Archive of NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command)

"Walang Yunit ng NPA sa Camarines Norte ang tatanggap sa alok na amnestiya ni Marcos Jr."—Carlito Cada
August 28, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Mulat at buo ang kapasyahang lumaban ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa probinsya ng Camarines Norte. Handa nitong paulit-ulit na biguin ang anumang atake ng mga berdugong militar ng reaksyonaryong gobyerno. Upang tupdin ang ultimong layunin nito na ipagtanggol ang rebolusyonaryong interes at karapatan ng masang api at pinagsasamantalahan.

Palpak na serbisyo ng Prime Water sa Camarines Norte, ikinagalit ng mga consumers nito
August 23, 2023 | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Labis na ikinadismaya ng mga consumers ng Prime Water sa Camarines Norte ang palpak nitong serbisyo sa tubig. Higit dalawang linggo na kasing hindi maayos ang daloy ng tubig sa mga bayan ng Mercedes, Vinzons, Daet at iba pang lugar na abot ng serbisyo nito. Ang Prime Water Infrastructure Corporation ay isang pribadong kumpanya na […]

Dumaraming mga karahasang militar sa Camarines Norte ng 9th IB PA, pagpapakita ng pagiging tunay na terorista ng AFP
August 20, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Mahigpit na kinukundena ng Armando Catapia Command-Bagong Hukbong Bayan Camarines Norte (ACC-BHB-CN) ang marahas at mapanupil na mga operasyong militar ng 9th IBPA sa mga kabuhayan at karapatan ng mamamayan. Nito lamang unang linggo ng Agosto nagkaroon ng malawakang operasyon ang mersinaryong tropa ng AFP ng 9th IBPA na sumaklaw sa kabundukan ng Labo at […]

Panata naming mga naiwan na ipagpatuloy ang inyong mga nasimulan at tiyakin ang tagumpay ng digmang bayan
August 20, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Hindi malilimutan ng buong rebolusyonaryong kilusan ang tinaguriang “Catbalogan 10” na walang habas at makababoy na pinatay ng berdugo at teroristang AFP noong Agosto 20, 2022. Kaya sa araw na ito, alalahanin natin at bigyan ng Pulang saludo sina Benito Tiamzon (Ka Laan) at Wilma Austria (Ka Bagong-tao), kasama ng walo nilang kasamang nag-alay ng […]

Daan-daang kakulangan ng klasrum, libro at guro sa kabila ng 150 milyong piso confidential at intelligence fund na inilaan ni Sara Duterte para sa DepEd
August 18, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Nasa mahigit 22 milyong estudyante ngayong pasukan ang naitala ng kagawaran sa edukasyon. Ngunit sa kabila nito, malaking suliranin din para sa mga guro at estudyante ang mahigit 159,000 na kakulangan ng mga silid-aralan, pati na ang kakulangan sa mga guro. Ito ay sa kabila ng 150 milyong piso na confidential at Intelligence Fund na […]

Manindigan sa pambansang soberanya!
August 01, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Patuloy na ilantad at labanan ang dayuhang agresyon at pang-uupat ng imperyalismong US ng gera sa mga bansa sa Asya. Walang ganansya ang mamamayang Pilipino sa patuloy na pakikialam ng Imperyalismong US sa isyu ng bansa sa West Philippine Sea laban sa karibal nitong imperyalismong China. Patuloy nitong nililikha ang kondisyon sa usapin ng West […]

Atake ng 9IBPA, binigo ng NPA
July 21, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Aktibong nakadepensa ang yunit ng Armando Catapia Command-New People’s Army laban sa 9th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines noong Hulyo 8, alas-singko ng umaga sa Barangay Sta.Cruz, bayan ng Jose Panganiban. Ang yunit ng ACC-NPA ay nasa lugar para maglunsad ng panlipunang pagsisiyasat sa kasalukuyang kalagayan ng mamamayan sa baryo nang tangkaing kubkubin ng sundalo ng 9IB.

Mga sundalong nagpapanggap na rebelde, binira ng NPA
June 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

LABO, CAMARINES NORTE—Tatlong sundalo ang kumpirmadong kaswalti sa pinakahuling labanan ng New People’s Army at 9th IBPA noong Hunyo 8 sa Purok 5 ng Barangay Canapawan. Naganap ang sagupaan ala-una y media ng madaling araw at tumagal ng halos 15-minuto. Walang pinsala at ligtas na nakaatras ang napalabang yunit gerilya. Kasalukuyang nag-i-scouting ang isang tim […]

Kundenahin ang pagpatay ng 9th IB kay Romeo Agua
May 21, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng mamamayan ng Camarines Norte at ng Armando Catapia Command (ACC) BHB-Camarines Norte ang karumal-dumal na pagpatay ng mga ahente ng AFP sa isa na namang sibilyan na si Romeo Agua, 42 taong gulang na residente ng Barangay San Jose, Panganiban, Camarines Norte. Siya ang ika-16 na biktima ng pamamaslang sa Bikol mula […]

Pagpupugay ng BHB-Camarines Norte kina Ka Benito at Ka Wilma
April 26, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay ng Armando Catapia Command- Bagong Hukbong Bayan- Camarines Norte sa lider ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na sina kasamang Benito Tiamzon (ka Laan) at Wilma Austria (ka Bagong-Tao) at kasama ng iba pang mga bayani ng rebolusyong Pilipino na walang pag-iimbot na nag-alay ng kanilang panahon at buhay para […]