Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Rice Tarrification Law, RICE Act at iba pang neoliberal na patakaran sa agrikultura, ibasura!
February 14, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagpapatuloy na pasakit ang hatid ng Rice Tariffication Law (RTL) sa mga magsasaka at karaniwang konsyumer mula nang ipatupad ito noong 2019. Sa ilalim ni Marcos Jr., ipinataw nito ang dagdag na mga pasakit sa tuluyang liberalisasyon at deregulasyon sa industriya ng bigas sa bansa noong Disyembre 2024. Ngayon naman, dahil sa kapalpakan ng batas […]

Likhain ang daluyong ng pakikibakang masa para sa pambansang demokrasya
January 26, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagpupugay ang NDFP-ST sa ika-56 anibersaryo ng First Quarter Storm (FQS) ng 1970 kung saan humugos sa mga lansangan ang kilusang masa sa pangunguna ng mga kabataang estudyante kasama ang uring anakpawis at iba pang aping sektor upang ipanawagan ang radikal na pagbabago sa mapagsamantala at mapang-aping sistema ng lipunang Pilipino. Sa diwa ng paggunitang […]

Demokratikong rebolusyong bayan ang sagot sa nagpapatuloy na pasismo at kawalan ng lupa
January 23, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa sambayanang Pilipino sa ika-39 taong paggunita sa Mendiola Massacre na kumitil sa buhay ng 13 magsasaka at halos sandaang sugatan noong Enero 22, 1987. Sa alaala ng mga biktima, muling pinagpupugayan ng NDFP-ST ang kagitingan ng masang magsasaka na daan-taon nang nakikibaka at hanggang ngayon ay matapang na lumalaban para sa […]

Palayain si Chantal Anicoche! Iligal na detensyon, tutulan at labanan!
January 14, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tahasang paglabag sa internasyunal na makataong batas at karapatan ni Chantal Anicoche ang patuloy na pagdetine sa kanya ng 2nd Infantry Division sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. Sapilitan siyang pinapirma sa voluntary detention ng AFP na isang iskema upang patuloy siyang mapiit. Kailanman, hindi boluntaryo ang pagpapahawak sa AFP ng sinumang biktima. Hangga’t nakapiit, si […]

Kundenahin ang pag-atake ng US sa Venezuela! Mamamayan ng daigdig, tumindig, lumaban at ibagsak ang imperyalismo!
January 05, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog sa mamamayan ng Venezuela sa kanilang marubdob na pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang bayan mula sa pang-aatake ng imperyalismong US. Makatarungan ang kanilang laban para igiit at depensahan ang pambansang soberanya laban sa pananakop ng dayong kapangyarihang imperyalismong US. Lalong pinatunayan ng imperyalismong US kung gaano […]

Papanagutin ang 203rd Infantry Brigade at 2nd ID bilang mga kapural ng mga paglabag sa karapatang tao sa Abra de Ilog!
January 05, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tatlong bata ang napatay at isang ina ang sugatan sa komunidad ng Mangyan Iraya ang napaulat na resulta ng tatlong oras na pambobomba at istraping mula 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali gamit ang 4 na helicopter ng 203rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Division sa Sityo Mamara, Barangay Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro […]

Walang pakundangang pambobomba at istraping ng 203rd Infantry Brigade, labag sa IHL at tuntunin sa digma
January 02, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang malawakang pambobomba at istraping ng 203rd IBde mula sa himpapawid sa kabundukan ng Barangay Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong Enero 1 bandang 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Walang kunsiderasyon sa pagdiriwang ng mga sibilyan sa bagong taon, isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng 76th IBPA, 1st […]

Yanigin ang rehimeng US-Marcos II sa daluyong ng mga pakikibakang bayan
January 01, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Maligayang pagbati at manigong Bagong Taon sa ating mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan dito sa Timog Katagalugan at buong bansa! Tinapos ng rehimeng US-Marcos II ang taong 2025 na lalong naghihikahos ang bayan sa kahirapan. Palabasin man ng gubyernong Marcos na napanatili nito ang “mababang” implasyon, hindi nito maikakaila ang katotohanang napakataas ng presyo ng […]

Ipagdiwang ang Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao! Ipaglaban ang Makatarungan, Malaya at Demokratikong Lipunan!
December 10, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ngayon, habang ipinagdiriwang ang 77-taon ng Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao (UDHR), pinagpupugayan natin ang pamana ng di mabilang na biktima ng paglabag sa kanilang karapatang-tao ng mga pwersa ng estado ng kasalukuyan at mga nagdaang rehimen sa ating bansa. Nagpupugay tayo sa nabuwal na mga bayani ng mamamayang Pilipino—mga lumalaban sa kalayaan, aktibista, […]

Demokratikong gubyernong bayan, tunay na gubyernong hangad ng maralitang Pilipino
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng NDFP-ST ang masang anakpawis na magiting na kumikilos at nag-oorganisa ng kanilang hanay upang ipaglaban ang kanilang mga demokratikong karapatan sa mga sentrong bayan at mga mayor na tipunan ngayong Nobyembre 30, araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Kaisa nila, sinisingil ng sambayanang Pilipino ang korap, pasista at papet na rehimeng US-Marcos […]