Sunud-sunod ang pagpapalayas sa mga magsasaka at demolisyon sa maralitang-lunsod ng mga mang-aagaw ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa Zambales, hindi bababa sa 22 magsasaka at kanilang pamilya ang napalayas dahil sa demolisyon at pang-aagaw ng lupa sa Purok 3, Barangay Balaybay, Castillejos noong Pebrero 23. Ayon sa mga magsasaka, mayroon silang […]
Sumugod at nagprotesta ang alyansang Gabriela sa pambansang upisina ng Department of Finance sa Pasay City noong Marso 4. Ipinanawagan nila ang pagbasura sa 12% value added tax (VAT) at excise tax sa harap ng walang patid na pagtaas ng presyo ng langis. Bago nito, pinangunahan ng alyansa ang mga serye ng protesta kontra VAT […]
Hustisya at pananagutan ang panawagan ng mga progresibong grupo at residente ng Rodriguez, Rizal para sa mga namatay, nawawala at nasaktan sa pagguho ng tambakan ng basura sa Barangay San Isidro noong Pebrero 20. Gumuho ang tinatayang 420,000 metriko kubiko ng basura sa Phase 5 ng Rizal Provincial Sanitary Landfill na sumasaklaw sa anim na […]
Aktibong nagpapahayag ng pagtutol ang mga konseho ng mag-aaral mula sa mga pribadong unibersidad sa buong bansa laban sa mga panukalang pagtaas ng matrikula at ibang bayarin (tuition and other fees increase o TOFI) sa akademikong taon ng 2026-2027. Naglunsad sila ng mga sarbey, pananaliksik, petisyon, dayalogo, protesta at sama-samang pagkilos kasama ang mga estudyante […]
Muling nasariwa sa alaala ng mga Pilipino ang brutal na pamamaslang sa gera kontra droga sa pagdinig para sa kumpirmasyon ng mga sakdal laban kay Rodrigo Dutete sa International Criminal Court (ICC). Idinaos ang pagdinig sa The Hague, The Netherlands noong Pebrero 23-24 at Pebrero 26-27. Sa loob ng apat na araw, nagtagisan ang mga […]
Nitong nakaraan mga buwan, tumampok ang kabulukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sunud-sunod na pagkakabunyag ng mga anomalya at pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa malawakang korapsyon. Litaw sa mga kaganapang ito ang pagsisilbi ng AFP bilang mga tauhan ng korap na mga burukratang kapitalista, at galamay ng iba’t ibang naghaharing mga […]
Sa kabila ng mataas na sweldo at alawans, marami sa Philippine National Police ang imbwelto sa mga kriminal na aktibidad para sa suhol at pera. Gamit ang pasistang kapangyarihan, kinikikilan, ninanakawan at inaabuso ng mga pulis ang ordinaryong mamamayan. Ayon mismo sa rekord ng PNP, higit 2,500 pulis ang tinanggal sa pwesto noong 2025 dahil […]
Napatay ng mga sundalo ng 3rd IB sa walang patumanggang pamamaril ang magsasakang si Jaime Pabillar, 44 taong gulang, sa Barangay Cagtoto-og, San Jorge, Samar noong Pebrero 2. Si Pabillar ay nasa loob ng kanyang bahay kasama ang asawa, anak at apo nang paulanan ng bala ang mga sundalo. Pinabulaanan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western […]
Naglunsad ng mga atkibidad ang Jose Maria Sison Legacy Foundation (JMSLF) noong Pebrero bilang pagdiriwang sa sana’y ika-87 kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 8. Kasabay din nilang ginunita ang unang taon ng pagkakatatag ng foundation. Inilunsad ng grupo ang mga ito sa temang “Rejoice, Rectify, Remember: Commemorating the Life and Legacy of […]