Archive of Articles

Mga protesta
October 07, 2021

Mga tsuper laban sa pagtaas ng presyo ng langis. Nagprotesta ang mga tsuper at kabataan sa East Avenue, Quezon City noong Oktubre 5 para kundenahin ang anim na linggong sunud-sunod na taas-presyo ng langis. Sa taya ng Piston, umabot na sa ₱4 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina, ₱5.65 kada litro para sa […]

Sa madaling salita
October 07, 2021
Badyet ni Duterte sa 2022: Tuloy ang ligaya ng mga heneral
October 07, 2021

Nagbanta si Rodrigo Duterte noong Setyembre 24 na hindi siya mag-aatubiling gamitin ang militar oras na “maging magulo” ang eleksyon sa 2022. Sa napakarami nang pagkakataon, tiwala ang tirano na nananatiling hawak niya ang katapatan ng mga heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa kanyang patuloy na buhos ng pabor para sa […]

Badyet para sa 2022, niratsada
October 07, 2021

Kasunod ng utos ni Rodrigo Duterte, mabilisang inaprubahan ng kanyang mga alipures sa Kongreso noong Setyembre 30 sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa panukalang badyet para sa 2022 kahit pa namumutiktik ito sa anomalya. Ang ₱5.02 trilyong panukalang badyet ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa. Bahagi nito ang ₱8.2 bilyong badyet ng Office of the […]

Kailan aabot sa kanayunan ang mga bakuna?
October 07, 2021

Matagal pa bago makaabot sa kanayunan ang mga bakuna. Sa nakaraang pitong buwan, batbat ng kakulangan ng suplay, kabagalan at paboritismo ang kampanya ng pagbabakuna laban sa Covid-19 sa Pilipinas. Noong Hulyo, inireklamo ng maraming upisyal sa lokal na gubyerno ang madalas na pagpabor ni “vaccine czar” Gen. Carlito Galvez sa mga lugar na pinaghaharian […]

Mga sandata sa brutal na pambobomba at pangraratrat
October 07, 2021

Sa ilalim ng pasistang rehimeng Duterte, sinimulang gamitin ang brutal na taktika ng paggamit ng mga drone, helikopter at fighter jet sa pambobomba at pagraratrat mula sa himpapawid sa gerang kontra-insurhensya. Sa nagdaang mga taon, kaliwa’t kanan ang pagbili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga kagamitan para palakasin ang “superyoridad sa himpapawid” […]

Karapatan sa paninirahan, sasagasaan ng MCRP
October 07, 2021

Niraratsada ng rehimeng Duterte ang konstruksyon ng kontra-mamamayang Malolos-Clark Railway Project (MCRP) na magpapalayas sa tinatayang 1,416 pamilya sa Pampanga, Tarlac at Bulacan. Ang proyektong ito ay popondohan gamit ang $2.75-bilyong (₱137.5 bilyon) pautang mula sa Japan International Cooperation Agency at Asian Development Bank. Sa nakalipas na 12 buwan, minadali ni Sec. Arthur Tugade ng […]

Mga magsasaka, lugi sa bagsak-presyong palay
October 07, 2021

Patuloy ang pagkalugmok sa kahirapan ng masang magsasaka ng palay dahil sa pagsasamantalang pyudal, kawalang-suporta sa produksyon, bagsak presyong pagbebenta at todong pag-iimport ng murang bigas. Hirap na hirap ang mga magsasaka dahil sa pagsadsad ng presyo ng palay. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa ₱17.14 hanggang ₱20.87 kada kilo ang presyo ng pagbili […]

Mga bag-ong kandidato sa Makabayan alang sa Senado ug Kongreso
October 07, 2021

Pormal nga gipili sa koalisyong Makabayan sa nasudnong kumbensyon niini niadtong Setyembre 27 silang Atty. Neri Colmenares ug unyonistang si Elmer Labog isip kandidato sa pagkasenador sa eleksyong 2022. Ayha niini, nag-anunsyo niadtong Setyembre 26 ang mga progresibong partidong Bayan Muna, Anakpawis Partylist, Gabriela Women’s Party, Kabataan Partylist ug ACT Teachers Partylist sa kumpletong listahan […]

May sakit nga mga Pulang manggugubat, tulog dihang gimasaker
October 07, 2021

Gitaho sa mga yunit sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dayag nga paglapas sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa internasyunal nga makitawhanong balaod sa pagmasaker sa upat ka Pulang manggugubat sa Negros. Duha ka manggugubat usab sa Cordillera ang gidagit ug gitortyur aron “mosurender.” Wala nay katakus nga mosukol ug tulog ang upat […]