Kasama ng buong hanay ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, ang Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDFP-ST), ay nagpapaabot ng Pulang Saludo at taas kamaong pagbati sa ika-48 taong anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at sa libu-libong kasapian ng mga lihim na organisasyong masa. Binabati din natin ang mga kinatawan ng […]
Kailangang magkaisa ang mamamayan at ipagtanggol ang mga community pantry laban sa malisyosong paninira, panggigipit at red-tagging ng NTF-ELCAC, AFP, PNP at ng mga bayarang troll armies ni Duterte. Labis ang pagkatakot ng rehimen at mga alagad nito sa NTF-ELCAC, PNP at AFP sa ipinamamalas na pagkakaisa, pagsasama-sama at pagdadamayan ng mamamayan na kahit ang […]
Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang tumitinding red-tagging at sunud-sunod na mga atake ng rehimeng Duterte sa mamamayan. Mula sa mga aktibista, oposisyon, kritiko ng rehimen at maging mga artista, humantong na rin ang gubyernong Duterte sa pang-re-red-tag ng mga guro, abugado, manggagawang pangkalusugan at mga kawani ng gubyerno. Dapat i-kriminalisa ang red-tagging at parusahan ang […]
Bigo ang husga ng bayan sa tugon ng rehimeng Duterte sa COVID-19! Ngayong Abril 13, 2021, umabot na sa 15,286 ang namatay, 884,783 ang naimpeksyon at wala pa sa 1% ng populasyon ang nabakunahan. Pangalawa ang Pilipinas, sunod sa Indonesia, sa may pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa Timog-silangang Asya. Apaw na ang mga ospital at […]
Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang karuwagan at kawalan ng kongkretong aksyon ng gubyernong Duterte sa harap ng lantarang panghihimasok at paglapastangan ng bansang China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Umaasa na lang ang gubyernong Duterte sa kinagawian nitong paghahain ng “walang ngiping” diplomatic protest sa pag-aakalang sa pamamagitan nito ay kusang […]
Nagbubunyi ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan ng Timog Katagalugan (MAKIBAKA-TK) sa ika-52 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan na mahigpit na pinagiibayo ang rebolusyong adhikain sa kabila ng matinding panliligalig ng krisis pang-ekonomya, pangkalusugan, at pangkalayaan dulot ng manyak, kriminal na rehimeng US-Duterte at Tsina. Sa gitna ng panahon ng kagipitan dulot ng pandemya, patuloy […]
Buong pwersang pinagpupugayan ng Artista at Manunulat ng Sambayanan Balangay Deborah Stoney (ARMAS-BDS) ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ika-52 anibersaryo nito. Tunay ngang kasama ang suporta ng malawak na hanay ng masang-api, hindi magagapi, hindi mapipigilan, at hindi matatalo ang hukbo ng mga mamamayan tungo sa pagpapalaya ng lipunan. Ngayong panahon ng de facto […]
Mamamayan ng Timog Katagalugan, higit na patatagin ang rebolusyonaryong kilusan sa kalunsuran! Pagpugayan ang Bagong Hukbong Bayan! Wakasan ang daang-taong pamamayani ng mga salot sa lipunan! Wakasan ang tiraniko, papet at diktador na Rehimeng US-Duterte! “Pinakamataas na pagpupugay at parangal ang ipinaabot ng NDF-ST sa ika-52 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan sa walang pag-iimbot at […]
Kasama ng buong hanay ng mga manggagawa at mamamayan sa rehiyon ng Timog Katagalugan, ng pamilya at mga kaibigan, mariing kinukundena ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) ang ginawang brutal na pagpaslang ng berdugong NTF-ELCAC, militar at kapulisan kay Dandy Miguel. S’ya ang ikalawang tagapangulo ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU), […]
Mariing kinukondena ng NDFP-ST ang karumal-dumal na pagpatay kay Dandy Miguel, Vice Chairman ng Pagkakaisa ng mga Mangggagawa sa Timog Katalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) at pangulo ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric-OLALIA-KMU. Si Dandy Miguel ay tinambangan at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga operatiba sa paniktik ng AFP noong gabi […]