maamo at mapagmalasakit sa likod ng pasista at abusadong katangian nito. Sa kabila ng mga aktibidad ng diumano’y pagtulong sa mga […]
Ating marubdob na salubungin ang ika-55 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan ng may mahigpit na pagtangan sa mga kagyat at kritikal na mga tungkulin ng Kilusang Pagwawasto at malayong tumanaw na ipagtagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan at gapiin ang kaaway. Ating pagpugayan ang lahat ng mga pulang mandirigma at mga kumander na araw-araw na […]
Matagumpay na nakapaglunsad ng oplan pinta at oplan diki ang Kabataang Makabayan-Rizal upang gunitain at pagpugayan ang ika-85 kaarawan ni Ka Jose Maria Sison, isang dakilang lider at tanglaw ng rebolusyong Pilipino. Inihanda ng mga kabataan ang isang portrait (wheatpaste art) ni Ka JMS at idinikit sa mataong lugar sa Barangay San Juan, Taytay upang […]
Pulang pagpupugay at pagsaludo kay Kasamang Jose Maria Sison sa kanyang ika-85 na kaaraawan, siya ang Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas-MLM, ang ating dakilang lider, tanglaw at gabay sa Rebolusyong Pilipino. Nanatiling buhay at nag-aalab ang rebolusyonaryong kapasyahan at optimiso ng mga manggagawa, magsasaka, maralita, kabataan, kababaihan, mga panggitnang pwersa at mga katutubo […]
Pinakamataas na pagpupugay ang iniaalay ng National Democratic Front of the Philippines-Rizal kay Kasamang Josephine “Sandy” Mendoza. Isang mahusay na proletaryong lider, kadre ng Partido at matatag na haligi ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Timog-Katagalugan. Siya ay kagawad ng Komite Sentral ng Partido at ikalawang pangalawang kalihim ng Komiteng Rehiyon. Sa kanyang pagpanaw noong […]
Ang Artista at Manunulat ng Sambayanan-Rizal ay taos-kamaong nagpupugay kina Kasamang Jethro Isaac “Ka Pascual” Ferrer at Kasamang Peter “Rochie” Rivera. Sila ay mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan at mga kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ibinuwal man sila nang pataksil ng mga buhong na kaaway ay naging tapat sila at nanindigan para […]
Mariin ang pagtutol ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture-DA). Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Tiu-Laurel sa mga namuhunan sa kandidatura ni Marcos Jr. sa halagang limampung milyong piso. Dalawampung milyong piso para kanyang kampanya at tatlumpung […]
Anuman ang gawing pambabaluktot sa kasaysayan, hinding-hindi na mabubura sa sambayanang Pilipino ang malagim na paghahari ng diktadurang Marcos. Sapagkat nanalaytay ang dugong ibinuwis ng mga Martir ng Batas Militar sa matabang lupa ng Demokratikong Rebolusyong Bayan na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Hindi kailanman magtatagumpay ang maiitim na pakana ng mga pasista at diktador na […]
Sa pagragasa ng Bagyong Egay ay isang trahedya ang sumapit sa Binangonan, Rizal noong Huly 27, 2023. Hindi bababa sa 27 ang nasawi sa paglubog ng motorbanca Aya Express. Mahigpit na kaisa ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa panawagan ng mga Rizaleño at mga kaanak ng mga nasawi para sa hustisya at pagpapanagot sa […]