Huwad, hungkag at produkto ng pambabraso at pananakot ang 784 na lokal na punong ehekutibo na diumano’y sumusuporta sa panukalang batas na Anti-Terrorism Act of 2020. Mariing pinabubulaanan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang ipinagmamalaki ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroong 96 na mga lokal na punong […]
Sa loob ng apat na taon ng panunungkulan ng pasistang rehimeng US-Duterte walang kaparis na kalupitan, brutalidad at pambubusabos ang natamo ng mamamayang Pilipino bunga ng mga anti-mamamayan at anti-demokratikong mga patakarang pinatutupad sa bansa ng pasistang estado. Lalo lamang nasadlak sa kumunoy ng kahirapan at pang-aapi ang malawak na masa ng sambayanang Pilipino dahil […]
Huwag tayong matakot. Huwag tayong pasisiil. Paigtingin ang pagtutol at paglaban sa Anti-Terrorism Act of 2020. Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte. Mahigpit na kaisa ng National Democratic Front of the Philippines-Southen Tagalog (NDFP-ST) ang sambayanang Pilipino sa pagkondena kina Panfilo Lacson at Bato de la Rosa sa kanilang talamak na paggamit ng red scare and […]
Ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ay mahigpit na kaisa ng sambayanang Pilipino sa mariing pagtutol at paglaban upang ibasura ang Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020) na ngayon ay naghihintay na lamang ng pirma ng pasista at kriminal na si Duterte para maging isang ganap na batas matapos pirmahan ito at […]
Pinakamataas na parangal ang ibinibigay ng buong rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan kay Kasamang Lorelyn Saligumba, isang bayani at martir ng rebolusyon at sambayanan. Si Kasamang Lorelyn ay isang manggagawang pangkalusugan na nagpasyang yakapin ang landas ng rebolusyon at armadong pakikibaka at iukol ang kanyang buong buhay sa pagbibigay ng serbisyo sa masa sa kanayunan […]
Mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) at ng rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyon ang mabilis pa sa kidlat na pagtibay ng dalawang komite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senate Bill 1083 o Anti-Terrorism Act of 2020 Senate Bill 1083 o Anti-Terrorism Act of 2020 upang amyendahan ang Human Security Act […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang pasistang rehimeng US-Duterte sa hakbang nitong panatilihin sa pwesto si General Debold Sinas bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO)-Philippine National Police (PNP) sa kabila na may mga hinaharap na itong kasong kriminal at administratibo dahil sa paglabag sa mga tuntunin […]
Palayain ang 6 na mga inosenteng magsasaka ng Barangay Coral ni Lopez, Calaca, Batangas na iligal na inaresto ng AFP at PNP! Tutulan at labanan ang patuloy at tumitinding karahasang militar sa Timog Katagalugan! Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte! Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDF-ST) ang panibago na namang karahasan […]
Kasama ng sambayanang Pilipino, mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang naging desisyon ng National Telecommunication Commision (NTC) sa pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN Network, ang pinakamalaking media and entertainment company sa bansa. Mahigpit ding nakikiisa ang NDFP-ST sa sambayanang Pilipino sa paglaban at pagtutol sa tumitinding pag-atake at panunupil […]
Mahigpit na nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) sa lahat ng mga manggagawang Pilipino at mamamayan sa paggunita at pagdiriwang sa makaysayang Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayong Mayo 1, 2020. Sa iba’t ibang panig ng daigdig, ipinagdiriwang ngayon ng uring manggagawa at buong uring anakpawis ang pagkakaisa ng lahat ng […]