Archive of International

Pamilya, tinamaan sa pambobomba ng US sa Syria
December 14, 2021

Isang pamilya ang tinamaan sa walang patumanggang drone strike (pambobomba gamit ang drone) ng US sa prubinsya ng Idlib sa Syria noong Biyernes. Anim ang nasugatan — ang padre de pamilyang si Ahmad Qassum, kanyang asawa at apat nilang anak na edad 10 hanggang 16. Ani Qassum, nagmistulang “palanguyan ng dugo” ang kanilang sasakyan matapos […]

Mga manggagawang Amerikano sa Starbucks at Amazon, naggigiit sa kanilang karapatang mag-unyon
December 13, 2021

Naitayo sa kauna-unahang pagkakataon ang isang unyon ng kumpanyang Starbucks sa US noong Disyembre 10. Ito ay matapos nagdesisyon ang mga barista (tawag sa mga manggagawang naghahanda at naghahain ng kape) sa isang sanga nito sa Buffalo, New York, na bubuuin nila ang kanilang unyon sa botong 19-8. Isinagawa ang sertipikasyon sa eleksyon noong Disyembre […]

Mga anti-imperyalistang gubyerno, nagbabalik sa Latin America at Carribean
December 08, 2021

Idineklara noong Disyembre 1 ang pagkapanalo ni Xiomara Castro bilang bagong presidente ng bansang Honduras. Nanalo si Castro sa plataporma ng pagbubuwis sa pinakamayayaman, pagpapalawak ng serbisyong sosyal at pagtakwil sa “bigong balangkas ng neolberalismo.” Tinalo niya ang pangkating papet na kumakatawan sa gubyernong iniluklok ng US noong 2009. Bago ang panalo ni Castro, nadepensahan […]

Bakuna, ipinagdadamot ng monopolyong kumpanyang parmasyutika sa mamamayan ng mahihirap na bansa
December 07, 2021

Mas mahal ang pagbenta ng bakuna ng malalaking kumpanyang parmasyutika sa mahihirap na bansa kumpara sa pagbenta ng mga ito sa mas nakaaalwang mga bansa. Ang AztraZeneca, halimbawa, ay ibinenta ng $7 (P350 sa palitang $1=P50) sa Uganda at $5.25 (P262.50) sa South Africa. Pero ibinenta lamang ito ng kumpanya sa mga bansa sa European […]

Summit of Democracies: Demokrasya ayon sa dikta ng imperyalismong US
December 04, 2021

Sa darating na Disyembre 9 at 10, titipunin ng US ang 110 bansang itinuturing nitong mga “demokrasya” sa isang pagpupulong na tinaguriang “Summit of Democracies” (Pagpupulong ng mga Demokrasya). Layunin umano ng pagpupulong na ito ang labanan ang awtoritaryanismo at itaguyod ang mga “karapatan at kalayaan” sa buong mundo. Gayunpaman, imbitado rito ang mga bansang […]

“Kampanyang tsinelas,” inilunsad sa US
November 29, 2021

Tatlong libong tsinelas ang inihanay ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at aktibista sa US sa harap ng White House sa Washington D. C. noong Nobyembre 20. Anila, ang mga ito ay simbolo ng mga pinatay ni Rodrigo Duterte sa kanyang huwad na gera kontra-droga. Ginawa ang pagkilos matapos pinaunlakan ng International Criminal Court ang hiling […]

Isakdal ang kriminal, ikulong si Rittenhouse
November 25, 2021

Nagrali ang 1,500 indibidwal sa Chicago, US noong Sabado para batikusin ang pagpapawalang-sala ng korte kay Kyle Rittenhouse. Si Rittenhouse, 18, ay responsable sa pamamaril, gamit ang isang ripleng AR-15, sa mga raliyista ng kilusang Black Lives Matter sa Kenosha, Wisconsin noong Agosto 25, 2020. Dalawa ang kanyang pinatay at isa ang nasugatan. Ibinasura ng […]

Pagsumite ng dokumento ng rehimeng Duterte, inobliga ng ICC
November 24, 2021

Inobliga ng International Criminal Court ang gubyerno ng Pilipinas na magsumite ng mga dokumento para patunayan ang hiling nito na ipagpaliban ang pormal na imbestigasyon ng korte sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Duterte. Ito ay matapos maghapag ng pagtutol ang mga grupong nagtatanggol sa mga karapatang-tao at abugado sa temporaryong suspensyon ng […]

Philippine revolution stands with people of India against brutal Operation Prahaar
November 23, 2021 | Communist Party of the Philippines |

The Communist Party of the Philippines (CPP) and the New People’s Army (NPA) extend their solidarity with the International Action Day against the Prahaar military campaign of the Narendra Modi fascist regime. The Filipino people are one with the broad masses of oppressed and exploited people in India and their revolutionary forces led by the […]

Grupong internasyunal, dismayado sa suspensyon ng imbestigasyon ng ICC kay Duterte
November 21, 2021

“Labis na nadismaya.” Ito ang reaksyon ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) sa desisyon ng International Criminal Court (ICC) na pansamantalang isuspinde ang imbestigasyon nito sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Duterte. Ang pansamantalang pag-atras ay bunga ng inihapag na kahilingan ng gubyerno ng Pilipinas noong Nobyembre 10 sa […]