Dapat na malakas na kondenahin ng sambayanan ang pagtatalaga ni Rodrigo Duterte kay Gen. Debold Sinas bilang bagong pinuno ng PNP. Si Sinas ay pamoso sa walang-habas na pag-aboso at paglabag sa karapatang tao ng mamamayan at naging bantog sa mga madugong kampanya ng panunupil sa mga lider at kasapi ng mga progresibong organisasyon ng […]
Kabi-kabilaan na ang mga tanggihan. Kanya-kanya nang mga palusot at paghuhugas ng kamay ang naglalabasan sa bibig nina General Gilbert Gapay pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at General Camilo Cascolan ng Philippine National Police (PNP) matapos tanggalin ng Facebook (FB) ang 57 FB accounts, 31 Pages at 20 Instagram accounts dahil sa […]
Kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang panibagong kataksilan ni Rodrigo Roa Duterte sa bayan matapos nitong pagkalooban ng “absolute pardon” ang sundalong Amerikanong si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nahatulan noong Disyembre 2015 ng 6-12 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa ating kababayan na si Jennifer Laude, isang transgender […]
Kaisa ng sambayanang Pilipino, mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST), sampu ng mga mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan, ang inaprubahang panukalang House Bill 7137 ng Kamara na nagdedeklara sa September 11, sa buong Ilocos Norte, bilang Ferdinand Edralin Marcos Day. Ang pagdedeklara sa kaarawan ng yumaong diktador bilang Marcos Day, […]
Maysakit man o wala. Malubha man o hindi. Wala nang dahilan pa upang magtagal at manatili sa pwesto ang kasuklam-suklam at matinding kinamumuhian ng taumbayan na si Rodrigo Roa Duterte. Dapat nang patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng isang malawakan, orkestrado at koordinadong mga pagkilos sa mga baryo at komunidad, sa mga mayor […]
Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang di-makatao, barbaro at makahayop na pagtrato ng mga pasistang tropa ng rehimeng Duterte sa mga labi nina Ka Jethro, Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny. Sina Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny ay napaslang nang pinagsanib na tropa ng 1st Infantry Batallion-Philippine Army (1stIB-PA) at Regional Mobile Force […]
Nagluluksa at nagdadalamhati ang pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST), sampu ng mga kasaping organisasyon nito at buong rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyon sa biglaang pagpanaw ni Kasamang Fidel V. Agcaoili, pinuno ng NDFP Negotiating Panel para sa usapang pangkapayapaan sa Government of the Republic of the Philippines (GRP). Namatay si Kasamang […]
Mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang naging desisyon ng 70 mambabatas na mga regular at ex-officio members ng House Committee on Legislative Franchises (HCLF) ng mababang kapulungan ng Kongreso na nagbabasura sa panukalang pagkalooban ang ABS-CBN Network ng 25 taong prangkisa para muling makapag opereyt matapos mapaso ang dati nitong […]
Mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang ginawang iligal na pag-aresto ng pinagsanib na tropa ng Cabuyao Philippine National Police at 2nd Infantry Division ng Philippine Army (2nd ID-PA) sa walong (8) tagapagtaguyod at tagapagtanggol sa karapatang pantao habang mapayapa silang nagpoprotesta, kasama ang iba pang mga kasamahan, laban sa […]
Binabati ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang mga magigiting na opisyal at mandirigma ng Bienvenido Vallever Command (BVC) ng NPA-Palawan sa mga inilunsad nitong serye ng matagumpay na taktikal na opensiba laban mga pasistang sa tropa ng PNP-Palawan at ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines. Ang pinakahuli ay ang […]