Archive of Articles

19 magsasaka, iligal na inaresto
February 07, 2020

Sa Northern Samar, 15 magsasaka mula sa Barangay Osmeña, Palapag ang inaresto noong Enero 22 at 23. Dinakip ng mga elemento ng 20th IB sina Constancio Capate Martinico, Renaldo Longcop, Gonzalo Magayes, Jomar Orua, Delphin Meraya Jr. at JR Laoreno. Dinala ang anim na magsasaka sa kampo kung saan sila ininteroga. Sa sumunod na araw, […]

Sangtwaryo ng mga Lumad sinalakay ng mga paramilitar
February 07, 2020

ILANG ARAW MATAPOS i-utos ng Regional Peace and Order Council 11 ang pagpapasara ng UCCP Haran Center sa Davao City, sinalakay ito ng mga paramilitar noong Enero 25. Bitbit ang mga sundang, sinira ng mga kasapi ng Alamara, grupong paramilitar na hawak ng berdugong militar, ang mga pader at bakod ng Haran kung saan tumutuloy […]

Sa ika-33 taon ng Mendiola Massacre: Duterte Legacy, kagutuman at kamatayan
February 07, 2020

MULING NAGTIPON ANG mga progresibong grupo at kaanak ng mga biktima ng Mendiola Massacre noong Enero 22 upang gunitain ang ika-33 taon ng masaker. Anila, bigo ang rehimeng Duterte na bigyang hustisya ang pagkasawi ng 13 magsasaka noong Enero 22, 1987 sa Mendiola, Manila. Ang 13 magsasaka ay kabilang sa libu-libong nagtungo noon sa Mendiola […]

Proyektong Aerotropolis, pasakit sa mga mangingisda at mamamayan
February 07, 2020

Sa paligsahan ng mga kapitalista, itinuturing ni Ramon Ang na mapagpasyang papabor sa kanya ang proyektong New Manila International Airport. Mas kilala ito bilang Aerotropolis na itatayo ng San Miguel Holdings Corporation sa 2,500 ektaryang baybay-dagat ng Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan. Ngunit para sa mga mangingisda at residente sa lugar, sa laro ng malalaking negosyo, […]

Maanomalyang pondong paniktik ng DICT
February 07, 2020

Nalantad noong Enero 31 ang maanomalyang paggamit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa tagong pondo nito noong 2019. Ginamit ng upisina ang P300 milyon para sa gawaing paniktik sa internet na labag sa malayang pamamahayag at posibleng pakikialam sa personal na impormasyon ng bawat Pilipino. Isiniwalat ito ni DICT Undersecretary Eliseo Rio […]

Kumilos para tumulong sa Batangas—PKP
January 21, 2020

Sa harap ng malawakang dislokasyon sa ekonomya at paggambala sa buhay bunsod ng mga pagsabog sa bulkang Taal, nanawagan noong Enero 18 ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa sambayanang Pilipino at lahat ng rebolusyonaryong pwersa para tipunin ang pinakamalawak na posibleng rekursong pantulong sa daan-daan libong mamamayan ng Batangas at kalapit na mga prubinsya. […]

Linyang masa sa gawaing rekoberi sa Leyte
January 21, 2020

Paglubog sa masa, sa masigla at tapat na pagsisilbi sa kanila—dito nakita ng mga Pulang mandirigma sa isang larangang gerilya sa Leyte sa Eastern Visayas, ang kahulugan ng pagiging tunay na hukbo ng mamamayan. Ito ang pinanghawakan nilang pampulitikang tagumpay sa gawaing rekoberi sa lugar. Mula nang muling kumilos ang mga kasama sa lugar noong […]

Patuloy na pagsupil sa mga Lumad ng Surigao del Sur
January 21, 2020

Mula nang ideklara ang batas militar sa Mindanao, hindi nawalan ng presensya ng militar sa mga baryo ng San Miguel, Surigao del Sur. Dahil ilang kilometro lang mula sa sentrong haywey, labas-masok ang militar sa mga liblib na komunidad ng mamamayang Lumad. Sa bawat operasyong tumatagal ng 10-15 araw, nagtatayo ng mga tsekpoynt, nagpapatupad ng […]

Rehimeng Duterte, lalupang nahihiwalay
January 21, 2020

  BUNSOD NG TUMITINDING pagkahiwalay ng rehimeng Duterte dahil sa malulubhang paglabag nito sa karapatang-tao, ipinasa ng US Senate noong Enero 8 ang resolusyon na kumukundena sa ekstrahudisyal na mga pagpaslang ng rehimen sa mga mamamayan sa tabing ng “gera kontra droga.” Kinundena rin ng mga senador ang pagdakip sa mga tagapagtanggol ng karapatang tao, […]

Lider-magsasaka, pinaslang sa Catarman
January 21, 2020

Binaril at napaslang ng pinaghihinalaang mga ahente ng 8th ID si Jennifer Tonag sa Barangay Ipil-ipil, Catarman noong Enero 17. Si Tonag ay konsehal ng Barangay Sumuroy, Lope de Vega. Galing ang biktima sa isang seminar sa upisina ng Department of Interior and Local Government nang paslangin. Kilala si Tonag bilang lider magsasaka sa kanilang […]