Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Labanan ang maka-dayuhan at kontra-mamamayang patakaran ng rehimeng US-Marcos-Duterte sa pagmimina
October 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nag-eengganyo ang ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte ng walang rendang dayuhang pandarambong at malulubhang sakuna sa pagtutulak nitong palawakin at paramihin ang mga proyektong mina sa bansa. Sa prenteng kailangan ang pagmimina upang pasikarin ang ekonomya, isinasakatuparan nito ang imbing layunin ng imperyalismo na sairin ang likas yaman ng Pilipinas habang nagsusubi ang mga burukrata mula sa […]

Hustisya para sa mga biktima ng terorismo ng estado! NTF-ELCAC, buwagin!
September 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa panawagan ng malawak na mamamayang Pilipino na buwagin na ang teroristang NTF-ELCAC at ilipat ang pondo ng ahensya pati ang mga confidential and intelligence funds sa higit na kapaki-pakinabang na mga programa at serbisyong panlipunan sa bayan. Marapat na patuloy na magbuklod ang mamamayang Pilipino para igiit at ipaglaban ito sa […]

Mga kontra-punto sa editoryal na Del Mundo’s world
September 12, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tumawag ng pambansang atensyon ang taktikal na opensibang (TO) inilunsad ng NPA-Quezon noong Setyembre 1 sa Barangay Mapulot, Tagkawayan kung saan limang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang nasawi at limang riple rin ang nasamsam ng Pulang hukbo. Ikinalulugod naming ibinalita ang pangyayari sa mga pambansang pahayagan, telebisyon, radyo at maging sa […]

Panagutin si Marcos Jr at ang mga nagdaang rehimen sa dumaraming kaso ng desaparecidos
August 30, 2023 | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ngayong Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos (International Day of the Disappeared), nakikiisa ang NDFP-ST sa lahat ng mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng sapilitang pagkawala sa kanilang pakikibaka para sa katarungan. Hanggang sa kasalukuyan, nananawagan ang sambayanang Pilipino na ilitaw ang mga sapilitang winala ng estado mula pa noong diktadurang US-Marcos. Hindi makakalimutan ng […]

Pahirap na taas-presyo ng mga produktong petrolyo at bigas, resulta ng neoliberal na patakaran
August 27, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Napatutunayang walang ibang aasahan ang bayan sa ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte kundi ibayong kahirapan sa sunud-sunod na taas-presyo partikular sa langis at bigas. Inutil ito sa harap ng modus ng mga kumpanya ng langis na linggu-linggong pag-aakyat ng presyo ng produktong petrolyo habang hinahayaang umalagwa ang presyo ng bigas. Malinaw na sa ilalim ng rehimen, patuloy […]

Sa Internasyunal na Araw ng Pagkilos, Paigtingin ang pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya at demokrasya!
August 27, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa Internasyunal na Araw ng Pagkilos para sa kilusang mapagpalaya sa Pilipinas na inilunsad ng Friends of the Filipino People in Struggle. Ikinalulugod ng sambayanang Pilipino ang suporta at pakikiisa ng mamamayan ng daigdig para sa rebolusyong Pilipino lalo sa gitna ng papatinding terorismo ng estadong kinakatawan ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte. Wala […]

Manggagawa, patatagin ang pagkakaisa, labanan ang pang-aatake ng estado
August 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kasama ang laksang mamamayang Pilipino, kinukundena ng NDFP-ST ang tuluy-tuloy na pang-aatake ng estado sa kilusang paggawa. Sa Timog Katagalugan, tuluy-tuloy ang mga kaso ng pagbabanta at intimidasyon sa mga lider-manggagawa at kanilang mga unyon na pinangungunahan ng Task Force-Ugnay ng NTF-ELCAC at mga pwersa ng AFP-PNP. Pinakahuling inulat na biktima ng sarbeylans at panghaharas […]

Mga panukalang badyet para sa kurapsyon at panunupil ni Marcos Jr, tutulan!
August 20, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Dapat kundenahin at pigilan ang mga panukalang pondo ni Ferdinand Marcos Jr. para sa Office of the President (OP), confidential and intelligence funds at mga proyektong imprastraktura sa pambansang badyet sa 2024. Malinaw itong mga iskema upang makapagbulsa ng mas malaking halaga ang naghaharing pangkating Marcos-Duterte at matuloy ang kanilang mga imbing balakin laluna ang […]

Pondo ng bayan, ilaan sa mamamayan! Mga panukalang badyet para sa kurapsyon at panunupil ni Marcos Jr, tutulan!
August 09, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Dapat kundenahin at pigilan ang mga panukalang pondo ni Ferdinand Marcos Jr para sa Office of the President (OP), confidential and intelligence funds at mga proyektong imprastraktura sa pambansang badyet sa 2024. Malinaw itong mga iskema upang makapagbulsa ng mas malaking halaga ang naghaharing pangkating Marcos-Duterte at matuloy ang kanilang mga imbing balakin laluna ang […]

Ikinukubli ng SONA ni Marcos Jr. ang tunay na kalagayan ng bayan
July 31, 2023 | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nahihibang si Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang pangkatin sa inilahad na ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24. Ipinagyabang nito bilang “tagumpay” ang nagdudumilat na kainutilan nitong tugunan ang masidhing kagutuman at kahirapan ng bayan. Sa pagsunod sa bulok na tradisyon ng mga papet na pangulo lalo ng kanyang amang diktador, […]