Pinawawalang-bisa ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon ang deklarasyon ni Governor Helen Tan na “insurgency-free” na ang buong lalawigan ng Quezon. Nakatungtong ito sa sunod-sunod na hungkag na deklarasyon ng AFP-PNP ng “stable internal peace and security” sa mga bayan ng Quezon sa nakaraang 7 buwan, kabilang ang Polillo Group of Islands, General Nakar, Infanta at […]
Sa pagpapatuloy ng ehersisyong militar ng Armed Forces of the Phlippines at Australian Defense Force sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal, tinutupad ng rehimeng US-Marcos II ang mandato nito bilang papet ng imperyalismong US sa bansang Pilipinas. Ang walang-gulugod na pagsunod sa mga utos ng imperyalistang amo nito ay nagpapatunay lamang lalo sa pagiging huwad ng […]
Panahon nang tigilan ang pagsusustento ng reaksyunaryong estado sa pensyon ng mga nagretirong tauhan ng AFP-PNP gamit ang pera ng bayan. Hindi makatarungan na ang pondong tinipon mula sa pawis at dugo ng mamamayan ay gagamitin na mistulang pabuya para sa mga pasistang nag-“serbisyo” sa imperyalismo at lokal na naghaharing uri. Lalo itong hindi katanggap-tanggap […]
Nananawagan ang Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog sa mga tunay na makabayan at patriyotikong Pilipino na buong tapang na manindigan at ipaglaban ang kasarinlan at soberanya ng Pilipinas. Hindi dapat pahintulutan ang mga aktibidad militar ng imperyalismong US at mga kaalyado nito saanmang bahagi ng bansa. Tahasang paglabag ito sa pambansang soberanya at integridad […]
NPA-Rizal renders useless the 2nd IDPA’s declaration of Tanay town being NPA-free. Maj, Gen, Roberto Capulong’s words are empty. He only wishes to make it as if their counter-insurgency in Rizal is ushered forward despite clear victories of the NPA against the AFP in the province these past months. The announcement follows the recent heavy […]
Pinawawalang-saysay ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal ang mga deklarasyon ng 2nd IDPA na NPA-free ang bayan ng Tanay. Ampaw ang mga salita ni Maj. Gen. Roberto Capulong. Nais lamang niyang pagmukhaing may iniaabante ang maruming kontra-rebolusyonaryong gera sa Rizal sa kabila ng malilinaw na mga tagumpay ng NPA laban sa AFP sa prubinsya sa nakaraang […]
Mariing tinututulan ng BVC-NPA Palawan, kaisa ng mamamayang Palaweño, ang pagkukunsidera sa lalawigan bilang ideyal umanong lokasyon para pagtayuan ng pasilidad ng small modular reactor (SMR) bilang solusyon sa kakulangan ng kuryente at enerhiya sa bansa. Ang SMR, isang anyo ng plantang nukleyar, na inilalako ay hindi estableng enerhiyang nukleyar, hindi pa napatutunayan ang epektibidad, […]
Nananawagan kami sa mamamayan ng Quezon na suportahan ang pag-apela sa pagpapatuloy ng naunsyaming peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Di hamak itong mas makabuluhan kaysa sa deklarasyon na naman ng PNP-Quezon na may mga munisipilidad sa lalawigan na “insurgency free”–wala itong saysay sa […]
Lehitimo at nakabatay sa reklamo ng mamamayan laban kay Onaw ang isinagawang aksyong militar ng NPA-Mindoro. Walang nilabag na batas ng digma o kasunduan sa pagtatanggol sa karapatang tao ang NPA-Mindoro sa ginawang ambus kay Pvt. Mayuay Onaw noong Abril 25, salungat sa pahayag ng 203rd Brigade sa katauhan ng bagong upong commanding officer nito […]
Pinatutunayan ng pinakahuling pagbisita ni Ferdinand Marcos Jr. sa US at kanyang mga deklarasyon mula rito na isa siyang malaking sagadsaring tuta ng imperyalismong US. Lantarang paghihimod sa pwet ng kanyang amo ang kanyang sinabing “mahalaga ang mga base militar ng US sa Pilipinas sakaling atakehin ng China ang Taiwan.” Sa loob ng apat na […]