Kailangang maghanda ang lahat ng nakikibakang mamamayan sa nagbabadyang pinabangis na pang-aatake ng estado sa demokratikong karapatan at mga batayang kalayaan sa tabing ng kontra-insurhensyang gera. Malinaw ang bantang ito sa pinakahuling pahayag ng ultra-Kanang pasista at National Security Adviser na si Eduardo Año kung saan muling malisyosong binansagan na prente ng CPP-NPA-NDFP ang mga […]
Tahasang pangyuyurak sa pambansang soberanya ng bayan ang nakatakdang pagbubuo ng rehimeng US-Marcos II ng bagong AFP Strategic Command sa taong ito. Pinalalabas itong gagamitin sa pagdepensa ng Pilipinas ngunit ito ay pangangayupapa sa imperyalismong US. Dagdag kadena itong gagamitin ng US para kaladkarin ang Pilipinas sa gerang niluluto laban sa China. Ang AFP Strategic […]
Walang pagsidlan ng kagalakang ipinagbubunyi natin ang ika-52 taong pagkakatatag ng NDFP bilang pinakakonsolidadong bag-as ng pambansang nagkakaisang prente. Sapul nang pagkakatatag nito, masugid at konsistente nitong pinukaw at pinakilos ang lumalawak na hanay ng sambayanang Pilipino na lumalaban sa paghahari ng imperyalismong US, pyudalismo, at burukratang kapitalismo sa Pilipinas. Mula nang pinasimulan ang mga […]
Taas-kamaong nagpupugay ang NDFP-ST kasama ang rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan sa Bagong Hukbong Bayan na nagdiwang ng ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag nito noong Marso 29. Nais naming ipabatid sa BHB ang di nagmamaliw na suporta ng mamamayang api’t pinagsasamantalahan sa armadong pakikibaka sa kanilang tunay na Hukbo. Hangad ng mamamayan na higit pang tumatag, […]
Binabati at nagpupugay ang National Democratic Front-Southern Tagalog sa mga manggagawa ng Nexperia Philippines at kanilang mga tagasuporta sa matagumpay nilang welga noong Marso 5-8. Naparalisa ng kanilang solidong pagkilos ang produksyon ng kumpanya na nagdulot ng ₱1.96B kawalang kita sa kapitalista. Matapos ang halos 4 na araw na welga, nakamit ng mga manggagawa sa […]
Apat na taon na ang lumipas, nananatiling wala pa ring hustisya sa karumaldumal na Bloody Sunday Massacre na kumitil sa buhay ng siyam na aktibista at iligal na nagpiit sa anim na iba pa noong Marso 7, 2021. Hindi malilimutan ng bayan ang karumal-dumal na krimeng ito lalo’t malayang namamayagpag hanggang ngayon ang mga utak […]
Muli na namang ipinakita ng pasistang AFP ang pagiging terorista sa walang habas na pambobomba ng 203rd Infantry Brigade sa Mansalay, Oriental Mindoro, bandang 2:30 ng hapon noong Marso 1 kahit na walang kalabang mandirigma o yunit ng NPA sa lugar. Ang aktong ito ng AFP na tiyak na may basbas ng pangulo ng GRP […]
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Timog Katagalugan at buong bansa na lumahok sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA nitong Pebrero. Libu-libo ang tumungo sa lansangan, karamiha’y mga kabataan, upang sariwain ang diwa ng People Power. Ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Sara Duterte, pagpapanagot sa ama niyang si Rodrigo Duterte sa madudugong krimen at […]
Binabati ng NDFP-ST ang tuluy-tuloy na protestang bayan sa rehiyon at buong bansa upang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Sara Duterte sa pagka-bise presidente. Libu-libong delegasyon ang nagtipon upang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Sara, pagpapanagot kay Rodrigo Duterte at pagsingil kay Marcos sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nagresulta ito sa pagkakamit ng 215 boto sa […]
Anti-mahirap, mapanupil at pabor sa mga burukrata kapitalistang kampon ni Ferdinand Marcos Jr ang ₱6.326 trilyong pambansang badyet 2025 noong Disyembre. Tiyak na muling pagsasasaan ito ng pangkat nina Marcos habang gamumo lamang ang para sa taumbayan. Hindi kataka-takang sinalubong ng kritisismo at protesta ang pininal ni Marcos Jr na pambansang badyet. Ginamit ni Marcos […]