Patuloy na lumalawak at lumalalim ang suportang masa sa makatarungang digmang bayan. Ito ang inihayag ni Elias Almazan, ang pampulitikang upisyal ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Cagayan Valley (Fortunato Camus Command). Sa panayam ng Baringkuas (rebolusyonaryong pahayagan sa rehiyon), idiniin niya na hindi nahadlangan ng maiigting at masinsing mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines […]
Nagbigay-pugay ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ang Panrehiyong Komite nito sa Cagayan Valley kay Kasamang Rosalino Canubas (Ka Yuni), panrehiyong kumander ng BHB sa Cagayan Valley, na napaslang sa isang labanan sa Barangay San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela noong Marso 15. Ang parangal ng Komite Sentral ay isinaad sa mensahe […]
Bukambibig ng reaksyunaryong gubyerno na pabibilisin ng mga farm-to-market road (FMR) o mga kalsadang mula sa mga sakahan tungong pamilihan ang transportasyon ng ani ng maliliit na magsasaka at sa gayon ay itataas ang presyo ng kanilang mga produkto. Pero walang kinalaman ang mga kalsada sa pagpepresyo ng ani na madalas ay arbitraryong itinatakda ng […]
Bago pa ang pandemyang Covid-19, nalulugi na ang mga magsasaka ng abaka sa Catanduanes. Ang 50 kilo ng abaka ay naibebenta lamang sa halagang ₱3,000, na relatibong mas mababa kumpara sa kabuuang gastos sa produksyon at upa sa panginoong maylupa na umaabot sa ₱5,000. Sa pangkalahatan, tinatayang hindi bababa sa 200,000 ang mga pamilyang magsasaka […]
Binaril at napatay sa tarangkahan ng engklabo sa Barangay Canlubang, Calamba si Dandy Miguel noong Marso 28. Si Miguel, manggagawa ng Fuji Electric Philippines, ay presidente ng unyon dito na Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa sa Fuji Electric Philippines. Siya rin ang bise presidente ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan. Pinamunuan ni Miguel ang laban […]
Apat na lider-masa at aktibista sa Central Luzon (CL), at isa pa sa Cagayan Valley na biktima ng red-tagging ang inaresto at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso noong semana santa. Tatlo ang inaresto sa CL noong Marso 30. Inaresto si Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon, sa Mexico, Pampanga. Aktibo […]
Tumitingkad ang pangangailangan para sa armadong paglaban sa Myanmar (dating Burma) sa harap ng halos araw-araw na pamamaslang ng huntang militar sa mga sibilyang nagpuprotesta. Sa loob ng bansa, lumalaganap ang pananaw na hindi na sapat ang mga rali, barikada at sibil na pagsuway. Ito ay dahil habang nagtatagal, lalong nagiging brutal ang Tatmadaw (tawag […]
Ipinataw ng rehimeng Duterte mula Marso 29 hanggang Abril 11 ang pinahigpit na lockdown (enhanced community quarantine) sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal. Ito ay matapos pumalo nang 10,000 ang kaso ng dami ng nahawa ng Covid-19. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) noong Abril 1, 72% ng kabuuang kaso ng […]
Hindi bababa sa 13 armadong aksyon ang inilunsad ng People’s Liberation Army ng Communist Party of India (CPI)-Maoist mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Anim dito ay mga operasyong demolisyon laban sa mga nag-ooperasyong paramilitar at mga makinaryang ginagamit sa konstruksyon. Pinakahuli ang pagpapasabog sa isang bus kung saan lima ang napatay na elemento ng […]