Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

AFP, hindi iginalang ang labi ng NPA!
October 15, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Sinabotahe at hindi iginalang ng mga militar ang libing at bangkay ni Fernando “Ka Eleven” Anda Jr kahapon sa bayan ng Macalelon. Bago ang libing, napaulat na nang makuha ng mga militar ang bangkay ni Anda ay inihagis na parang hayop ang labi nito sa harap ng bahay ng kapitan ng Barangay Recto, General Luna. […]

Bayan ng Lopez, sentro ng pandarahas ng militar sa buwan ng Setyembre
October 14, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Sa buwan ng Setyembre, walang patumanggang dinahas ng mga elemento ng 201st Brigade, 85th IB at 59th IB ang mga magsasaka sa Brgy. San Francisco B, Lopez, Quezon. Ayon sa nakuhang ulat, mula nang aktibong hinarap, itinakwil at pinalayas ng taumbaryo ang mga kampo-militar sa kanilang barangay dulot ng pagkabahala at maaring likhaing pinsala sa […]

Pulang saludo kay Kasamang Eleven! Tahakin ang rebolusyonaryong landas na kanyang naiwan!
October 12, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) |

Nabawasan ng matapang at magiting na pulang kumander ang NPA sa larangan ng South Quezon-Bondoc Peninsula. Nanawagan kami sa lahat ng kauring magsasaka ni Ka Eleven at iba pang inaaping mamamayan na tahakin ang armadong landas at punuan ang nabakanteng rebolusyunaryong tungkulin niya.

Ilantad ang mga malisyosong balitang ipinapakalat ng 1st IBPA sa Hilagang Quezon!
October 09, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Lumang tugtugin na ang ikinokorong kasinungalingan ng 1st Infantry Battalion (1st IBPA) at ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) ng bayan ng General Nakar na pinangungunahan ng alkalde nito na si Eliseo Ruzol Sr. Magkasabay na ipinagmamalaki ng pasistang 1st IBPA at kurakot na MTF-ELCAC ng nasabing bayan ang diumano’y […]

Dalawang sundalo, nasawi sa Malaya
September 30, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Matagumpay na nakapagdepensa ang isang yunit ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army (AMC-NPA) nang atakehin sila ng mga militar sa Sitio Hagakhak, Barangay Malaya noong September 27, pasado alas-11 ng tanghali. Ayon sa nakuhang ulat, nasorpresa ang mga pulang mandirigma sa mga sundalo nang makita nila ang mga itong nakabihis sibilyan at nakalagay sa sako […]

NPA Rizal, matagumpay na inambus ang 80th IBPA!
September 30, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Inambus ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-RIZAL) ang nag-ooperasyong tropa ng pinagsanib na 80thIBPA, sa sityo Ilas, Brgy. Puray, Montalban, ganap na 6:40 ng umaga noong ika-30 ng Septyembre 2021, sa Sityo Ilas , Brgy. Puray, Montalban. Dalawang pasista ang kumpirmadong killed in action (KIA) kabilang na si Private First Class Warren Fold Montebon. Ang […]

Aksyong pamamarusa sa pasilidad ng mga Robes, tagumpay ng mga Rizaleño!
September 27, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Tagumpay na isinagawa ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang reyd sa mga baraks ng armadong goons ng panginoong maylupa at mangangamkam ng lupa na si Arturo Robes sa Brgy. San Isidro, Rodriguez noong Setyembre 27, ganap na alas-5 ng hapon. Giniba ng isang yunit ng NAAC ang naturang baraks at ang gate na humaharang […]

Isa pang dahilan kung bakit dapat tutulan ang serbisyo caravan ng 201st Brigade
September 26, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nagkakalat ng Covid virus ang Serbisyo Caravan ng 201st Brigade ng Philippine Army sa pangunguna mismo ni Bgen Norwyn Tolentino dahil sa paglabag nito sa health protocol na itinakda ng administrasyong Duterte kaugnay sa maramihang pagtitipon at paglabas-masok ng mga tao sa iba’t-ibang lugar sa panahon ng pandemya. Halos isang buwan na, Agosto 28 nang […]

Sa ika-49 taong paggunita sa Martial Law, Paigtingin ang pakikibaka laban sa terorismo ng estado at diktadurang paghahari ni Duterte
September 21, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Limang taong nilukob ni Duterte ang buong bayan sa pasistang lagim ng de facto Martial Law. Hinigitan pa ng kanyang rehimen ang bilang ng mga pinatay at iba pang paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng batas militar ng iniidolo niyang diktador na si Marcos. Sa harap ng pinapakawalang terorismo ng estado, inspirasyon ng mamamayang […]

Never Again to Martial Law!
September 21, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Apatnapung siyam (49) na taon na ang nakakalipas nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar sa bansa. Hindi malilimutan ng sambayanan ang mapait at madugong kasaysayan ng panunupil ng mga Marcos sa mamamayang Pilipino na hanggang sa ngayon ay maaalala pa natin sa mga kwento at testimonya ng mga pamilya at biktima ng karahasang militar. […]