Sa loob ng apat na taon ng panunungkulan ng pasistang rehimeng US-Duterte walang kaparis na kalupitan, brutalidad at pambubusabos ang natamo ng mamamayang Pilipino bunga ng mga anti-mamamayan at anti-demokratikong mga patakarang pinatutupad sa bansa ng pasistang estado. Lalo lamang nasadlak sa kumunoy ng kahirapan at pang-aapi ang malawak na masa ng sambayanang Pilipino dahil […]
Mariing kinokondena ng Revolutionary Council for Trade Unions-NDF-ST (RCTU-NDF-ST) ang kawalang-katarungang nararanasan ngayon ng mga kawawang drayber ng jeepney at kanilang mga pamilya dahil sa pagpatay ng gobyernong Duterte sa kanilang kabuhayan. Walang awang pinahirapan ng rehimeng US-Duterte at inilulubog pa sa kalunos-lunos na kalagayan ang mga drayber ng dyip at pamilya nila. Dahil sa […]
Harasment, intimidasyon, pagbabanta at iligal na interogasyon ang nararanasan ng mga komunidad ng mga katutubong Palaw’n sa sityo ng Lagasan, Bayug, Terongan at Naglakon na sakop ng barangay Aribungos sa bayan ng Brookes Point mula sa tila wala-sa-katinuang mga elemento ng 4th Marine Batallion Landing Team na nagsasagawa ngayon ng focus military operation. Ayon sa […]
Huwag tayong matakot. Huwag tayong pasisiil. Paigtingin ang pagtutol at paglaban sa Anti-Terrorism Act of 2020. Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte. Mahigpit na kaisa ng National Democratic Front of the Philippines-Southen Tagalog (NDFP-ST) ang sambayanang Pilipino sa pagkondena kina Panfilo Lacson at Bato de la Rosa sa kanilang talamak na paggamit ng red scare and […]
Mariing kinokondena ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) kasama ng Sambayanang Pilipino ang niratsadang batas ng mababang kapulungan na Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020) na kinopya lamang ng buong-buo sa naunang ipinasa ng Senado na SB1083. Panukala ito ng pasista at mamamatay taong Senador na si Sen. Panfilo “Kuratong Baleleng” Lacson. Masahol pa […]
Ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ay mahigpit na kaisa ng sambayanang Pilipino sa mariing pagtutol at paglaban upang ibasura ang Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020) na ngayon ay naghihintay na lamang ng pirma ng pasista at kriminal na si Duterte para maging isang ganap na batas matapos pirmahan ito at […]
Ang NDF-Palawan ay nagpapahayag ng mariing pagkundena at pagtutol sa panukalang Anti-Terror Act na kukumpleto sa hindi deklaradong batas militar at tiranikong paghahari ng pasista, korap, magnanakaw at berdugong si Rodrigo Roa Duterte. Nananawagan ang NDF-Palawan sa lahat ng makabayang pulitiko, mga patriyotikong mamamayan at sa lahat ng mga demokratiko’t rebolusyonaryong pwersa na nakikibaka para […]
Pinakamataas na parangal ang ibinibigay ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan kay Kasamang Lorelyn Saligumba, isang bayani at martir ng rebolusyon at sambayanan. Si Kasamang Lorelyn ay isang manggagawang pangkalusugan na nagpasyang yakapin ang landas ng rebolusyon at armadong pakikibaka at iukol ang kanyang buong buhay sa pagbibigay ng serbisyo sa masa sa kanayunan […]
Mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) at ng rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyon ang mabilis pa sa kidlat na pagtibay ng dalawang komite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senate Bill 1083 o Anti-Terrorism Act of 2020 Senate Bill 1083 o Anti-Terrorism Act of 2020 upang amyendahan ang Human Security Act […]
Nakagagalit ang mga tusong hakbangin ng rehimeng US-Duterte sa paglulusot ng mga anti-manggagawang neoliberal na patakaran habang abala ang mamamayan sa paglaban sa pananalasa ng pandemyang Covid-19 at pagharap sa ipinapatupad na militaristang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Habang naghihirap, nagugutom, nababalisa at nakakulong sa kanya-kanyang mga kabahayan ang malawak na hanay ng mamamayan ay parang […]