Archive of Articles

Panawagang itigil ang imperyalistang digma ng US sa Iran, lumalawak
April 21, 2026

Lumalawak ang panawagan para sa pagpapatigil sa imperyalistang digma ng US, katuwang ang Israel, laban sa Iran at iba pang bahagi ng mundo. Noong Abril 9, daan-daang myembro ng mga pambansa-demokratikong organisasyon ang nagmartsa patungo sa embahada ng US para kundenahin ang US sa pang-aatake at tuluy-tuloy na pambabanta nito sa mamamayan ng Iran. Sa […]

Paggamit ng militar ng US sa mga sibilyang pasilidad sa Pilipinas, napakamapanganib
April 21, 2026

Garapalan ang imperyalismong US sa paggamit at pagsasapanganib nito sa mga sibilyang pasilidad at lugar sa mga operasyon nito sa Pilipinas. Katuwang ang tutang Armed Forces of the Philippines (AFP), naghambog pa ang mga upisyal nito sa ginawang “kauna-unahan” na paglalagak ng gamit-militar sa Mindanao at paglilipat ng mga ito tungong Luzon gamit ang mga […]

Protestang bayan kontra krisis sa langis at gerang agresyon ng US
April 21, 2026

Iba’t ibang porma ng pagkilos ang isinagawa ng mga drayber at opereytor ng pampublikong transportasyon, mga manggagawa, maralitang-lunsod, kabataang estudyante at iba pang sektor noong Abril 15-17 laban sa napakataas na presyo ng langis at gerang agresyon ng US at Israel sa Iran at iba pang parte ng Middle East. Sa balangkas ng tinawag nitong […]

Welga ng mga manggagawa ng Kowloon, nagbunga
April 21, 2026

Matapos ang anim na araw na welga, natulak ng mga manggagawan ng Kowloon House West Avenue sa Quezon City ang kumpanya na ipatupad ang dagdag sahod at ibigay ang benepisyo na matagal nang dapat ibinigay. Sa negosasyon noong Abril 20, napagkasunduan ang umentong ₱20/araw sa sahod at pagbibigay ng maneydsment ng utang nitong service charge […]

Mga menor-de-edad, sapilitang "pinasusuko" ng 19th IB
April 21, 2026

Dalawang menor-de-edad SA Northern Samar ang paulit-ulit na pinuntahan ng mga sundalo ng 19th IB sa kanilang bahay sa Barangay Paco, Las Navas para sapilitang “pasukuin” noong Abril 8. Ang mga kabataan ay magkapatid na 17 at 15 taong gulang. Sila ay mga anak ng magsasakang si Edwar Yanay na matagal nang target ng militar […]

Sa madaling salita
April 21, 2026
Demolisyong kontra-maralita sa gitna ng krisis at paghihirap
April 21, 2026

Walang pakundangan ang rehimeng US-Marcos at mga pribadong korporasyon at negosyo sa pagpapalayas sa mga maralita mula sa kanilang mga komunidad nitong Abril. Ninanakaw ang kanilang karapatan sa bahay, kabuhayan at buhay sa gitna ng umiigting na krisis sa ekonomya dulot ng imperyalistang gera ng US at Israel sa Iran at kainutilan ng rehimeng US-Marcos. […]

Militarisasyon sa BARMM, panunupil ng mga mandarambong
April 21, 2026

Sinasabotahe ng rehimeng Marcos ang prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro upang bigyang matwid ang patuloy na pagpakat ng malaking pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para pangalagaan ang interes ng mga mangangamkam ng lupa at mandarambong ng yaman ng mamamayang Moro. Mula nang pirmahan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), tuluy-tuloy ang pagpapalit-gamit […]

Mga pekeng engkwentro, inilantad
April 21, 2026

Pinasinungalingan ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga engkwentro sa pagitan nito at ng hukbong bayan sa nagdaang mga linggo. Sa mga gawa-gawang enkwentro, naglustay ng pondo ang mga sundalo sa harap ng matinding krisis sa ekonomyang dinaranas ngayon ng masang Pilipino. Sa […]

Mga protesta
April 21, 2026

  Mga magbubukid, nagkampuhan kontra VAT. Naglunsad ng kampuhan noong Abril 8-13 ang daan-daang magsasaka, mangingisda, manggagawang-bukid sa tubuhan at iba pang sektor mula sa District 1 ng Batangas sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Nagprotesta sila House of Representatives sa Quezon City sa huling araw ng kampuhan. Panawagan nila ang pagtanggal ng value-added tax (VAT) […]