Ang pagpaslang kay Iranian General Qassem Soleimani noong Enero 3 ay huli lamang sa napakahabang listahan ng mga krimen ng US sa Iran. Ito ay isang desperadong pakana ng US para pwersahin ang Islamic Republic of Iran na sumunod sa mga dikta nito nang sa gayo’y lumawig ang hegemonya at pandarambong nito sa Middle […]
Malawakang binatikos ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng daigdig ang pagpaslang ng mga tropang US kay Iranian General Qassem Soleimani sa Baghdad, Iraq noong Enero 3 alinsunod sa mando ni Pres. Donald Trump. Tinarget ng mga misayl ang komboy ng mga sasakyang lulan si Soleimani at iba pang mga upisyal militar ng Iran […]
NAGTAMO ANG BANDIDONG grupo na Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) ng 11 kaswalti sa dalawang magkasunod na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay sa loob lamang ng tatlong araw ngayong buwan. Noong Enero 12, inambus ng Mount Napulak Command ang isang iskwad ng RPA-ABB sa Barangay Camia, San Joaquin, Iloilo. Isa ang patay […]
INAMBUS NG BAGONG Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar ang mga elemento ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay Libuton, Borongan City noong Disyembre 13, alas-3 ng hapon. Tatlong pulis ang napatay at tatlo ang sugatan matapos silang pasabugan at paputukan ng mga Pulang mandirigma. Nakumpiska mula sa mga pulis ang isang yunit ng […]
Matagumpay na ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan sa buong kapuluan ang ika-51 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong huling bahagi ng Disyembre 2019. Ito ay sa kabila ng patuloy na pananalakay ng mga armadong pwersa ng reaksyunaryong rehimen sa mga komunidad sa kanayunan sa imbing pagtatangkang pigilan ang mga selebrasyon. Pinatampok sa mga pagdiriwang […]
Nagpatuloy ang mga operasyong kombat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa kabila ng magkatugong deklarasyon ng unilateral na tigil-putukan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Tumagal ang tigil-putukan mula Disyembre 23, 2019 hanggang Enero 7, 2020. Sa loob ng panahong ito, […]
Higit pang nabunyag ang pagkatuso ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng mga ipinaparada nitong pekeng mga “sumurender.” Gamit ang pananakot at panlilinlang, pwersahang nirerekrut ang pekeng mga “sumurender” sa CAFGU. Karaniwang gawi ito ng mga sundalo, ayon sa testimonya ng ilang CAFGU na naging bihag-ng-digma (prisoner-of-war o POW). Nadakip sila matapos ang […]
Ito ang ikalawang bahagi ng “Pagpupundar ng Pulang kapangyarihan sa Delta Serra” na lumabas sa isyu ng Ang Bayan, Nobyembre 21, 2019. Sa pagtatasa ng kumperensya ng Partido sa larangan, tumampok ang malawak na naabot nito sa pag-oorganisa at gawaing masa. Nagsilbing batayan ang mga tagumpay para sa kabuuang pag-abante nito. Napagpasyahan din ng kumperensya […]
MULING NALANTAD ANG programa ng pekeng pagpapasurender na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa dinuktor na larawan mula sa Armed Forces of the Philippines. Noong Disyembre 26, 2019, naglabas ng balita ang 2nd IB sa pamumuno ni Lt. Col Napoleon Pabon na 306 umanong myembro ng Bagong Hukbong Bayan ang sumurender. Kasabay nito ang […]
Habang isinusulong ang kampanyang “kontra-insurhensiya,” pinaiigting ng rehimeng US-Duterte at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “IP-centric approach” (taktika na nakatuon sa mga masang minorya) sa mga komunidad ng Lumad. Ang kahungkagan ng islogan na ito ay makikita sa paglapastangan ng estado sa Dumalongdong upang lalong manggipit at sapilitang magpasurender ng mga Lumad […]