Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

MASA 2024: Bahagi ng gerang agresyon ng US, panganib sa bayan
June 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Tulad ng Balikatan 39-24, panganib at perwisyo ang hatid ng isinagawang Marine Aviation Support Activity (MASA) 2024 mula Hunyo 3-21. Nagsisilbi ito para sa nilulutong gera ng imperyalismong US laban sa China at kung gayon, nagsasapanganib sa buhay ng mamamayang Pilipino. Ang MASA 2024 ang isa sa mga pinakamalaking ehersisyong militar sa pagitan ng mga […]

Mamamayang Mindoreño, dalhin sa tagumpay ang Rebolusyong 1896 sa bago nitong tipo! Mag-armas para sa kalayaan laban sa imperyalismong US!
June 12, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Ngayong araw, Hunyo 12, ginugunita ng mga naghaharing uri at ng mala-kolonyal na estado ang ika-126 taon mula nang ideklara ng palasukong uring burgesya, sa pamumuno ng taksil na si Emilio Aguinaldo, ang pagkakatatag ng “nagsasariling” Republika ng Pilipinas. Higit isang siglo ang lumipas, nanatiling papet at mala-kolonya ng US ang Pilipinas. Ang tumitinding kontrol […]

Pulang saludo kay Ka Hunter at Ka Mamay, mga bayani at martir ng rebolusyon!
May 30, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Ngayong araw, muli nating pinagpupugayan ang mga mahal nating kasama na sina Arc John “Ka Hunter” Baron at Nancy “Ka Mamay” Looy Yaw-an na namartir sa depensibang labanan noong Mayo 30, 2023 sa Brgy. Malisbong, Sablayan, Occidental Mindoro. Isang taon mula nang sila’y paslangin ng mga berdugong sundalo ng 68th IBPA, nananatiling buhay ang kanilang […]

Kampo ng 4th IB sa Oriental Mindoro, pinatamaan ng BHB
May 28, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pulang saludo ang ipinaaabot ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) sa mga Pulang kumander at mandirigma nito na naglunsad ng matagumpay na taktikal na opensiba sa kampo ng 4th Infantry Batallion (IB) sa Sityo Sigao, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Mayo 20, 2024. Matagumpay na pinatamaan ng putok ng isang yunit ng LDGC-NPA-Mindoro […]

Pagpupugay sa pag-aambag ng NDFP sa armadong pakikibaka!
May 04, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Malugod na binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang National Democratic Front of the Philippines sa 51 taon nitong patuloy at ubos-kayang pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Saludo ang MGC sa NDFP dahil sa susing papel na ginagampanan nito upang pagkaisahin ang malawak na rebolusyonayong hanay para sa rebolusyong Pilipino. Patuloy na tinanganan ng […]

Dakilain ang buhay na inialay ni Junalice “Ka Beata” Arante-Isita, kababaihang kadre at pinuno sa Batangas
April 25, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) |

Iginagawad ng Komiteng Probinsya ng Partido Komunista ng Pilipinas, Eduardo Dagli Command BHB-Batangas at sampu ng mga rebolusyonaryong mamamayan ang pinakamataas na pagpupugay at pulang saludo sa kadakilaan ni Junalice Arante Isita (Ka Enya, Ka Arya, Ka Ali, Ka Irene, Ka Fabian at Ka Beata). Napaslang siya kasama nina Bernardo Bagaas (Ka Mamay, Ka Mike at […]

Kriminal na 203rd Brigade muling pumaslang ng sibilyan sa Bulalacao, Oriental Mindoro!
April 18, 2024 | New People's Army | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pinagbabaril ng mga pasistang sundalo ang sibilyan na si Jay-el Banay Maligday, isang kabataang estudyante sa Grace Mission College at residente ng Sityo Soryawon, Brgy. San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro. Naganap ang ekstra-hudisyal na pamamaslang noong April 7, bandang alas-singko ng umaga nang nilusob ang biktima sa kanyang pamamahay ng isang platun ng mga sundalo […]

Mensahe ni Armando Cienfuego sa ika-55 anibersaryo ng NPA
March 29, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

  Mga kasama, Pulang saludo sa lahat ng mga Pulang mandirigma at kumander ng NPA sa buong bansa at sa buong rehiyon! Mainit ding rebolusyonaryong pagbati sa mga rebolusyonaryong pwersa at masang kapiling natin ngayon! Magbunyi tayo, dahil ang araw na ito, ang ika-55-taon ng pagkakatatag ng NPA, ay pagpapatuloy ng ilang siglong magiting na […]

Digmang bayan ang sagot sa kahirapan at pasismo! Sumapi sa NPA!
March 29, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Kaisa ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang buong sambayanan sa selebrasyon ng ika-55 anibersaryo ng New People’s Army. Sama-sama nating ipinagdiriwang ngayon ang pagkakatatag ng NPA. Ang araw ng Marso 29, 1969 ay naging simula ng armadong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa pamumuno ng muling tatag na Communist Party of the Philippines (CPP) at nagpatuloy […]

85th IBPA, inambus ng NPA sa Quezon
March 26, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Ilang araw bago ang itinakdang deadline ng hepe ng Armed Forces of the Philippines na uubusin nila ang lahat ng larangang gerilya ng New People’s Army sa bansa, tinambangan kahapon ng pulang hukbo ang nag-ooperasyong sundalo sa barangay Doña Aurora, bayan ng Calauag. Alas-sais ng hapon nang paputukan ng mga gerilya ng Apolonio Mendoza Command […]