Malugod na binabati ng Revolutionary Council of Trade Unions – NDF-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang Bagong Hukbong Bayan sa ika-51 taong anibersaryo nito. Sa araw na ito, pinagpupugayan namin ang mga dakilang martir ng rebolusyon. Pinagpupugayan namin si Kasamang Julius “Ka Nars” Soriano Giron, kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap at Kawanihang Pampulitika ng Komite Sentral ng Partido, […]
Ipinaparating ng pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDF-ST) ang taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa kabayanihan ng ating mga manggagawang pangkalusugan. Kapuri-puri ang kanilang ipinamalas at patuloy na ipinamamalas na kagitingan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa paglaban at pagsugpo sa pandemic na Covid-19. Sa partikular, pinasasalamatan ng NDFP-ST ang ating […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang patuloy at malaganap na paglabag ng AFP at PNP sa mismong SOMO at SOPO nila alinsunod sa dineklarang “unilateral ceasefire” ng pasistang rehimeng US-Duterte. Ang walang humpay na mga operasyong militar sa rehiyon ng Timog Katagalugan na isinasagawa ng mga batalyon sa ilalim 2nd Infantry Division […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang ratsadang pag-apruba ng mababang kapulungan ng Kongreso sa House Bill 6616 na nagdedeklara ng “national emergency” at nagkakaloob kay Duterte ng malawak na kapangyarihang pangkagipitan (emergency powers) sa pagharap sa pandemic na Covid-19. Ang House Bill 6616 ay kopyang-kopya ng isinumiteng panukala ng […]
“There will be no suspension of police and military operations to maintain peace and order and to quell any terrorist threat.” Ito ang nakalagay sa Executive Order No. 52 ng Governor’s Office ng Palawan, Series of 2020 na naglalahad ng “Comprehensive Directives For The Full Implementation of the Enhanced Community Quarratine (ECQ) under a “State […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang mga paglabag ng AFP-PNP sa karapatang tao ng mamamayan sa rehiyon at buong bansa sa panahon ng lockdown. Sa harap ng deklarasyon ng unilateral ceasefire ni Duterte, nagpapatuloy ang focused military operations (FMO) sa rehiyon at buong bansa na pumeperwisyo sa buhay at […]
Sa harap ng kalamidad at krisis pang-ekonomiya, lockdown at kamay-na-bakal na solusyon ang sagot ng pasistang si Duterte. Ibinandera niya noong Marso 11 ang kanyang pasistang hangarin: kontrolin ang pagpasok at paglabas ng tao sa Maynila, ipakulong ang kabataang lumalabas at gumagala, pahirapan ang masisipag ngunit dahop na manggagawa. Ngunit, napatunayang ang palabrang enhanced community […]
Matapos umani ng kabi-kabilang batikos mula sa taumbayan dahil sa malubhang kapabayaan, pagiging inutil at makupad na pagtugon ng pasistang rehimeng US-Duterte na sansalain at kontrolin ang mabilis na paglawak sa bansa ng nakamamatay na Covid-19, bumaling naman ang gubyernong Duterte sa kamay-na-bakal, drastiko at dali-daling hakbang na ipailalim sa lockdown o sa pinagandang tawag […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang malubhang kapabayaan at makupad na tugon ng gubyernong Duterte sansalain at kontrolin ang mabilis na pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na CoVid-19 sa bansa. Ang kapabayaang ito ay humantong ngayon sa biglang pagdami ng insidente ng nahawa ng CoVid-19 dahil sa pagbabantulot ng […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines- Southern Tagalog (NDFP-ST) at ng rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyon ang Senate Bill 1083 (SB 1083) o ang Anti-terrorism Act of 2020 na inaprubahan sa ikatlong pagbasa sa Senado. Ang SB 1083, na pangunahing panukala ng militaristang si Senator Panfilo Lacson, ay naglalayong amyendahan ang Human Security […]